Chapter 04 | Alibi & explanation

1.2K 36 2
                                    

[JOSH'S POV]
Biyernes ngayon at kagagaling ko lang sa shift ko habang si Ken naman ay hindi ata papasok. Tsk, graduating na ta's nagcu-cutting pa.

"Oh kuya, mamaya pa shift mo?" Tanong ni Ken at sinamaan ko s'ya ng tingin. Kanina pa ako nandito pero ngayon lang lumabas ng kwarto nila.

"Oo, at ikaw, ba't ka hindi napasok ha." Sabi ko sakanya habang pini-pingot s'ya.

"Ah, ah. Aray! Cancelled class namin since may event yung mga professor at alumni sa campus namin." Page-explain nya at binitawan ko s'ya.

"Si Y/N nga pala hindi nag-almusal kanina, tulog pa hanggang ngayon." Napa-tingin ako sa sinabi ni Ken at agad pumasok sa kwarto ni Y/N. Nakita ko s'yang mapayapang natutulog.

At bakit naman um-absent 'tong babae na 'to?

Umupo ako sa kama nya nang biglang mag-ring phone nya. Nang makita kong pangalan ito ng lalaki ay agad ko itong sinagot.

"Sino 'to-" hindi natuloy ang sasabihin ko sakanya nang bigla s'yang nag-salita sa kabilang linya.

{Hoy Y/N! Ngayon na 'yung field trip bakit pina-balik mo kay ma'am yung slot mo? Hindi naman kita sisingilin ehh, ayun na nga lang pambawi ko para sa mga nagawa mo sa'kin eh.}

Nag-taka ako sa sinabi nang lalaking 'to? Anong field trip? Anong slot? Anong sisingilin? Anong mga nagawa ng kapatid ko para sakanya?

"Kuya 'to ni Y/N? Sino 'to?"

{Ay, hehe. Hello po. Classmate po 'to ni Y/N.} Nahihiyang sagot nya sa'kin.

"Anong kailangan mo sa kapatid-"

{Sige po ba-bye po.} Sabi nya at pinatay ang tawag. Aba, medyo bastos din 'to ah.

Tumingin ako sa kapatid kong inosenteng natutulog. Hays, may field trip ka pala ba't hindi ka sumama? Nag-aalala ka nanaman ba sa gastusin?

8:30 na nang magising si Y/N. "Ba't nandito pa kayo, kuya? Goodmorning." Nagka-kamot-mata nyang sabi sa'min ni Ken.

"Ba't wala kayong pasok, bunso?" Tanong ni Ken kay Y/N. "Ah, may get-together ata 'yung mga teacher at alumni. Ewan?" Sabi nya naman habang nag-papalaman ng tinapay.

"Sinungaling. Parehas pa talaga kayo ng alibi ni Ken." Parehas silang napa-tingin sa'kin. Alam ko ring may pasok si Ken pero hindi na ata naka-pasok since walang kasama si Y/N dito sa bahay.

"Yung totoo, Y/N. May tumawag na 'mike laging absent' sa'yo kanina." Napa-tigil si Y/N sa pagkain nya ng tinapay.

"Ah, si Michael? Yung may gusto sa'yo simula nung kinder? Ba't tumawag?" Ako naman ang napa-tigil sa ginagawa ko. Ha? May? Gusto? Sa? Kapatid? Ko? Simula? Pagka-bata?

Binato s'ya ng tissue ni Y/N. "Tissue for you issue, kuya Ken. Ano sabi nya kuya? At 'wag mo pansinin sinabi ni kuya Ken. Ma-issue lang 'yan dahil mag-bestfriend kami." Page-explain ni Y/N sa'kin at sinamaan ko ng tingin si Ken.

"Ba't ka nya binayaran para sa slot mo sa field trip? Kaya naman ni kuya bayaran 'yun, ha?"

[Y/N'S POV]
Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni kuya Josh. Arrghh Mike, pwede mo namang ibulong kung may sikreto kang sasabihin ba't ka pa gumamit ng mike? Agad kong kinuha ang phone ko habang ningunguya yung tinapay.

Hoy! Naka-usap mo daw si kuya?

Mike laging absent:
Sorry huuyy:(( malay ko bang kuya mo sasagot

Ahhhhh yare ka saken! Ano sinabi mo sa phone???

Mike laging absent:
L-lahat 👉👈

Salamat, kuyas [SB19 x Reader]Where stories live. Discover now