CHAPTER 16. MISSING
"Saan na kaya 'yon nagpunta?"Nakapandihawak muling tumayo si Kate habang itinatanong iyon.
Kunot-noo niya muling tiningnan ang oras sa suot na wrist watch, magtatatlong-oras na silang naghihintay."I don't know, akala 'ko ba mag-uusap kayo?what's wrong with Yuri girl?ano 'to? trip-trip lang?"taas-kilay ring tugon ni Jess.
Napairap siyang nag-iwas ng tingin habang inaalala ang pag-uusap nila kanina sa telepono.
"Teka, tatawagan 'ko nalang siya,"presinta ni Anne.
Napapantastikuhan siyang muling naupo dahil sa narinig sa kaibigan.
"Mabuti at sa wakas ay naisip mo 'yan sa tatlong-oras na paghihintay na'tin dito. Nagsara pa tayo ng maaga sa Quatro ladies Cafe para dito ah, kaya kung prank niya 'to susumalmalin 'ko talaga ang buntis na babaeng 'yon,"naiirita niyang wika na nag-iwas ng tingin.
Nakangiwing nilingon ni Anne si Jess na nagkibit-balikat lamang.
"She's not answering,"aniya. Pangatlong beses na inulit ni Anne ang pagda-dial pero hindi p6arin sumasagot si Yuri.
"Tss, asan na ba 'yon?gumagabi na, alam ba ni Ian kung saan siya nagpunta?"muling tanong niya.
Ang totoo niyan ay kanina pa siya hindi mapalagay, simula no'ng tinawagan siya ni Yuri kanina ay nakaramdam na siya ng kaunting pag-aalala, pagkatapos ay naabutan pa niyang wala ito sa Mansion nila.
Muling niyang sinulyapan si Anne na paulit-ulit na kinokontak si Yuri, kagaya kanina ay nanlulumo itong nilingon siya. Napansinghap siya ng hangin at pilit na pinakalma ang sarili, ayaw niyang ipahalata sa mga kaibigan na mayro'n siyang nararamdamang hindi maganda.
"Ask the helpers,"utos niya na hindi nililingon ang mga kaibigan. Mabilis niyang narinig ang pagkaripas ng alis ni Anne at ang pagtabi sa kaniya ni Jess.
"You can feel there's something wrong, right?"bulong sa kaniya nito.
Tipid siyang tumango na nilingon ang gawi ni Anne. Kumpara kay Anne ay mas mahinahon si Jess, si Anne kasi ang higit na mas nag-aalala sa kanilang apat kapag may nangyayaring masama kahit isa sa kanila at talagang malapit si Anne kay Yuri. Sa kanilang tatlo ay ito ang mas nag-aalala sa kalagayan ni Yuri, tuwing bumibisita sila kina Yuri ay si Anne ang unang nagprepresinta, lagi nitong bukam-bibig si Yuri.
"'Wag mo na munang ipapahalata kay Anne,"tugon niya, tumango naman si Jess.
Mayamaya pa ay kasama na ni Anne ang hardinero.
"Manong,"siya ang naunang tumayo upang salubungin ito.
"Asan po ba si Yuri?nagsabi ba siya kung saan siya pupunta?"tanong niya.
"Hindi ko rin alam Ma'am, huli po naming pag-uusap ay may pupuntahan lang daw siya at nagmamadali na siyang umalis,"kamot-kamot ang ulo nitong sagot.
"That's weird,"bumuntong-hininga si Jess. Maging siya ay napakunot-noo rin.
Saan naman siya magpupunta?
"Excuse me po mga Ma'am, nandito po ang Cellphone ni Ma'am Yuri, naiwan po ata." Mabilis nilang nilingon ang isa pang kasambahay, si Manang Ising.
Lumapit siya rito para tanggapin ang cellphone na naiwan ni Yuri, mas lalong nadaragdagan ang kaba niya kanina.
"Why did she left without bringing her phone?"sunod na kinuha ni Anne ang cellphone sa kaniya. Nakapikit siyang suminghap ng hangin nang maisip na baka may masama nang nangyari sa kaibigan.
'Wag naman sana.
"Nagmamadali siya..." Naibulong niya na hinarap ang mga kaibigan.
"Call Ian and ask him if he's with Yuri, baka naroon lang sila sa company niya." Baling niya kay Jess. Nagsimulang magdial ang kaibigan nang magsalita muli si Mang Diosdado.
BINABASA MO ANG
[Completed]The Best Mistake(Mistaken Series #01)
RomanceNBSB, the perfect word to describe the state of Eurica Daz Mendez a.k.a 'Yuri' as a hopeless romantic girl. She is already twenty-four but she never experienced getting into relationship or being linked to other guys, such us; having sex with anyone...