CHAPTER 21. THE RETURN
"Anong gagawin na'tin?"Nakapangalumbaba at namomroblemang tanong ni Anne sa kaharap na kaibigan.
Muli siyang tumayo mula sa pagkakaupo at muling nagpaikot-ikot at nagpabalik-balik ng lakad dahil sa sobrang pag-aalala. Hindi na siya magugulat kung mayamaya ay meron nang hahatak sa kaniya upang maupo o sisigaw para tumigil siya sa ginagawa.
"Hindi ko rin alam, okay? kailangan muna nating sabihin 'to kay Yuri." Hindi makatingin sa kaniya si Kate nang sagutin ang tanong niya. Mukhang hindi nito alintana ang ginagawa niya dahil maging ang kaibigan ay tila nababagabag rin.
"Kagagaling lang niya sa hospital, alam mo na naman na proproblemahin lang niya 'to e,"sumingit si Jess na nakabusangot rin ang mukha.
"E, anong gusto mong gawin 'ko?hindi sabihin sa kaniya?e, mas lalo lang lalala ang lahat." Naiiritang sagot ni Kate sa kaibigan, napanguso na lamang siyang naupo ulit at hinarap ang mga ito.
"Kate, I'm just worried about Yuri's condition. 'Yong nangyari sa baby niya ay milagro na at mabuti nalang malakas ang kapit ng bata pero pa'no kung maulit ulit 'yon at mapahamak na talaga silang dalawa?"sa wakas ay nasabi niya. Kanina pa niya gustong sabihin iyon sa kaibigan.
"Anne is right Kate, anong gagawin na'tin?"hindi rin mapakaling sang-ayon sa kaniya ni Jess.
Napahawak si Kate sa sentido at napapikit.
Bakit ba ako ang tinatanong nila?anong akala nila sa'kin math?tss.
"No, I'm sure by now alam na ni Yuri ang tungkol dito,"mariing sagot na lamang ni Kate na sinulyapan ang mga kaibigan at magkakrus ang brasong tumayo at humarap sa labas ng glass wall ng Shop nila.
Maaga silang nagsara dahil para sa kanila ay malaking problema ang kinakaharap ngayon, kailangan nilang pagtuunan iyon ng pansin.
"Are you sure?"hindi maalis ang pag-aalala sa mukha ni Anne.
Napipilitan siyang tumango kahit labag sa loob ang sinasabi. Sa totoo lang, hindi rin siya sigurado ro'n. Pero kailangan ng assurance ng mga kaibigan niya para matahimik na ang mga ito.
Tuwing nakikita niya kasi ang mga itong nagpapanic ay nabubuwisit siya. Sumasakit ang ulo niya at nadaragdagan pa ang rason kung bakit hindi siya makapag-isip ng maayos, sa kanilang apat kasi siya lang kaya ata ang normal.
"Naniniwala akong makakaya ni Yuri 'to, don't worry we will help her."
Bumuntong-hininga ulit siya matapos magsalita. Pagkatapos ng sinabi ay awtomatiko siyang napangiwi, na para bang nakakaramdam siya ng binat kakaisip sa kinakaharap na problema ni Yuri. Pag ito talagang kaibigan niya ang nagkakaroon ng problema ay lahat sila nadadamay rin.
Wala naman silang choice dahil nga mas matino sila mag-isip kaysa kay Yuri, ito naman kasi ang mas magaling rin pagdating sa pagpapalakad ng Shop nila kaya lumago rin agad. Isa pa, talagang may pananagutan na siya noon paman.
Simula no'ng umalis ang kuya Yuan ni Yuri ay naibilin na sa kanila ang pagbabantay kay Yuri. Na inakala niyang magiging madali dahil lagi naman niyang nakakasama si Yuri. Pero talagang isang gabi lang nangyari ang lahat at na balewala na ang araw-araw niyang pagbabantay sa gagang kaibigan. Kaya, kailangan talagang siya ang umasikaso ng lahat para walang masabi sa kaniya si Yuan.
"As I expected uuwi agad si Kuya Yuan after knowing the truth. Yuri maybe already know about his brother sudden return but she don't know that Yuan already knew her real situation now,"dagdag pa niya. Doon lamang niya ulit nilingon ang mga kaibigan.
Lukot ang parehong mukha ng dalawa, at alam niyang si Anne ay kanina pa gustong mangilid ng luha dahil ramdam na ramdam niya ang pagpipigil nito.
Sa totoo lang, sa isip ay ipinapanalangin niya na sana noon palang ay nasabi na ni Yuri ang mga bagay na'to kay Yuan. Pero hindi rin niya masisisi ang kaibigan kung kinailangan nito ng mahabang panahon para magkaroon ng lakas ng loob para ipaalam ang lahat.
![](https://img.wattpad.com/cover/248254391-288-k63682.jpg)
BINABASA MO ANG
[Completed]The Best Mistake(Mistaken Series #01)
Любовные романыNBSB, the perfect word to describe the state of Eurica Daz Mendez a.k.a 'Yuri' as a hopeless romantic girl. She is already twenty-four but she never experienced getting into relationship or being linked to other guys, such us; having sex with anyone...