Epilogue

618 22 0
                                    

"'Yung mga kuya ko po inspiration ko. Sa lahat po ng ginagawa ko, sila po inspirasyon ko."


█▒▒▒▒▒▒▒▒▒

1 YEAR LATER

███▒▒▒▒▒▒▒

3 YEARS LATER

█████▒▒▒▒▒

6 YEARS LATER

███████▒▒▒

8 YEARS LATER

██████████

:・゚10 YEARS LATER *:・゚

"Let's give it up for... Y/N Santos!" Napuno nang hiyawan ang buong arena nang banggitin ang pangalan nang kanilang paboritong singer.

Unti-unting umakyat ang isang parte ng stage at unti-unti ring nakikita ng madla ang isang babaeng naka-itim na dress ngunit siguradong nagni-ningning dahil sa mga glitter nito, naka-suot rin ito nang black na boots, mahabang gloves, at ang buhok nito ay naka-half ponytail na nangingibabaw ang ipit n'yang may malaking ribbon.

Madilim ang buong arena at kay Y/N lang naka-tapat ang spotlight, tahimik din ang mga nanonood dahil hindi pa ito nagsi-simulang kumanta.

[When I was young, I played for fun. Made up the words, nobody heard]

Naka-tungong panimula ni Y/N nang kanta na naka-acapella habang naka-hawak sa microphone stand.

[But now I see, all eyes on me. And suddenly, I'm in a dream]

Unti-unti nitong inangat ang tingin n'ya sa mga taong nanonood sakanya. Hindi maka-paniwalang... sobrang daming naka-tingin sakanya, sobrang layo na nang narating ng pangarap n'ya.

[I got a feeling now. Everything's right somehow]

Nag-play na ang background music, tina-tap na n'ya ang kanang paa n'ya sa sahig habang ginagalaw ang buong katawan.

[Here I am, being who I want, giving what I got. Never a doubt now]

Kinuha ni Y/N ang microphone mula sa stand nito at nag-simulang tumalon sa entablado kasabay nang mga back-up dancer nito. Umilaw ang buong stage at nag-karon pa ng fireworks kaya naman nagsi-sigaw na ulit ang mga manonood.

[Here I go! Burning like a spark, light up the dark again]

Pag-kanta n'ya pa habang nasayaw, ang kanyang mga mata ay nagni-ningning nang makita n'yang wine-wave ng madla ang kanilang flashlight muna sa cellphone.

[I'm stepping up, right to the top]

"Baby, say 'aaaahhh'" Sabi ni Josh sa isang bata n'yang pasyente ngunit hindi nito pinapansin ang sinasabi n'ya bagkus ay naka-tingin sa isang screen sa kwarto kung saan nagp-play ang performance ni Y/N.

Napa-tawa naman si Josh ng bahagya at inayos ang stethoscope nito na binigay ng bunso n'yang kapatid nang nakaraang birthday n'ya.

"Kapatid ko 'yan." Lumingon ang bata sakanya ng may ngiti sa muka na para bang hindi s'ya maka-paniwala, tinapat naman ni Josh ang picture frame na naka-patong sa lamesa n'ya na may picture nilang dalawa.

Salamat, kuyas [SB19 x Reader]Where stories live. Discover now