[Y/N'S POV]
Syempre papayag ba kami na gunun-ganun lang masira birthday ni kuya Josh? Hindi 'noh! Kailangan naming mag-isip ng plano."Arat na." Tawag sa'min ni kuya Pau. Nakapag-check out narin kami sa guest house na pinags-stay-an namin.
Tapos alam n'yo ba, hindi pa dinala ni kuya Josh si Kinse! Mas marami raw kaming dala kaya iniwan sa'min. Para namang makakarating s'ya sa ospital on time eh ang layo-layo ta's nag-commute lang s'ya.
"Ang selfless ni kuya Josh." Sabi ni kuya Jah at napa-tango naman ako tsaka si kuya Ken.
"Agree. Super agree." Pag-sangayon ko pa.
"Ang hirap pag doctor ka, 'no?" Dagdag pa ni kuya Ken at napa-tango kami ni kuya Jah ng maraan.
"'Di ko alam kung lodi n'yo lang talaga si Josh o bina-back stab n'yo eh." Sabat naman ni kuya Pau na nasa shotgun seat.
"Bukas nalang natin i-celebrate?" Tanong pa ni kuya Stell na s'yang magd-drive. Wala namang naka-sagot.
Kung ako tatanungin, gusto ko ngayon i-celebrate. Syempre, mas masaya parin kung sa mismong araw ng birthday mo ikaw magce-celebrate, 'diba?
"May naisip ako mga kuya." Sambit ko sakanila at ngumiti. Napa-lingon sa'kin si kuya Pau at si kuya Jah at Ken naman na nasa kaliwa't kanan ko ay napa-kunot ang noo habang si kuya Stell ay napa-tingin sa rearview.
_
"Please, miss? Kahit 'yung office n'ya lang po." Pagmama-kaawa ko kay ate na nasa reception ng lobby ng ospital."Sorry po, bawal po talaga eh." Napa-bugtonh hininga nalang ako at tumango. Ano bang magagawa ko?
Sa office sana ni kuya Josh namin s'ya isu-surprise pero bawal daw kahit sinabi na naming birthday n'ya ngayon at kapatid n'ya kami! Edi 'wag!
Lumapit ako kila kuya. "Plan C?"
Napa-ngisi lang sila habang naka-tingin sa isang direksyon kaya napa-lingon rin ako sa gawi at kita si kuya Ken na katabi si ate Azir habang naka-pamulsa sa lab coat n'ya.
Ang ganda ni ate Azir!!! Nakaka-insecure, ta's naka-lugay pa buhok n'ya kaya nagba-bounce habang naglalakad.
"Ate Azir!" Salubong ko at agad na niyakap s'ya. Yup, close kami.
"Belated happy birthday, Y/N!" Naka-ngiti n'yang sambit at tinap ang tuktok ang ulo ko.
"So, ayan plano mo, Ken? Dalhin 'yung nililigawan mo?" Taas-kilay na tanong ni kuya Jah.
Ewan ko ba d'yan kay kuya, ang laki ng galit kay ate Azir.
"Why do you hate me ba? It's not like I did something bad sa'yo." Tugon naman ni ate Azir at inirapan si kuya Jah. Si kuya Ken naman ay napa-ngisi lang.
"May maganda s'yang plano. Shumat-up ka nalang kasi wala ka namang maisip na plano." Sabat naman ni kuya Ken habang naka-tingin kay kuya Jah.
"Tama na nga 'yang away n'yo." Saway naman ni kuya Stell sa dalawa.
"So... what's the plan, Azir?" Tanong ni kuya Pau na naka-ngisi.
_
"Thank you talaga ate!" Pasasalamat ko kay ate Azir, bahagya naman s'yang tumawa."It's nothing. Besides, it's for kuya Josh naman. It's like my birthday gift narin for magiging makulit na intern dati." Bulong n'ya sa'kin at kinindatan ako.
"Weh? Sana all kini-kindatan." Nabaling naman ang atensyon namin ni ate Azir kay kuya Ken na kunwari ay nagtatampo, napa-iling nalang ako.
"We have to do out rounds na. So evening, 'noh? Good luck later!" Paalam n'ya sa'kin at naka-ngiti lang akong kumaway sakanya. Kita ko ring kinindatan n'ya si kuya Ken bago tuluyang tumalikod.
YOU ARE READING
Salamat, kuyas [SB19 x Reader]
FanfictionY/N grew up without parents but hey, her life is almost perfect with her five older loving brothers. In the road of life full of bumps, rocks, and obstacles, her brothers joined her inside the car. A SB19 fanfiction. [Aurum High Series #1]