[Y/N'S POV]
"Y/N!" May naririnig akong tumatawag sa'kin. Teka, ba't familliar boses?Tumingin-tingin ako sa paligid at nakita si Jamie.
"Jamie!" Sigaw kong pabalik at tumakbo papalapit sakanya.
Naka-ngiti lang akong tumatakbo habang s'ya naman ay hinihintay ako nang makita kong nasusunog ang paligid nya.
"Y/N! Tabi!" Tumingin ako sa gilid ko at naka-kita nang motorosiklong napaka-bilis magpa-andar.
"Y/N!!!"
*alarm rings*
Napa-upo ako sa higaan ko na hinahabol ang hininga.
"Goodmorning bunso." Bati ni kuya Jah sa'kin at ngumiti lang ako dito.
"Oh, ba't pawis na pawis ka? Masyado bang mainit?" Sabi nito habang pinupunasan ang mga pawis na natulo sa noo ko.
"Uh, uh. May napanaginipan lang ako kuya Jah. Hehe." Pinunasan ko ang pawis ko atsaka inayos ang higaan ko bago tumayo.
"Sure ka bang okay ka lang? Baka may sakit ka, kaya mo pumasok ngayon?" Nag-aalalang tanong ni kuya Jah at napa-tawa lang ako nang mahina.
"Kuya, pina-pawisan lang naman po ako eh." Tumangin lang s'ya sa'kin atsaka tumango na.
Lumabas na kami ni kuya Jah sa may kwarto ko at binati ang iba kong kuya. Napansin kong wala si kuya Josh at Pau, siguro maaga pumasok.
"Goodmorning mga bunso!!!" Bati sa'min ni kuya Stell dahil kasabay din naming lumabas si kuya Ken.
"Maaga umalis sila kuya Pau at Josh dahil marami raw aasikasuhin." Dagdag pa ni kuya.
Tinulungan ni kuya Ken si kuya Stell sa paghahain habang si kuya Jah naman ay naka-patong ang kamay sa balikat ko, kinakalma ako since medyo hindi ako maka-hinga.
"Mga kuya, nga pala. Mga 6 siguro ako makaka-uwi. May art tournament kami ngayon eh." Nagulat sila sa sinabi ko except kay kuya Jah. I mean, 6 naman talaga ako nakaka-uwi dahil sa part-time job ko pero alam nila 4 nakaka-uwi na ako, hehe. Nag-paalam na rin ako pinagtra-trabahuhan ko na magde-day off ako at ibigay nalang yung sweldo ko sa magco-cover sa'kin.
"Ako nalang magsu-sundo sa'yo, bunso." Sabi ni kuya Jah habang na-upo at ningitian ko lang s'ya.
"Okay ka lang ba, bunso?" Tumingin ako kay kuya Ken at tumango. "Opo, nanaginip lang nang hindi maganda."
"O, s'ya, s'ya. Kumain na tayo since may mga trabaho at pasok pa tayo." Nag-dasal muna kaming lahat bago tuluyang kumain.
Pagka-tapos naming kumain ay naligo't nag-bihis na ako. Nag-suot lang ako nang simpleng yellow shirt at hindi naman ganung kaikling short, pwede kaming hindi mag-uniform since art tournament nga.
Nang maka-labas ako nang kwarto ko ay naka-tingin lang sa'kin ang tatlo kong kuya.
"Yesss, ba't ganyan tingin nyo sa'kin?" Tanong ko sakanila habang sinu-suot 'yung hand bag ko since hindi naman masyadong marami ang dalahin ko.
"Ba't hindi ka naka-uniform?" Seryosong naka-tingin lang sa'kin si kuya Stell.
"Art tournament nga po kasii. Buong araw 'yun kaya mag-civillian clothes nalang daw po kami." Page-explain ko sakanila.
"Eh? Pwede bang naka-shorts dun?" Tanong naman ni kuya Ken at tumango ako.
"Highschool naman din po kami eh. Sure nga ako yung iba naka-crop top or sleeveless since wala naman kaming dress code."
"Maayos naman suot ni Y/N ha. Hindi rin masyadong revealing." Pag-depensa sa'kin ni kuya Jah kaya't niyakap ko s'ya.
"Sige na. Umayos ka nang pag-upo mo dun ha?" Sabi ni kuya Stell at binigyan ko s'ya nang isang malawak na ngiti bago pa bumusina ang school bus namin.
YOU ARE READING
Salamat, kuyas [SB19 x Reader]
FanfictionY/N grew up without parents but hey, her life is almost perfect with her five older loving brothers. In the road of life full of bumps, rocks, and obstacles, her brothers joined her inside the car. A SB19 fanfiction. [Aurum High Series #1]