Chapter 31: Plan A: First Heartbreak

75 12 0
                                        

CHAPTER 31. PLAN A: FIRST HEARTBREAK

"May balak ka ba talagang sabihin sa'kin lahat ng 'to?"diresto ang tingin ni Yuan sa kisame habang tinatanong iyon sa kapatid.

Napasinghap at napayuko ulit si Yuri habang mahinang humihikbi. Nakaalalay naman si Ian sa kaniyang likuran.

Nanatiling tahimik at nakikinig ang mga kaibigan niya maliban kay Anne na wala pa'ron.

"Of course Kuya...hindi 'ko lang talaga alam kung paano sasabihin 'to sayo,"mahinang usal niya, humihikbi pa'rin.

Totoong kinakabahan siya, ni minsan ay hindi siya gumawa ng isang bagay na ikagagalit ng kapatid dahil alam niya kung ano ang kahahantungan ng lahat.

Ayaw niyang nakikita itong nagagalit, si Yuan na lamang ang natitira niyang kamag-anak. Hindi sila madalas magtalo, kung meron man ay karaniwan lang na tampuhan iyon bilang magkapatid. Kahit kailan hindi sila nagkaroon ng mabigat na alitan, ang huling sama ng loob na naramdaman niya para sa kapatid ay no'ng biglaan itong magdesisyon na aalis patungong ibang bansa.

Pero tuwing nagkakaroon sila ng tampuhan ay hindi iyon nagtatagal ng isang araw, inaayos na nila agad.

Pero ito...ramdam niya ang lungkot at disappointment...hindi man nito sinasabi iyon ay gano'n pa'rin ang nararamdaman niya para sa sarili.

Malakas na bumuntong-hininga si Yuan. Hindi siya nag-angat ng tingin dahil wala siyang lakas ng loob para tingnan ito.

"You know how much I love you Yuri..." Nanginginig ang kamay niya nang tuluyan itong tumingin sa gawi niya.

"You're the only one left among my family and yet my only sister. Alam mo kung gaano kita iningatan, inalagaan, prinotektahan at pinagsabihan...ilang beses na pinayuhan at pinaalalahanan lalo na sa mga ganitong bagay. Nagkasundo pa tayo noon sa puntong ito...asan na ang pangako mo?ang mga salitang binitawan mo noon?lahat 'yon...sa isang iglap ay nawala na."

Alam niyang nakatingin sa kaniya ang kapatid, pero hindi niya ito masalubong ng tingin, ang tanging nakakapagaan na lamang ng kalooban niya ay ang pag-aalo na ginagawa ng asawa sa kaniyang likuran.

Muli itong nagpatuloy."Alam mo ang mga plano 'ko para sa'yo...at alam mo rin kung ano ang mga pinagdaanan ko noon. Masyado na kayong matanda para malaman kung anong responsibilidad ang kahaharapin ninyo sa pag-aasawa...matinding commitment, trust at pasensiya. Hindi lang pagmamahal ang pundasyon doon, dahil kailangang kilala niyo ang isa't isa bago kayo humantong sa ganito, pero isang gabi lang, makalipas ang ilang buwan nawala at nabalewala na ang lahat?ayokong dumating ang araw na pagsisisihan mo ang lahat, at mas lalong ayaw kong maipit ang batang iyan kapag maghiwalay na kayo balang-araw."

Awtomatiko siyang napa-angat ng tingin sa kapatid dahil sa huling sinabi nito.

"Hindi 'yon mangyayari Kuya,"may kumpiyansang aniya.

"Hindi kami maghihiwalay ni Ian, sigurado ako roon,"buo ang loob na sagot niya.

"You might be sure how about your husband?"tumingin ito kay Ian na nasa likuran niya. Napalingon rin siya sa asawa na naabutan'g nagitla pa.

Hindi siya nagsalita at hinihintay na sumagot si Ian. Nakatitig lang ito sa kaniya kaya nagkaroon siya ng pagkakataong mabasa ang mga mata nito.

Hindi niya maintindihan kung bakit sa pagkakataong iyon ay nakaramdam siya ng kakaibang kaba. Na tila maging siya ay hindi sigurado kung nais din ba niyang marinig ang isasagot ni Ian, dahil sa sandaling iyon ay nakaramdam siya ng pag-aalinlangan sa mga mata nito.

"O-of course Kuya..."biglang bumaling si Ian sa kapatid niya at hindi niya alam kung bakit nakaramdam siya ng ginhawa matapos marinig iyon. Dahan-dahan siyang napalingon ulit sa nakatatandang kapatid.

[Completed]The Best Mistake(Mistaken Series #01)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon