[JOSH'S POV]
"Tapos na, 'noh?" Tanong ko sa mga kasama kong doctor at nurse dito sa O.R. at kahit naka-mask sila ay kita ko ang mga ngiti nila.Naka-hinga ako ng maluwag at nilapitan ang infant na in-operahan.
"Baby, gagaling ka na." Bulong ko sakanya.
"Paayos nalang para sa'kin ha? Good job everyone!" Sabi ko sakanila habang papalabas ng O.R. at lahat sila ay nag-thumbs up.
Itinapon ko ang surgical gown ko, mask, hairnet, at gloves bago pumasok sa office ko.
Itinapon ko ang sarili ko sa upuan at agad na sumandal. Gosh, nakaka-pagod. Ikinuha ko ang phone ko at kita na 2:00 AM na pala.
Kahit 3rd year resident palang ako, bilang na rin sa daliri ang mga surgery na na-perform ko. Wala eh, magaling daw ako at may tiwala sa'kin mga senior at professor ko.
Pumunta ako sa sink at nag-hilamos ng muka tsaka tinignan ang napaka-gwapo kong muka sa salamin. Ang lalim na ng eye bags ko huhu.
Miss ko na sila. 3 araw straight na akong naka-night shift, last na bonding ko pa kasama sila ay 'yung nandun 'yung mga kaibigan ni Y/N at nag-laro kami ng truth or dare.
Matapos ang ilang minutong pahinga ko ay napag-pasyahan ko ng umuwi na. Actually, may surprise ako sa mga kapatid ko, balak kong bumili ng kotse.
Dahan-dahan kong binuksan ang pinto dahil sigurado naman akong tulog na silang lahat, bumungad sa'kin ang napaka-dilim na sala nang bigla nalang ako marinig na may naiyak.
Teka lang po, Lord. 'Wag nyo po akong takutin.
Teka, ako natatakot? Josh Cullen natatakot sa multo? Hindi ah.
Huminga ako nang malalim at umistatwa muna sa kina-tatayuan ko. Ang layo pa naman ng switch ng ilaw.
Agaran akong lumapit sa ilaw at pagka-bukas ko ng switch ay kinuha ko ang walis pero wala namang pigura ng multo.
Pero patuloy parin 'yung pag-iyak. Huhu, ba't naman ganon, wala namang namatay sa pasyente this past few days ha.
Pinatay ko ang ilaw at binuksan nalang ang flashlight ng phone ko, sayang kuryente 'noh!
Unti-unti akong lumapit sa pintuan ng kwarto ni Y/N at inilapat ang tenga ko. Parang sa kwarto nya nanggagaling 'yung iyak.
Ano ba kasalanan sa'yo ni Y/N, multo? Ba't sa kwarto ka pa nya nakiki-iyak.
Binuksan ko ang pintuan nya pero wala akong nakitang multo- kung hindi si Y/N na naka-upo sa kama nya at naka-tungo sa mga tuhod nya.
Agad ko s'yang nilapitan at tinapik. Inangat nya ang ulo nya sa'kin at kita ko ang mga mata nyang namamaga.
"K-kuya." Isinandal ko s'ya sa dibdib ko at patuloy parin s'ya sa pag-hagulgol.
"Sshhh, tahan na, baby. Inaway ka ba nila kuya Pau mo ha?" Umiling s'ya at pinunasan ang sipon nya sa damit ko.
Napa-pikit ako pero hindi ko na s'ya sinaway. Mas importante naman nararamdaman ng kapatid ko kesa sa damit ko 'noh.
"K-kuya hindi k-ko n-naman kasalanan d-'diba?" Nauutal nyang sabi dahil sa pag-iyak nya at nilingon ko s'ya.
"Anong kasalanan ba, hmm?"
"Y-yung nangyari k-kay j-jamie. Hindi n-naman k-kuya diba?" Patuloy lang s'ya sa pag-iyak at hinahimas ko ang ulo nya. Napa-bugtong hininga nalang ako.
"Baby, wala kang kasalanan 'dun, okay? Choice nya 'yun. Sa tingin mo ba after ng ginawa nya, gusto ka nya makitang naiyak dahil sakanya? Tahan na, please?" Paki-usap ko sakanya at napa-kapit nalang s'ya ng mahigput sa damit ko.
Ilang minuto pa s'ya umiyak bago tuluyang kumalma at tumahan. Naka-upo lang kami ngayon sa kama nya habang naka-sandal ang ulo nya sa braso ko.
"Labhan mo 'tong damit ko ha." Pagbibiro ko at napa-tingin naman s'ya sa damit ko, kita kong nagulat s'ya. Pffft, ngayon nya lang ata na-realize na siningahan nya damit ko. "Joke lang."
"Kuya." Pag-tawag nya sa'kin at agad ko s'yang nilingon.
"Hmmm?"
"Bakit pediatric surgeon pinili mo?" Tanong nya sa'kin nang hindi manlang nalingon.
Natawa ako nang mahina at napa-tingin sa may ceiling, napaka-random ng tanong nya.
"May doctor nun na nag-cover ng hospital funds mo nung baby-ing baby kapa. Tinanong ko s'ya kung ano pwede kong gawin para mabayaran s'ya, tapos sabi nya paglaki ko raw mag pediatric surgeon ako dahil short-staffed sila." Napa-ngiti ako nang maalala ang mga araw na 'yun at bukod duon at narinig ko ring natawa na si Y/N.
"Ang bait naman nya." Napa-tango ako sa sagot nya.
"So kuya 'yung ospital na pinagtra-trabaho-an mo ngayon, duon ako na-admit?" Tumango ako sakanya.
"Kasama mo parin ba 'yung doctor na 'yun?"
"Yes. Chief surgeon namin s'ya."
"Wow."
"Take note, double-board certified pa s'ya."
"Weh? Gusto ko s'ya ma-meet. Magte-thank you ako sakanya ng walang sawa."
"Paglaki mo."
"Malaki na ako, 14 na ako, kuya."
"Iyakin ka parin."
"Aba!"
"At baby ka parin namin."
"So paglaki ko, hindi nyo na ako baby?"
"Baliw. Kahit maging senior citizen ka pa, baby ka parin naming lima."
Natawa nalang si Y/N at sinabayan ko s'ya sa pagtawa. Nilingon ko s'ya at ngumiti. Ayan! Hindi na s'ya naiyak.
"Sige na kuya, pahinga ka na po." Niyakap nya ako kaya't yumakap ako sakanya pabalik.
"Goodnight bunso. Don't cry na ha?" Tumango s'ya at hinalikan ko s'ya sa noo bago pa lumabas ng kwarto nya.
YOU ARE READING
Salamat, kuyas [SB19 x Reader]
FanfictionY/N grew up without parents but hey, her life is almost perfect with her five older loving brothers. In the road of life full of bumps, rocks, and obstacles, her brothers joined her inside the car. A SB19 fanfiction. [Aurum High Series #1]