Chapter 11: Confession

160 40 0
                                    

CHAPTER 11. CONFESSION

"HON, we should enjoy our stay here. We shouldn't be like this, what's wrong? kahapon ka pa walang imik, hanggang ngayon hindi mo 'ko kinakausap. I'm starting to worry, are you mad?did I do something you didn't like?" Kasabay ng pangatlong pagsusumamo ni Ian ay ang panibagong bumuntong-hininga na pinakawalan ni Yuri, kinabukasan.

Last stay na nila sa resort pero imbes na maging masaya at exciting ang pagbakasyon nila roon ay tila hindi iyon naging magandang ideya, para kay Yuri ay mas lalo silang nagkaroon ng problema, ah hindi sa kaniya lang naman.

Hindi niya inaasahang pagpapalit ng mood niya ay naging abala at mas lalong alalahanin nila. Hindi niya maintindihan kung bakit bigla ay nawalan siya ng ganang lumabas, kumain at kahit ang makipag-usap o magpaliwanag. Kahit na nais niyang sagutin at kausapin si Ian dahil alam niyang nag-aalala lamang ito sa kaniya ay wala siyang lakas para gawin iyon, wala siyang ibang ginawa kung hindi ang titigan ito at bumuntong-hininga.

"What's wrong?can you tell me?"kitang-kita niya ang pag-aalala sa mukha nito.

Kung dati nasanay siya sa blangko nitong ekspresiyon ngayon naman ay nasaksihan niya ang dalawang oras na pag-aalala nito sa kaniya.

Napabuntong-hininga siya saka pumikit.

Sige na Yuri!'wag ka nang maarte! magsalita kana!

Naiinis na siya, kanina pa niya gustong sabunutan ang sarili dahil sa katamarang sumasakop sa buong katawan niya, kanina pa niya iniisip kung ano ang pinanggalingan nito.

Parte na naman ba ito ng pagiging buntis? pwes, nakakairita na.

Wala sa sarili siyang nagbaba ng tingin sa tiyan at hinimas iyon.

Baby, sige na tulungan mo si Mommy.

Shaks ,Mommy na talaga ako

Totoong sumama ang loob niya kagabi, pero masyadong mababaw iyon para magtanim ng sama ng loob, hindi niya maintindihan kung bakit gano'n nalang ang pag-iinarte niya at hindi niya magawang kausapin o pakitunguhan ng maayos si Ian, tuloy ay nababagabag siya at nasasaktan para rito.

"Okay, if you really don't want my presence here I'll be back maybe later on." Muli siyang napa-angat ng tingin kay Ian na tumalikod na sa kaniya matapos sabihin iyon.

Napaawang ang labi niya para sana pigilan ito.

"Uhm..."awtomatiko itong lumingon kahit 'yon palang naman ang nasasabi niya. Tuluyang siyang napangiti nang maramdaman na niya ang unti-unting pagbalik ng enerhiya kagabi.

"I'm fine..."sa unang beses ulit sa araw na iyon ay nagsalita siya, kaya gano'n nalang ang ngiting pinakawalan ni Ian na mabilis na lumapit at naupo sa tabi niya .

"Thank God nagsalita kana, I was starting to think that you loss your hearing that's why you didn't understand me."Hindi siya makapaniwala sa sinabi nito kaya hindi niya mapigilang matawa ng bahagya.

"Ayos lang ako, pansensiya na kung pinag-alala kita dahil do'n,"sensirong sabi niya.

"I understand,"bumuntong-hininga ito. "But can you tell me what's wrong?is there something bothering you?"mabilis siyang umiling saka ngumiti.

[Completed]The Best Mistake(Mistaken Series #01)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon