Chapter 32 | Art contest

583 21 2
                                    

[JUSTIN'S POV]
Naka-upo ako ngayon habang nanginginig ang mga paa, naka-patong ang siko ko sa binti ko at naka-takip ang kamay ko sa bibig ko. Kinakabahan talaga ko.

"Kuya, chill ka lang nga." Inangat ko ng lingon si Y/N na naka-light blue shirt na naka-tuck in sa puting pants nya habang nainom ng frappé.

"Painom si kuya." Umirap s'ya habang natawa atsaka binigay sa'kin, agad akong sumipsip.

Umupo s'ya sa tabi ko at hinawakan ang kamay ko.

"Art mo pinaka-maganda kaya. Ngayon, kung hindi ka mananalo, siguradong luto 'yun." Natatawa nyang sabi at kinuha sa'kin ang frappè nya.

"Alam mo, mas bagay sa'yo mahaba at kulot na buhok." Sambit ko sakanya at hinawi ang buhok nya. Pa'no ba naman kase, hanggang batok nalang buhok nya 'tas nagpa-rebond pa.

"Hahaba din 'to." Natawa nalang kami.

"Pupunta raw pala sila kuya Josh at Ken. May pasok 'yung dalawa kaya i-update nalang daw." Ani niya sa'kin habang naka-tutok sa phone nya.

"Ba't sila pupunta?" Napa-sapo nalang ako sa noo. Map-pressure ako nito eh.

"Para masaksihan pagka-panalo ng art mo." Napa-ngiti naman ako sa sinabi nya at ganun din s'ya.

"Ngayon, ang kailangan mong gawin ay mag-relax, okay? Maglilibot lang ako." Sabi nya at tumayo tsaka tuluyan akong nilisan habang hawak-hawak ang phone nya at frappé sa iisang kamay. May isa pa naman s'yang kamay, ba't 'di nya gamitin?

Huminga ako ng malalim. To be honest, gustong-gusto ko manalo sa contest na 'to dahil id-display ang art ko kung sakaling manalo sa Museo de Dios, isa sa pinaka-malaking art museum at kung saan naka-display ang pinaka-magandang art.

Hinawakan ko ang dibdib ko atsaka tumayo, nilapitan ko ang art ko at pinagmasdan.

[Y/N'S POV]
Naglibot-libot muna ako dito sa loob ng museum, alam kong dapat sinasamahan ko si kuya Jah na kabadong-kabado ngayon pero kailangan nya ng self-reflection, nuxx.

Totoo namang ang gaganda ng mga naka-display na art dito, 'yung iba nga ay gawa pa ng mga sikat na pintor nung unang panahon at 'yung iba ay gawa ng mga bibigating artista kaya't magandang opportunity din ito kay kuya Jah. Hindi ko nga lang alam kung ang goal nya ba ay ma-display ang art nya dito o 'yung cash prize, hehe.

Natingin-tingin lang ako sa paligid ng makita ko si kuya Jah sa malayo, naka-formal attire ito. Naka-black blazer s'ya at black pants na naka-white t-shirt sa loob.

Ang gwapo talaga ng kuya ko, kung hindi ko lang 'to kapatid baka jowain ko 'to eh. Hehe, joke.

Ningitian ko s'ya at nag-thumbs up at ngumiti s'ya pabalik nang biglang nag-chat si kuya Josh sa'kin.

Kuya jaashkapo:
Andito na kamiiii

Edi pasok na kayooo

Kuya jaashkapo:
May bayaaad, 'yung may mga pass lang daw para sa contest 'yung free

Ehh?? Binigay ni kuya Jah 'yung pass kay kuya Ken

Kuya jaashkapo:
Weeeh? Teka tanong ko

Kuya jaashkapo:
Naiwan nya raw sa bahay 🤦‍♂️

Napa-takip ako ng bibig para pigilan tumawa nang malakas. Nakakahiya naman kung tatawa ako ng malakas ang dami-daming tao dito.

Teka, puntahan ko kayo

Pinatay ko ang phone ko at pumunta muna sa entrance, pinakita ko sa guard 'yung pass ko para sa contest at pinapasok nya na sila kuya Josh at Ken.

"Awit 'tong si Ken eh." Sabi ni kuya Josh na medyo napa-lakas ang boses kaya't tinakpan ko ang bibig nya.

"Ingay mo kuya, museum 'to." Tinaas naman nya ang kamay nya na parang dumidipensa at bumulong ng sorry.

"Malay ko bang kailangan 'yun." Kamot-batok na sagot ni kuya Ken at napa-ngiwi nalang si kuya Josh.

"Asa'n si Jah?" Tanong ni kuya Josh.

Pumunta na kami kung saan nakita ko si kuya Jah kanina.

"Goodluck Jah, sana matalo ka." Hinampas naman ni kuya Jah si kuya Ken.

"Wahahaha, joke lang. Alam ko nang mananalo ka 'no." Bawi naman ni kuya Ken sa sinabi nya at sinamaan lang s'ya ng tingin ni kuya Jah.

"Ikaw kuya Josh, 'di mo manlang ako igu-goodluck?" Tanong ni kuya Jah sa isa ko pang kuya na naka-tutok sa phone nya at naka-pamulsa.

"Goodluck abunjing bunjing." Naka-ngusong bati ni kuya Josh at lahat kami at napa-kunot ang noo. Yikes.
_
"And this part, represents my family. My family who became my sun, who always gives light to my dark forest. And remember, the trees in the forest can't grow without sun."

Ang lahat ay nagsi-palakpakan ng mag-bow si kuya Jah at ako naman ay halos mangiyak-iyak na.

Andami na naming pinagdaanang anim, pero nakaya namin dahil ginawa kami ni God na araw sa isa't-isa para tulungang mabuhay ang puno namin.

"Kuya ko 'yan!" Sigaw ko at napa-tingin naman sa'kin si kuya Jah at napa-ngiti.

Since naka-graduate si kuya Jah, madami na rin s'yang painting na nai-subasta sa malaking halaga, nasali s'ya sa mga contest at kung ano-ano pang related sa art. Sabi ko nga gumawa s'ya ng youtube channel at mag-turorial ng paintinh pero baka daw muka nya lang panoorin ng mga viewers, hangin.

Si kuya Ken naman, madami s'yang kliyente na nagpapa-design ng bahay kung ayun tawag dun. Minsan nga mansion ang pinapa-design sakanya.

At dahil sa success ng mga kuya ko, sa'min na naka-titulo ang bahay. Gusto ko puntahan sila mama't papa kung nasa'n sila ngayon at ipamukang kung dati iniwan niyo kami dahil wala na mga suhol nyo, ngayon ay kahit hindi namin kailangan ng suhol ay makaka-bili kami dahil naging successful sila.

Hinding-hindi ako mahihiyang ipagsigaw na kuya ko s'ya, kuya ko sila.

"The forest art by Justin Santos." Nabalik ako sa ulirat ng marinig kong tinawag ang pangalan ni kuya. Kitang-kita ko ang ngiti nya nang i-display ang artwork nya sa isang wall, agaran s'yang tumakbo sa'min at niyakap kaming tatlo kaya't niyakap namin s'ya pabalik.

"Deserve mo 'yan kuya." Naka-ngiti kong sabi sakanya at halos maiyak na s'ya ngayon.

"Baka kapatid namin 'yan." Tinapik ni kuya Josh ang braso likod nya at ngumiti.

"Congrats, bro. Dsurb." Natawa naman akong mahina sa bati ni kuya Ken pero si kuya Jah ay hindi mawala ang ngiti sa muka.

"Congrats po." Napa-tingin kami sa lumapit at bumati.

S'ya 'yung nag-present din kanina ng art nya, maganda s'ya at mahaba ang buhok.

Inilahad nya ang kamay nya at tinanggap naman ito ni kuya Jah. "Salamat."

Nang maka-alis na s'ya ay tumingin kaming tatlo ng may malisya.

"Yiiieee, si kuya Jah na love at first sight." Pang-aasar ko at pabiro s'yang siniko.

"Hoy, baliw!" Sabi nya at tumingin naman sa paligid, hinahanap ata 'yung babae kanina.

"Congrats ulit kuya." Naka-ngiti kong sabi sakanya at niyakap s'ya.

Salamat, kuyas [SB19 x Reader]Where stories live. Discover now