Chapter 24: The Coincidence

74 13 0
                                    

CHAPTER 24. THE COINCIDENCE

"Yuan Dan Mendez,"mabilis na wika ni Yuri sa Nurse pagkarating nila sa lobby.

Nanginginig ang kamay niya habang paulit-ulit na tinutuktok ang mesa ng lobbyist. Kagat-kagat niya ang labi habang pinipigilan ang sariling mangilid ng luha, kanina pa niya gustong umiyak pero kailangan niyang panatilihin ang pagiging kalmado. Pero kahit na anong gawin niya ay nangingibabaw pa'rin talaga ang pag-aalala na nararamdaman para sa kapatid.

Hindi naman iyon maaalis
sa kaniya lalo pa't ito ang kauna-unahang nangyari ito sa kuya niya. Alam niyang hindi dapat siya magpadala sa takot dahil maging 'yon ay bawal sa kasalukuyan niyang kondisyon.

"Hon, please calm down. Your brother is going to be fine baka ikaw ang mapano, should I really allowed you to come here? I think it would be best if I should be the one to visit him. I'm worried you gonna worry too much and it might not good for your condition. Is it okay if I take you home instead?"humarap sa kaniya si Ian at hinawakan siya sa magkabilang balikat.

Mula sa Nurse ay napatitig siya kay Ian, hindi niya ito masisi dahil maging siya ay aminado sa sinasabi nito. Halata kasi ang panginginig ng mga kamay niya at ang pagkabalisa mula pa kanina.

Pero ang ideyang sinabi ni Ian ay hindi siya sang-ayon kaya magkakasunod siyang umiling.

"Ian, masama ang kutob 'ko,"aniya. Patuloy na iwinawasiwas ang mga kamay para kumalma.

"Hindi ako matatahimik kung naroon lang ako sa bahay, ito 'yong unang beses na nangyari 'to kay Kuya. Hindi 'ko mapapatawad ang sarili 'ko kapag may nangyaring masama sa kaniya...dahil 'to sa'kin... kasalanan 'ko 'to..."Nag-uunahan na sa pagtulo ang mga luha niya.

"Shhh...no..."hinawakan siya ni Ian sa magkabilang pisnge at tiningnan sa mata.

"Hon, look at me." Pag-uutos ni Ian dahil sa paghikbi niya.

"Have faith, trust him,"nakaturo ang daliri ni Ian sa kisame. Tumango-tango si Yuri sa asawa at pilit na pinakalma ang sarili.

"Fifth Floor, room 105 Ma'am." Nagsalita na ang Nurse na kanina pa pala sila pinagmamasdan, mabilis silang napabaling rito at tumango.

Dumiretso agad sila sa elevator matapos sabihin iyon. Magkasunod silang pumasok. Hawak ni Ian ang kamay ng asawa bago unti-unting sumara ang pinto ng elevator. Pero bago maisara iyon ay may nahagip siyang pamilyar na tao.

Nasisiguro niyang nakita na niya ang nakaputing lalaking iyon, at nararamdaman niya ang kakaibang kaba dahil sa nakita.

Hanggang sa magsira ang pinto ng elevator ay napalingon siya kay Yuri. Na hindi mapalagay at nasa itaas ang paningin, inip na inip na hinihintay na huminto ang elevator kahit nasa Fifth floor lang naman.

Hindi niya napigilang maging siya ay makaramdam ng kaba at pag-aalala, hindi dahil sa kalagayan ng kapatid ni Yuri kung hindi ang mga bumabagabag sa kaniya sa loob ng tatlong linggong iyon.

Ang totoong dahilan kung bakit nasabi niyang hindi siya mapalagay sa nangyari sa kanila ni Yuri, katulad ng sinabi niya sa mga kaibigan. Kung ano ang totoong nangyari ng gabing iyon, at ang totoong dahilan kung bakit agad siyang pumayag na pakasalan si Yuri.

Ang lahat ng 'to ay unti-unti na siyang binabagabag ngayon, at nahihirapan na ang kalooban niyang itago ang lahat, hindi niya mapigilang malungkot sa kahihinatnan ng relasyon nilang mag-asawa sa oras na sabihin niya ang buong katotohanan.


Bumukas ang elevator at mabilis silang naglakad at hinanap ang nasabing room. Agad nakita ni Yuri ang tatlong kaibigan na nasa labas ng isang ICU room.

"Kate!anong nangyari?!" Dali-dali siyang lumapit rito.

[Completed]The Best Mistake(Mistaken Series #01)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon