[Y/N'S POV]
Nang maka-pasok ako sa room ay sunod-sunod ang tanong nang mga kaklase ko sa'kin."Totoo bang kapatid mo si Sir?"
"Weh? Kapatid mo si Keun? Ang layo ng itsura nyo."
"Reto mo ako kay Keun beh."
"Ba't hindi mo naman kamuka si Sir?"Syempre, sino pa bang nagkalat? Nung nalaman naman nila Mike, Yuna, at Jayson walang kumalat na ganung balita.
Nag-ring na ang bell at umayos nalang ako nang upo.
"Goodmorning class. Ready to present your project?" Tanong ni kuya sa buonh klase at sabay-sabay naman kaming nag-'yes'
"Sir." Tawag ng isang classmate ko kay kuya Pau habang naka-taas ang kamay.
"Yes? Go ahead." Naka-tuon lang si kuya Pau sa laptop nya.
"Totoo po bang kapatid nyo si Y/N?" Napa-tingin ako sakanya at napa-sapo sa noo. Ba't nya 'yun itatanong? Hindi naman class-related iyon???
"Actually, yes."
"Baka naman maging bias ang grading naten sir." Kumunot ang noo ko sa sinabi ng minion ni Elys. Kung magiging bias man, kahit alam kong imposibleng gawin 'yon ni kuya Pau, hindi pa ba s'ya happy dahil masasalba ng grupo namin ang palubog na grade ng amo nya?
"Ofcourse, that will NEVER happen. That's why, tumawag ako nang makaka-sama nating teacher." Hinarap ni kuya Pau ang laptop nya.
"Ma'am!"
"Ma'am we miss you!"
"Ma'am ang gwapo ng temp teacher namin!"
"Ma'am kamusta na po?"Sari-saring sigaw nila nang makita nila si ma'am sa screen na naka-video chat at nasa hospital bed.
"Galingan nyo sa presentation nyo. Gre-grade-an ko rin kayo." Malakas ang signal ni ma'am at ang volume ng laptop ni kuya kaya't rinig na rinig namin ito. Sabay-sabay kaming pumalakpak.
_
"Ang init." Reklamo ni Mike habang pinapaypayan ang sarili gamit ang karton, and since katabi ko s'ya sa bench, nahahanginan din ako.Maayos ang naging presentation namin kanina. Bukod nandun si ma'am ay si Michael at Jayson ang pinag-present namin.
"Wala ba kayong rechargeable fan?" Sabi ni Yuna habang pinupunasan ang pawis nya.
"Sarap mag-cutting at mag-mall." Natatawa kong sabi. Syempre, nagbibiro lang ako 'noh.
"Arat. Mall." Sabi rin ni Jayson habang sobrang naiinitan.
"Oo nga, mamayang dismissal." Si Yuna.
Nagbibiro lang naman ako, sineryoso nila.
"Call!" Sigaw ni Mike at napa-tangi nalang kaming tatlo.
"Call!" Sabay na sabi ni Jayson at Yuna at napa-tingin silang tatlo sa'kin.
"Pa-paalam muna ako kila kuya." Sambit ko sakanila at napa-bugtong hininga sila, itinapat sa'kin ni Mike 'yung karton at pinaypayan ako.
"Ayun! Tamang-tama, si Sir Pau." Tumayo si Yuna at tinawag si kuya. Alam ko na gagawin nito, ipagpa-paalam nya ako.
Sinubukan ko pa s'yang tawagin para pigilan pero nasa harap na s'ya ni kuya Pau at nag-uusap na sila.
Nang tumingin si kuya sa gawi ko ay nag-tago nalang ako sa likod ni Mike. Yuna, ano nanaman bang pinagsasabi mo?
"Pwede raw!" Sigaw ni Yuna habang natakbo papalapit sa'min ng naka-ngiti.
"Basta may kasama daw tayong matanda." Tipid na ngumiti ni Yuna at napa-tingin naman ako kay kuya Pau na naka-tingin sa'min ngayon.
"Tamang tama. Si kuya Tom! 'Yung driver namin, pwede nya tayong samahan!" Wika ni Mike at nag-thumbs up kay kuya Pau.
"Tapang mo rin eh 'noh?" Bulong ko kay Mike atsaka pabiro s'yang siniko.
Ngumiti ako kay kuya at sumenyas s'ya na lumapit ako sakanya.
"May kasama kayong matanda?" Tanong ni kuya at tumango lang ako.
"Yung driver daw nila Mike."
"Umayos ka dun ha, tumawag ka sa'kin o kila Stell pag magpapa-sundo ka na. Hanggang 8 lang." Naka-ngiti akong patango-tango kay kuya Pau. Minsan lang ako payagan nito gumala, once in a blue moon 'to!!!
"Thank you, Sir." Natawa si kuya Pau kaya't tumawa nalang din ako.
_
"Arcade tayo!" Excited na sabi ni Mike. First time lang namin gumalang apat, kaya excited rin ako."Takot ka sa rides?" Tanong ni Yuna kay Jayson at agad itong umiling.
"Hindi ah. Favorite ko nga roller coaster sa x-site ihh." Pagde-depensa ni Jayson sa sarili nya pero kitang-kita naman sa muka nya ang takot.
"Akala ko ba nandito lang tayo para magpa-lamig?" Umupo ako sa bench na malapit lang sa kinatatayuan namin. Sarap ng amoy ng mall, amoy aircon.
"Bakit? Wala ka bang perang dala?" Sinamaan ko ng tingin si Mike.
"Syempre meron 'noh! Binigyan ata ako ni kuya Pau kaninang dismissal." Tumayo ako at pinagpag ang pants na suot-suot ko. Syempre, alangang mag-uniform kami.
"Ayun naman pala eh, tara na!" Hinila ako ni Mike at sumunod naman sa'min si Yuna at Jayson habang si kuya Tom na driver nila Mike ay hinahabol din kami.
"Kuya, sama ka sa'min." Naka-ngiting sabi ni Mike kay kuya Tom habang nasa tapat ngayon ng bilihan ng ticket.
"Gusto mo bang mawalan ng driver ng wala sa oras?" Natawa nalang kaming tatlo nila Yuna at Jayson.
"Bahala ka." Kinuha na ni Mike ang ticket at pumila na kami.
"Jayson, okay lang 'yan, huminga ka." Pang-aasar ko kay Jayson at sinamaan nya ako ng tingin.
Para talagang si kuya Ken 'tong dalawang 'to.
"Pinagpapawisan si Yuna oh." Pag-iiba ni Jayson ng topic at kita ko ngang pawis na pawis si Yuna kaya't napa-tawa kaming tatlo.
"Hoy! First time ko lang kase! 'Wag kayong ano d'yan!" Sabi ni Yuna habang pinupunasan pawis nya.
"Tayo na." Sabi naman ni Mike at sumakay na kami sa roller coaster.
Magka-tabi kami ni Mike at si Jayson at Yuna naman ay nasa likod namin. Nag-suot na kami ng seatbelt syempre, ayaw naman naming lumipad sa buong arcade.
Nilingon ko sa likod sila Yuna at Jayson na halata sa muka nilang kabang-kaba na sila.
"Ang daya. Dalawa kayong matapang na magka-tabi." Nagmamaktol na sabi ni Yuna.
"Oo nga. Lugi kami." Dagdag pa ni Jayson kaya't natawa nalang kami ni Mike.
"Ayan na!" Sigaw ko at nag-simula nang umandad 'yung roller coaster.
"Wieeeeeeee!!!"
YOU ARE READING
Salamat, kuyas [SB19 x Reader]
FanfictionY/N grew up without parents but hey, her life is almost perfect with her five older loving brothers. In the road of life full of bumps, rocks, and obstacles, her brothers joined her inside the car. A SB19 fanfiction. [Aurum High Series #1]