[Y/N'S POV]
Sobrang bilis ng panahon, hindi ko namalayang isang buwan na pala lumipas since nung first day namin.Speed yarn?
May mga nakaka-interact naman akong iba, pero kami-kami lang ring apat nila Yuna ang laging magka-kasama. Si Ate Bea naman, nakakatuwa at nakikita kong marami rin s'yang nakaka-interact, minsan nga sumasabay pa s'ya sa'min mag-lunch.
Inilagay ko ng ayos ang textbook at notebook ko sa locker. Maayos locker ko! May salamin s'ya, may mga sticker akong nilagay, hologram something, at 'yung drawing ni kuya Jah sa notebook na kaming anim nung sinabi ko sakanila course ko.
Sinara ko iyon at sumandal sa locker, wala kaming prof for third period. Oh 'diba, one month pa lang at lumalagi na pagka-absent ng prof namin.
"Nagka-cutting ka ha." Napa-tingin ako sa gilid ko ng may biglang nag-salita at nakita si Jayson na tumatawa habang may nilalagay sa locker, magka-lapit lang locker naming apat.
"Baliw, walang prof." Natatawa kong sabi sakanya at umiling.
"Kami rin eh." Napa-tango ako at nag-libot muna kami sa school.
"Mall?" Tanong nya sa'kin, napa-tingin ako sa maamo nyang muka.
Pwede rin naman, katapat lang ng school namin 'yung mall at hindi rin naman mahigpit security, kailangan mo lang mag-fill up sa form kung lalabas ka ng class hours para malaman kung may class ba o wala.
"Tara?" Sabi ko sakanya pero hindi parin ako fully decided, mamaya maka-apekto sa grades ko eh. Never pa ako nag-cutting.
Well, hindi nga naman kami nagka-cutting since walang prof.
"Okay lang 'yan, may form naman na fi-fill up-an, pag daw walang class wala namang bawas sa grades." Hinatak nya ako at tumakbo kami papalabas ng entance at nag-fill up na ng form.
Name Date Time Year
Y/N Santos Aug.10 1:00 First
Jayson Lesondra 8/10 " "Pagka-tapos namin itong fill up-an ay isang tawid lang at chada, nasa mall na kami ni Jayson!
Since Friday naman, naka-casual clothes kaming dalawa at hindi uniform.
Naka-tuck in ang black shirt ko sa dark red kong palda at nag black jacket din ako, mabilis humaba buhok ko kaya hanggang braso ko na s'ya ngayon. Si Jayson naman ay naka-ripped jeans at simpleng blue na t-shirt.
Nag-punta kami sa may food court at pumila sa Frapp É, food stall na nagbe-benta ng frappé.
"Sasakit ulo mo mamaya." Sabi ko kay Jayson habang natawa.
"Bakit naman?" Naka-tingin nyang sabi sa'kin, umusad ang pila kaya muntik nya na mabangga 'yung may hawak ng frappé pero nahila ko kaagad s'ya.
"Kasi malamig dito 'tas pag-labas natin ang init. Ganun ka kaya, nasakit ulo mo pag pa-iba-iba weather." Natawa rin s'ya sa sinabi ko. Ganyan lagi si Jayson pag nagala kami eh.
"Mainit sa labas?" Tanong nya naman pero kami na ang may turn um-order. Hinayaan ko muna s'yang um-order bago sumagot.
"Oo. Kakagaling lang natin 'diba?" Tinaasan ko s'ya ng kilay kaya't natawa nanaman s'ya ng mahina.
"Eh, ba't ka naka-jacket?" Napa-tingin ako sa sarili ko at na-realize na naka-jacket nga ako.
Pabiro ko s'yang hinampas sa braso. "Fashion sense kasi 'to." Sabi ko pa.
Tumawa nalang s'ya at umiling-iling, tuwang-tuwa sa kalokohan nya.
"Ang cute nyo namang mag-kasintahan." Napa-tingin kami kami sa likod namin ng may biglang nag-salita. Medyo mga nasa 50's na babae pero ang porma ay pang generation namin.
"Hala, mag-kaibigan lang po kami."
"Opo, hindi ko po s'ya girlfriend."Pag-tanggi namin ni Jayson kay lola. Ano ba naman 'yan, bakit ba big deal sakanila pag masayang nag-uusap 'yung dalawang lalaki't babae?
"Nako, magiging magka-ibigan narin kayo sa future. Ganyan na ganyan din kami ng asawa ko nun." Sabi nya pa habang natawa at hinampas pa nga ako ng mahina sa braso.
What?!?!
"'Wag mo na 'yan pakawalan iha, ang gwapo. Ikaw rin iho, ang ganda na, concern pa sa'yo." Napa-kurap-kurap naman ako.
Gusto lang naman namin bumiling frappé!!! Ba't bigla akong nagka-jowa?!?!
Ipagtatanggol ko pa sana sarili ko pero biglang tinawag ni ateng nasa counter ang atensyon namin, kinuha na ni Jayson ang in-order namin at binigay naman ang sa'kin. Bago kami umalis ay nag-bow muna kami kay lola bilang pag-galang.
Pagka-alis namin, wala sa'min ang nag-salita. Na-awkward-an tuloy kami!!!
Sumipsip nalang ako sa frappé ko, in-order ko is vanilla with choco chips. Wala atang may balak umimik sa'min, after ba naman kami pag-kamalang couple eh.
"Uhmm, punta akong book store, may kailangan akong bilhin text book." Napa-tingin s'ya sa'kin, ilang segundo pa bago s'ya sumagot.
"Let's go!"
Parehas kami ngayong nasa loob ng book store, buti nalang at pwede drinks sa loob since naka-plastic naman 'yung mga books dito.
"Anong book kailangan mo?" Tanong sa'kin ni Jayson habang naka-tingin sa book shelf.
"Uhmmm, Music History." Nagti-tingin-tingin rin ako sa mga title sa border ng book.
"Eto!!!" Masaya kong sabi at kinuha 'yung libro.
"Wala ba nyan sa library?" Lumapit s'ya at tinignan maigi 'yung libro.
"Wala. Hinanap ko sa buong library nung isang araw." Inilagay ko 'yun sa basket na hawak-hawak ni Jayson.
Hindi ko s'ya ginagawang alalay haaa, s'ya nag-presinta kanina na hahawakan nya raw 'yung basket since ubos na frappé nya!!!
"Tara na." Aya sa'kin ni Jayson.
"Wait!" Gulat s'yang napa-lingon sa'kin.
"May bibilhin pa akong libro." Naka-ngiti kong sabi sakanya at naunang mag-lakad.
Lumapit s'ya sa'kin nang napalatak. "Akala ko ba isa lang bibilhin mo?" Sabi nya at tumabi sa'kin.
"Ako naman magbabayad eh." Tugon ko sakanya.
"Paabot nun, bilis." Natatawa kong sabi at tinuro 'yung librong gusto kong bilhin na hindi ko maabot.
"Ayoko nga." Humiwalay naman ang dalawa kong labi. Hala, kailan pa 'to naging si kuya Pau?
"Hay nako, mga mag-jowa talaga ngayon." Paalis na sana si Jayson pero napa-tigil s'ya sa sinabi ng isang worker at kumunot naman ang noo ko.
Ano bang problema nyo sa'min?!?!
"Muka ba tayong mag-jowa?" Tanong ni Jayson sa'kin ng lapitan nya ako, nag-kibit balikat lang ako.
"Hindi. Para nga tayong mag-kapatid eh."
After nun, nabili namin 'yung book at balak na naming bumalik ng school.
"Si kuya Ken mo 'yun 'diba?" Napa-tingin ako sa gawi na tinuturo ni kuya Jayson. Nakita ko si kuya Ken, kahit malayo kilalang-kilala ko s'ya 'noh. Naka-sandal s'ya sa glass wall nang isang store habang naka-pamulsa.
"Halika n-" Yayain ko na sana si Jayson para hindi na nya kami maabutan pero mas lalo akong nagulat nang makitang papa-alis na s'ya sa store, nang may kasamang babae.
Nag-pasya kami ni Jayson na dumaretso nang school dahil baka makita pa kami ni kuya Ken. Pag-pasok namin ay maraming estudyante since lunch na, hindi rin kami kumain ni Jayson nang lunch sa mall since sabi namin sabay-sabay kaming apat kakain, masarap din naman cafeteria food sa school.
Nang papunta na kami ay nakita namin si Yuna na may kausap na lalaki.
"Si kuya Alpha na 'yun?" Bulong ko kay Jayson habang ang atensyon ko ay na sakanila parin.
"Oo, ata." Tugon nya at hindi rin s'ya tumingin since naka-focus din s'ya sakanila.
Omg, ba't andaming namumuong love life ngayon?! First, napag-kamalan kami ni Jayson na mag-jowa. Second, si kuya Ken at 'yung mysterious girl na 'yun. Ta's eto?!
YOU ARE READING
Salamat, kuyas [SB19 x Reader]
FanfictionY/N grew up without parents but hey, her life is almost perfect with her five older loving brothers. In the road of life full of bumps, rocks, and obstacles, her brothers joined her inside the car. A SB19 fanfiction. [Aurum High Series #1]