CHAPTER 27. AWAKEN
TAHIMIK si Yuri na nagbabalat ng kahel, kagigising lang niya mula sa pagkakaidlip, malaking tulong kasi ang pananatili ng mga kaibigan niya para hindi siya mapagod sa pagbabantay sa kaniyang kapatid.
Ilang beses man siyang sinabihan na umuwi at magpahinga, hindi siya nakinig. Kapalit ng pag payag ng mga itong manatili siya ay dapat lang na hindi siya magpapagod.
"Ginagawa mo ba 'yong daily check up mo Yuri?"Mayamayang tanong ni Kate.
Mag-aalasiyete na ng gabi iyon. Dahil may negosyo sila, si Kate lang muna ang kasama niya sa pagbabantay at si Jess at Anne naman ang naiwan sa Cafe. Ang asawa naman ay kaalis lang upang kumuha ng kan'yang damit at bumili ng pagkain.
Saglit muna siyang natigilan dahil wala siyang mahanap na isasagot sa kaibigan.
"Ayaw ko pa kasi..."nag-aalinlangan niyang sagot na nagbaba ng tingin.
"Ang totoo... ayokong malaman ang gender ng magiging anak 'ko,"patuloy niya.
"Ede sabihin mo sa doktor na 'wag sabihin sa'yo, ang importante ay nagagawa mo 'yong daily check-up,"napalabi siya at tumango.
"Mabuting isama mo si Ian para alam niya."
"Sige "
"Siya nga pala..."muli siyang napalingon sa kaibigan.
"Hmm?ano 'yon?"
"'Yong nangyari kahapon,"panimula nito.
"Bago mangyari 'yong aksidente...tumawag siya sa'min na darating na siya at nakarating na ng Pilipinas." Nilingon nito ang kapatid niya.
"Pati sa kondisyon mo... alam na'rin niya,"dahan-dahan mang pagkukuwento nito ay nagitla pa'rin siya.
Unti-unti siyang natigilan sa pagbabalat at bahagya tumagilid kay Kate."A-ano 'yong sabi niya?" Pigil ang lunok niyang tanong.
"Wala,"diresto nitong sagot. Tila alam nitong nakakaramdam siya ng kaba.
"Ang sabi lang niya... kailangan niyong mag-usap." Sabay baling ng tingin sa kaniya."Alam mong expressive na tao ang Kuya mo,"dagdag pa nito. "Sa pagkakataong 'to, hindi 'ko mahulaan kung anong iniisip niya dahil wala naman siyang ibang sinasabi sa'min, pero ang sabi niya..."
"Maghanda raw tayo,"dugtong nito. Awtomatiko siyang napasinghap ng hangin at sunod na bumuntong-hininga.
Napalingon siya sa natutulog par6in na kapatid.
"Matapos 'yong limang buwan...ngayon lang ulit kami magkikita,"biglang banggit niya.
"Tuwing nagkakalayo kami... pareho naming nararamdaman ang lungkot dahil namimiss namin ang isa't-isa. Tuwing nagkikita kami...pareho naming nararamdaman ang excitement at tuwa tuwing naiisip na magkakasama na kami ulit...simula pagkabata 'yon na ang nakasanayan naming samahan bilang magkapatid. Kaya itong nararamdaman 'ko ay nakakapanibago para sa'kin, narealize 'kong... ito ang unang beses na hindi namin ginustong magkita." Napababa siya ng tingin matapos magsalita.
"Hindi totoo 'yan,"putol ni Kate dahilan para lingunin niya ito.
"Alam 'kong pareho niyong gustong makita ang isa't isa, iba lang talaga ang sitwasyon ngayon dahil magkikita kayo dahil sa isang problema." Saglit siyang natigilan dahil totoo nga naman ang sinabi nito.
"Nalulungkot ako tuwing naiisip na problema lagi ang dala sa'kin ng anak 'ko... hangga't maaari ayokong naiisip ang gano'n. Tatanggapin 'ko ang galit niya kung meron man." Nilingon niya si Kate. "Pero hindi 'ko pinagsisisihan ang mga nangyari,"determinado niyang wika.

BINABASA MO ANG
[Completed]The Best Mistake(Mistaken Series #01)
RomanceNBSB, the perfect word to describe the state of Eurica Daz Mendez a.k.a 'Yuri' as a hopeless romantic girl. She is already twenty-four but she never experienced getting into relationship or being linked to other guys, such us; having sex with anyone...