Chapter 14: The Song!

117 18 0
                                        

CHAPTER 14. THE SONG!

"Good morning." Naalimpungatan si Yuri na iminulat ang kanang mata para silipin ang katabing asawa. Bumungad sa kaniya ang maaliwalas at nakangiti nitong mukha, hindi niya mapigilang mahawa.

"Good morning,"nakangiti ring bati niya.

Bahagya siyang napakunot-noo nang mas lalo itong lumapit sa kaniya at halikan siya sa pisnge. Nakapikit niyang dinamdam ang nakapagandang pakiramdam.

"How's your sleep?"nakangiti nitong tanong.

Nakaupo siyang umayos para salubungin ang pagbati nito.

"Ayos naman, anong meron?parang ang saya mo." Hindi niya mapigilang magtaas ng isang kilay.

Nasanay siyang kulang o walang ekspresiyon ang mukha ni Ian. Kaya kahit ilang araw na silang magkasama bilang pormal na mag-asawa ay hindi parin niya maialis ang pagkagulat sa sarili.

Imbes na sagutin ang huling tanong niya ay mas lalo lamang itong tumawa.

"What's wrong with being happy?"Napaismid siya sa isinagot nito. Umasta rin siyang nag-isip kung bakit naisip niyang kakaiba ang pagiging masayahin nito ngayon.

"Dahil hindi 'yon pangkaraniwan sa'yo,"sagot na lamang niya. Tumaas ang gilid ng labi nito kaya mas lalo siyang natawa.

"Pansin mo hindi ka gano'n diba?"panunuya pa niya.

"Tss,"ngumuso ito at bahagyang tumagilid sa kaniya.

Mas lalo siyang napangiti nang rumihestro sa kaniyang isip kung ano nga ang dahilan ng pagiging masaya nito.

Imbes na magsalita ay lumapit siya rito upang yakapin mula sa likuran. Naramdaman niya ang pagtaas ng dalawa nitong balikat senyales na nagulat ito sa ginawa niya. Mas lalo siyang napangiti nang mapatunayang gano'n na lang nga ang epekto niya sa Asawa.

"Ang bango mo naman, samantalang ako hindi pa naliligo." Nakangiti niyang sininghot ang leeg at kuwelyo nito.

Mukhang doon lang din niya napansin ang bihis nitong mukhang papasok sa trabaho.

"May pasok ka ngayon?"tanong niya na sinilip ang mukha nito. Pilit ang ngiti nitong tumango.

"I had to go work today,"nanlulumong aniya.

"Gano'n ba?"umalis siya mula sa pagkakayakap saka tuluyang bumangon.

"Napasarap ata tulog 'ko, teka kumain ka na ba?"tanong niya habang inaayos ang buhok.

"Yeah, I had my early breakfast already. I just really want to see you before I go to work, and I want to taste your coffee again, babaunin 'ko sa trabaho,"nakangiti nitong sabi, hindi niya inaasahang hahapitin siya sa beywang.

Nahihiya siyang bumaling sa kanan, dahil hindi pa siya nag to-toothbrush at kagigising lang niya.

Malay ko bang naglaway ako habang natutulog?

Niyakap niya ang asawa at pasimpleng inamoy ang hininga gamit ang palad.

'Di naman mabaho.

"Sige, igagawa kita." Nakangiti siyang humarap para sumagot rito. Tumango naman si Ian saka sila sabay na bumaba ng hagdan.








"Ingat ka,"paalam niya nang nasa entrada na sila ng bahay. Paalis naman si Ian para magtungong trabaho.

Nakangiti itong muling humarap sa kaniya at hinawakan siya sa kamay. Mas lalo siyang nangunot-noo dahil sa ikinilos nito.

"Oh? bakit?"igninuso niya ang magkahawak nilang kamay.

"Can't you come to me?"naniningkit nitong tanong. Mabilis na nagsalubong ang dalawang kilay niya.

[Completed]The Best Mistake(Mistaken Series #01)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon