Chapter 18: The Truth Behind The Flashback

132 19 1
                                    

CHAPTER 18. THE TRUTH BEHIND THE FLASHBACK

Analepsis(flashback)

YURI'S POINT OF VIEW

"Yuri?What are you doing here?"

"Nakatayo sa harap ng pinto, mabilis lang ako, kukunin 'ko lang ang kinuha mo," seryoso kong sagot sa tanong niya.

Mabilis nagbago ang ekspresiyon ng mukha niya kaya nasisiguro 'kong nahulaan niya agad kung ano ang tinutukoy 'ko.

"No, you can't come in." Asta niyang isasara ang pinto nang mabilis :kong iniharang ang isang kamay upang pigilan siya.

"Hindi mo pwedeng gawin sa'kin 'to Angel, ibalik mo ang note book sa'kin," patuloy ko.

Hindi ko alam kung bakit gano'n nalang ang pamamawis ng noo niya. Simula nang pagbuksan niya'ko ng pinto ay halata na ang panginginig ng kamay niya, na para bang inaasahan na niyang darating ako at magkakaabutan kami.

"Please...leave now...I'm sorry I can't entertain guest now." Gano'n nalang ang panginginig ng mga boses niya nang sabihin iyon. Mabilis na rumihestro sa utak ko ang takot na gusto niyang iparating.

"Teka lang,"gusto ko sanang itanong kung bakit gano'n nalang ang panginginig ng boses niya nang panlakihan niya'ko ng mata at isinenyas na umalis na'ko.

Doon 'ko lang napansin na nakadungaw lang siya sa pinto at may kung anong itinatago sa likod nito.

"Ano?"naguguluhan :kong tanong nang magsimula siyang magsalita ng walang boses. Kasabay nang pangungunot-noo 'ko ay ang biglang paghila ng kung sino man sa'kin.

"No!Yuri get out now!run!"rinig kong sigaw ni Angel.

Mabilis 'kong nararamdaman ang panginginig sa katawan nang hindi 'ko na siya nagawang lingunin pa dahil may kung sino nang humablot sa'kin at patingala akong tinakpan ng bibig.

Anong nangyayari?!

Hindi ko alam kung bakit bigla akong nagkaroon ng kakayahang bilangin ang kada tibok ng puso 'ko. Bawat pintig no'n ay sobrang lakas at nakakabingi dahil sa sobrang bilis. Ni hindi ko magawang igalaw ang kamay 'ko dahil sa sobrang panginginig.

"Bitawan mo 'ko!" Malakas na sigaw 'ko matapos subukang makawala sa lalaking may hawak sa'kin.

Sunod 'kong naramdaman ang kung anong bagay na tumutok sa leeg 'ko. Gano'n nalang ang panlalaki ng mata ko nang makita ang baril nitong nakatutok sa'kin.

Mabilis 'kong naramdaman ang pangingilid ng luha. Pilit niya rin akong pinapaharap kay Angel na no'oy hawak din ng isa sa mga kasamahan nila.

Gano'on nalang ang panglulumo 'ko matapos silang mabilang lahat. Lima silang naroon sa malaking sala at halos magdilim na ang buong bahay dahil walang nakabukas na ilaw at natatakpan naman ng mga kurtina ang sinag ng araw na nagmumula sa labas.

"Just let her go!wala siyang kinalaman dito!get your stupid hands off from me!"pilit na pagpupumiglas ni Angel na pilit akong nililingon.

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman dahil sa paraan ng pagtingin niya sa'kin. Nangingilid ang mga luha niya, ramdam 'ko ang takot niya kahit sinusubukan niya paring makawala. Napasinghap ako kasabay ng panlalaki ng mata nang bigla siyang suntukin ng lalaking may hawak sa kaniya.

Angel!

Gusto kong isagaw iyon pero mas lalo akong sinakal ng isa para hindi na makagawa pa ng ingay.

Nanghihina ang tuhod 'ko at sunod-sunod ang pagpatak ng aking luha. Gusto 'kong magsisi dahil sa inasta kanina nang maalala ang anak 'ko sa aking tiyan. Kung nakinig lang ako kay Angel na umalis na ay ba'ka hindi pa'ko nadamay.

[Completed]The Best Mistake(Mistaken Series #01)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon