Chapter 56 | Drunk

590 18 0
                                    

[Y/N'S POV]
Dismiyado ako sa'yo, Y/N.

Dismiyado ako sa'yo, Y/N.

Dismiyado ako sa'yo, Y/N.

Paulit-ulit lang 'yon nagp-play sa utak ko, kinuha ko ulit 'yung isang bote ng soju at ininom iyon.

"Alam mo, kami mapapa-galitan nang mga kuya mo, Y/N." Seryosong saad sa'kin ni Yuna habang inaagaw 'yung bote pero pilit kong nilalayo iyon sakanya.

"Y/N, tama na 'yan." Dagdag pa ni Jayson atsaka kinuha ang bote. Hindi ko binigay, ha, nakuha n'ya lang kasi mas malakas s'ya sa'kin!

"Matamis pala soju." Natatawa kong sambit sakanila at seryoso lang silang naka-tingin sa'kin.

"Oh, c'mon! Try some! 'Diba Jayson ikaw pa nga nag-sabi na pag 18 na ako pwede na akong mag-shot?" Tanong ko sakanila at sinalinan sila ng soju sa bote.

"Ayan, kung ano-ano sinasabi mo sa bata." Rinig kong bulong ni Yuna kay Jayson pero hindi ko nalang ito pinansin.

"Sino bang bumili ng limang boteng soju?" Sagot naman sakanya ni Jayson.

"Pag nag-suka ka dito sa condo ko Y/N, ha. Kaka-linis ko lang dito." Iling-iling na sambit ni Yuna atsaka isinandal ang ulo ko sa braso n'ya.

"Why would he be disappointed? I mean, kuya didn't even bother to ask me to explain. He just said 'disappointed ako sa'yo, Y/N' bullsh-" Hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng biglang takpan ni Yuna bibig ko.

"Hala, nage-english s'ya pag lasing." Sabi ni Jayson at tinakpan din ang bibig n'ya na parang namamangha.

Bigla naman may nag-doorbell kaya tumayo si Jayson para buksan ang pinto habang ako naman ay nahikbi sa balikat ni Yuna.

"Ba't n'yo namang hinayaang mag-lasing?" Inangat ko ulo ko nang may narinig akong familliar na boses.

"Hey, dude." Pag-bati ko sakanya nang naka-ngiti, kinunutan n'ya naman ako ng noo habang rinig kong natawa 'yung dalawa.

"You're so sumbungero." Natatawa kong saad at kumuhanin pa sana ulit 'yung bote pero agad hinawakan ni Michael pulsuhan ko.

"Tama na 'yan." Saway n'ya sa'kin at umiling lang ako.

"Y/N naman." Dagdag n'ya pa pero lumagok ulit ako sa bote.

"This soju is like my kuya, sweet at first but will be sour you already drank water." Natatawa kong sambit at inilingkis ang braso ko sa braso n'ya.

"Lasing na nga, kung ano-ano pinagsa-sabi." Sambit ni Yuna kay Jayson.

"Kuya Pau is... disappointed... to... me..." Tumungo ako sa balikat sa Mike pero inangat n'ya ulo ko kaya napa-tingin ako sakanya. Ang lapit-lapit ng muka namin.

"Sigurado akong hindi, okay?" Paninigurado n'ya at hinawakan kamay ko.

"What do you mean 'hindi'? He said it himself! I never knew... in my whole life... that I'd disappoint him." Sagot ko sakanya nang napiyok kaka-hikbi ko, kukuhanin ko pa sana 'yung isang bote pero agad s'yang nag-salita.

"Gabi na, tama na 'yan, please?" Tinawanan ko nalang 'tong mikroponong 'to.

"What 'gabi na'? It's 7 PM, duuuh. Kaka-kain lang namin ng dinner, oh" Natatawa kong sambit at tinuro 'yung pinag-kainan naming tatlo sa may table.

"Uhmm, 9 PM na, actually." Saad ni Jayson habang naka-turo sa wall clock kaya napa-tingin din ako duon. Hala! Oo nga!

"I. Don't. Care!" Iling-iling kong sambit at kukuhanin na sana ang isa pang bote ng soju pero bigla nalang ako nag-black out.

[PABLO'S POV]
"Asa'n na ba 'yung babaeng 'yon?!" Nag-aalalang tanong ni Josh habang kanina pa palakad-lakad dito sa sala. Nakaka-hilo s'ya.

"Kumalma ka nga muna, kuya. Sabi naman nila baka abutin sila ng gabi. Or baka naka-tulog na 'yun sa condo ng kaibigan n'ya." Pagpapa-kalma sakanya ni Jah, huminga s'ya ng malalim at umupo sa may sofa.

"O'di kaya na-low bat lang." Dagdag pa ni Ken para mapanatag ng tuluyan loob ni Josh.

"Teka, tawagan ko ulit." Sabi naman ni Stell at kinapa ulit phone n'ya.

Napa-hawak nalang ako sa sintido ko at sumandal. Masyado ba s'yang na-hurt sa sinabi ko kagabi? Naka-usap ko na si Bea at hindi naman daw n'ya sinasadya kaya naging okay agad kami, in-invite lang daw s'ya talaga ng kapatid n'ya.

Naisipan ko naring kunin phone ko sa pagkaka-charge, nagulat ako nang may unseen messages ako.

New message from: Michael Jake Gueverra, Jayson Blaze Lesondra, Yuna Celestia Manoban.

Napa-kunot naman ang noo ko dahil silang tatlo pa talaga ang nag-message. May nangyari bang masama sa kapatid ko?

Jayson Blaze Lesondra: Sir, pwede po bang uminom si Y/N? Nagpu-pumilit po, ang kulit. [Sent: 8:16 PM]

Michael Jake Gueverra: Kuyaaa, naka-inom kapatid n'yo. Black out na :(( Dito po kami sa condo ni Yuna. Sorry po hinayaan. [Sent: 9:15 PM]

Yuna Celestia Manoban: Hometown Cha-Cha-Cha Village Unit #777 po condo ko sir, lasing na po kapatid n'yo, hehe. Black out na po pala. English ng english kanina. [Sent: 9:20 PM]

Tumayo ako sa sofa kaya't lahat sila ay napa-tingin sa'kin. "Alam ko na kung nasa'n si Y/N."

Napag-sunduan naming kaming dalawa nalang ni Josh ang sumundo kay Y/N, drina-drive n'ya rin si Kinse kasi s'yempre, black out nga kapatid namin eh. Alangang buhatin namin 'yun nang walang malay sa jeep, 'diba?

Aaminin ko, sobrang nagi-guilty din ako sa sinabi ko sakanya kagabi. Ni hindi ko manlang natanong kung anong nangyare, nag-assume agad ako na niyaya n'ya si Bea.

I mean, s'yempre 'diba? 18 na s'ya so malamang baka na-curios s'ya sa mga ganun, kahit alam ko namang medyo party girl talaga si Bea ay s'ya una kong nasisi.

Malapit lang sa school nila condo ng kaibigan n'ya kaya naman naka-rating agad kami, second floor pa nga. Pagka-doorbell namin ay bumungad sa pinto si Y/N na karga-karga ni Mike kaya naman agad kinuha ni Josh sakanya bunso namin, lumapit narin 'yung dalawa n'yang kaibigan.

"Bakit n'yo namang hinayaang uminom?" Tanong ko sakanila at napa-kamot lang sila ng batok.

"Teka, ayun ba talaga 'yung tanong?" Kunot-noo akong napa-tingin kay Josh na inaayos ngayon pagka-karga n'ya sa kapatid namin.

"Bakit gustong uminom ni Y/N? Na-curious ba s'ya sa lasa, ganun?" Tanong ni Josh sakanila at sabay-sabay naman silang napa-iling.

"Nagtatampo po yata sa isa sa inyo." Sa sinabing palang 'yun ni Yuna ay alam ko nang ako 'yun.
_
"Kuya! Ibaba n'yo ako!" Pagpu-pumilit ni Y/N, agad na prumeno si Josh dahil hinahatak ni Y/N ang manibela at baka ma-aksidente pa kami.

"Bakit mo ba gustong bumaba, bunso?" Mahinahong tanong ni Josh kay Y/N.

"Para patunayan ko sa inyong kaya ko sarili ko!" Nagulat kaming dalawa nang bigla nalang s'ya sumigaw.

"Alam ko namang one day, iiwan n'yo rin ako. Baka nga hayaan n'yo pa akong mamulubi pag kinasal na kayo, eh." Napa-awang naman ang labi ni Josh, hindi maka-paniwalang nalabas 'yun sa bibig ng kapatid namin.

"Ano ba naman 'yang pinagsa-sabi mo, Y/N?! Naririnig mo ba sarili mo?!" Pasigaw kong tanong sakanya atsaka humarap sa likod.

"Oo kuya! Mag-girlfriend pa nga lang po kayo, eh. Disappointed ka agad sa'kin nang hindi man lang naririnig side ko! What if pa pag kinasal na kayong lahat, 'diba? Sino nang kakampi sa'kin?!"

"Tama na!" Napa-upo na s'ya ng ayos nang biglang sumigaw si Josh, niyakap n'ya ang tuhod n'ya at patuloy lang s'ya du'n naiyak.

Ano nanamang ginawa mo, Pau?

Salamat, kuyas [SB19 x Reader]Where stories live. Discover now