Chapter 49 | Debutant's dance

511 19 3
                                    

[Y/N'S POV]
"Nakiki-celebrate langit sa birthday mo, bunso." Sambit ni kuya Stell habang naka-tingin sa kalawakan. Sobrang kalmado kasi ng panahon ngayon, hindi mainit hindi rin naulan, makulimlim lang.

Ngumiti nalang ako at nilanghap ang sariwang hangin- pero, ba't parang iba naaamoy ko?

"Yuck!" Sigaw ni kuya Ken at napa-tayo sa damuhan na ikinau-upuan namin.

Sabi ko na, eh! Hindi lang ako nakaka-amoy ehh...

"Sino 'yon?!" Pasigaw na sabi ni kuya Josh habang naka-takip ang ilong.

"Sa birthday pa talaga ni Y/N kayo nag-kalat ng kababalaghan." Dagdag pa ni kuya Jah habang winawasiway 'yung hangin.

"Feeling ko si kuya Pau!" Sabi ko sabay turo kay kuya Pau na pinipigilan ang tawa ngayon.

"Pasensya na, ha? HAHAHAHAHA!!" At ayon na nga, umamin na s'ya.

"Kadiri naman, Pau!" Reklamo pa ni kuya Stell at sabay-sabay nalang kaming natawa lahat.

"Laro tayo!" Napa-tingin kaming lahat kay kuya Jah na may dalang lata.

"Sa'n mo 'yan nakuha?" Tanong naman sakanya ni kuya Ken.

"Sa tabi-tabi, hehe." Maikling sagot ni kuya Jah tsaka pinagpag ang lata at ipinuwesto ito sa gitna.

"Sure na ba 'yan, kuya? Naka-rubber shoes kayo?" Taas-kilay kong tanong kay kuya at napa-pout naman s'ya. Ba't ba lagi silang nagpa-pout?!

"Kj n'yo!!!" Napa-singhal nalang kaming lahat at tumayo para mapag-bigyan si kuya Jah na mag-laro ng tumbang preso.

"At dahil si Y/N may birthday, s'ya taya!" Masayang anunsyo ni kuya Jah at napalakpak pa nga.

"Ano kaya 'yon?!" Reklamo ko pa pero wala na akong nagawa kundi pumwesto na lang sa gilid ng lata.

Masama ko silang tinignan, tinuro ko pa mata ko gamit dalawang daliri ko atsaka tinuro iyon pabalik sakanila kaya't lahat ng kuya ko ay natawa.

Unang tumira si kuya Pau, binato n'ya 'yung rubber shoes sa suot-suot n'ya pero hindi man lang ito umabot sa lata, ang lapit lang sakanila nung landing. Tumawa ako ng malakas at binelatan s'ya.

Sumunod namang nag-try si kuya Stell, Josh, at Jah pero hindi parin n'ya natatamaan 'yung lata.

Nang tumira na si kuya Ken, isang hagis n'ya lang sa rubber shoes na dala n'ya ay agad n'yang natamaan 'yung lata kaya dali-dali akong tumakbo, nataya ko si kuya Jah dahil hindi n'ya parin nakukuha shoes n'ya.

Sa tanghali ay nag-laro lang kami ng parang bata. Nag pating-tero, monkey in the middle, magpi-piko pa nga sana sila kuya kaso walang chalk at nasa damuhan kami.

Masaya ako sa araw na 'to at hindi pa nga tapos, 7:00 PM pa lang, ang haba nang oras ngayon.

Nandito kami ngayong lahat sa sala ng rest house na pinag-check-in-an namin. Kaming tatlo lang nila kuya Jah at Ken dahil may aasikasuhin 'yung tatlo ko pang kuya, medyo nalungkot ako s'yempre pero understandable naman.

Marami ring bumati sa birthday ko, sa messenger at twitter kaya hindi ko talaga maiwasang ma-overwhelm.

"Bunso!" Napa-lingon kaming lahat nang marinig boses ni kuya Pau at nagulat ako nang may dalang puting gown si kuya Stell at isang box ng sapatos ata si kuya Josh.

Excited silang lumapit sa'kin.

"Suotin mo, bilis." Binigay sa'kin ng dalawa kong kuya at hawak-hawak nila.

"Para saan?" Nagta-taka kong tanong sakanila, tinignan ko naman si kuya Jah at Ken na naka-ngiti lang ngayon.

"Basta." Tinulak ako ni kuya Stell papuntang kwarto atsaka tuluyang sinara ang pinto.

Salamat, kuyas [SB19 x Reader]Where stories live. Discover now