Chapter 10 | Ate chona

838 32 5
                                    

[Y/N'S POV]
"Huhuhu sorry, napagalitan ka ba?" Tanong ni Yuna habang naka-hawak sa braso ko.

"Hindi naman 'no, si kuya Pau lang." Natawa akong mahina 'tas naka-simangot lang si Yuna. "Huuy, okay nga lang ano ka ba?"

"Y/N!" Tawag sa'min si Jayson habang na-kaway kaya't kumaway kaming pabalik.

"Sorry pala hindi kita nabisita ah." Tumawa nalang ako sa sinabi nya.

"Ano ka ba. Hindi na kailangan, 'noh. Isang araw lang naman ako dun." Ngumiti lang s'ya.

"Nga pala, asan si Mike?" -Yuna

"Oo nga, 'noh? Wala pa si Mike." Sabi rin ni Jayson at tumngin-tingin ako sa paligid.

Wala pa nga.

"Pala-absent 'yun pero never pa 'yun nale-late." Sabi ni Yuna kaya't kumabog dibdib ko. Ewan ko, natr-trauma na ako pag hindi ko kasama mga kaibigan ko.

"Baka absent?" Tanong naman ni Yuna.

"Tara na, siguradong na-traffic lang 'yun." Ani ni Jayson ng may ngiti sa muka at sabay-sabay na kaming pumasok ng room.
_
"I'm sorry, ma'am. I'm late." Napa-tingin kaming lahat kay Mike na kakapasok lang nang room, 30 minutes s'yang late.

"Take your seat." Tipid na sabi ni ma'am at tinuon ulit ang atensyon sa board.

Tumingin ako sa upuan ni Mike at bumulong nang malakas kung bakit s'ya late at binigyan nya lang ako nang mamaya-sasabihin-ko looks.

Bali ang seating arrangement namin ay nasa pinaka-gilid ako bandang kanan sa second row, sa tabi naman ng nasa likod ko si Mike, one seat apart kami ni Yuna, at si Jayson naman ay nasa harap ng pumapa-gitna sa'min ni Yuna, bali parang naka-diamond kami.
_
Recess na at kasabay rin namin si Jayson kumain, so, apat na kami ngayon HAHAHAHA.

"Ba't ka late?" Tanong ni Yuna kay Mike habang ningunguya yung tinapay nya.

"Don't eat when your mouth is full." Napa-tawa kami ni Mike sa sinabi ni Jayson 'tas binigyan s'ya ni Yuna ng anong-sabi-mo looks na mas lalo naming ikinatawa.

"Omg, look who succeeded seducing Jayson. The one and only president. Ano Y/N? May Michael na may Jayson pa?" Tumingin kami kung sino yung nagsasalita,

Si Elys.

Humikab lang ako, kita ko namang tinaasan ng kilay ito ni Yuna habang si Michael ay masama ang tingin kay Elys at si Jayson ay may anong-pinagsasabi-nito looks sa muka.

"Nako, hindi. Friends kaming lahat. Walang nagaganap na ganun." Page-explain ni Jayson na nasa tabi ko pero tumawa lang ni Elys.

"Friends, huh? You never talked to me or anyone in our section but here you are, beside Y/N." Tinignan ko si Elys sa mata at kita kong ngumisi s'ya at nagsi-tawanan naman yung mga minions nya. Nakakairita naman 'tong mga 'to.

"Bakit? Kailangan ba ni Jayson ng approval mo para makipag-kaibigan s'ya sa'min? Nanay ka ba nya?" Tinaasan ko ng kilay ni Elys.

"Sabagay, muka ka namang nanay." Dagdag ko pa at ningitian si Elys at rinig kong medyo natawa si Jayson habang sila Mike at Yuna naman ay naka-ngisi ngayon.

Sasampalin na sana ako ni Elys pero biglang umupo si Michael sa mesa para harangan ito.

"Dapat alam mo yung salitang kaibigan, Elys. Nasa top students ka pa man din." Naka-ngiting sabi ni Yuna habang yung mga minions naman ni Elys ay hinihila na s'ya.

"We're not yet done, bish!" Sigaw pa ni Elys habang hinihila na s'ya papalabas ng canteen ng mga kaibigan nya at ako naman 'tong si mabait, nag-flying kiss pa sakanya.

Salamat, kuyas [SB19 x Reader]Where stories live. Discover now