Chapter 29: The Determination of a broken heart

88 12 0
                                    

CHAPTER 29. THE DETERMINATION OF A BROKEN HEART

Nararamdaman pa'rin ni Angel ang panginginig ng mga kamay, kasalukuyang nakaparada ang kotse niya sa harap ng Mansion ni Ian.

Hindi niya alam kung ano ang gagawin, kung paano haharapin si Ianah lalo pa't mahahalata lang siya nito dahil sa magiging asta niya. Kilala siya nito masyado kaya madali para rito na malaman kung may kakaiba sa kaniya.

Sobra ang kaba na nararamdaman niya... matinding takot din simula pa kanina. Hindi niya maiwasang mapikit at ilang beses na patayin sa isipan ang Ivan na iyon.

"Damn that bastard!"

Una palang kami nagkita ay binigyan na agad niya'ko ng problema!bakit ba kasi siya pa ang nakausap 'ko ng gabing 'yon?bakit kailangan siya pa?!

Nag-ngingitngit siya sa inis at galit. Mas lalo pa siyang naiinis sa sarili dahil napapaisip siya sa mga sinabi nito.

Partikular ang parte no'ng binanggit nitong alam na ni Ian iyon, hindi niya maiwasang mag-isip kung ano ang dahilan. Hindi niya rin alam kung ano ba talaga ang gagawin, kung sasabihin nalang ba niya ang totoo?

"No!"

No way! there's no f*cking way I would said it!

Mas lalong lalayuan siya ni Ian. The worst case ay kakamuhian pa siya nito. He could not lost him, pero hindi rin siya papayag na magpatali ito sa isang babae at manood nalang na paniwalaing sa kaniya ang anak ni Yuri, she will not let it.

Tama nang kinimkim niya ang sakit nang malamang ikinasal na ito. She even disobeyed her father and even got to break up with her boyfriend when she realized she is inlove with Ian.

But now...hindi niya inaasahang aabot siya sa puntong bibigyan pa siya ng pagkakataong mabawi ang pagsisising iyon.

Right...

This time, she will get what is for her. And Ian, Ian belongs to her, wala ng iba pa.  And that means she will do everything to have him, whatever it takes.

Wala na siya sa tamang pag-iisip at ang tanging nais na lamang ay ang mapa sa kaniya si Ian.

She give away once, but that won't happen in the second time around.

There's no coming twice.

Again, she get out from her car and stood frontline. She's determined to do the next step, huminga siya ng malalim bago nagsimulang pumasok sa Mansion.

"Ma'am andito po ulit kayo,"si Manang Ising agad ang bumungad sa kaniya. Peke siyang ngumiti at tumango rito bago muling tumalikod.

Ito naman ay nauna sa kaniya.

"Ma'am, andito napo si Ma'am Angel,"rinig niyang pagbibigay alam nito.

Naghanda siya ng pilit ngunit malapad na ngiti nang salubungin si Ianah nang marating niya ang malawak na sala. Kagaya ng inaasahan ay abala ito sa pagbabasa ng mga magazines with her fancy outfits as ever.

"I thought it will take another FOREVER before I could see you,"wika nito na sinalubong siya ng beso.

"I'm sorry for keeping you waiting,"umasta siyang nalungkot.

"And my time is so precious,"sinabayan nito ang pagiging mataray niya.

"That I'm the only one who can afford it,"nakataas ang gilid niyang pagdurugtong.

"But you still owe me one,"natawa nalang siya sa sinabi nito.

"Ikaw nga dapat ang may utang sa'kin, you promised me this year is my wedding,"panimula niya. Unti-unting nawala ang ngiti nito.

[Completed]The Best Mistake(Mistaken Series #01)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon