Chapter 60 | Audition

501 21 0
                                    

[Y/N'S POV]
Friday ngayon at syempre may pasok kami. Since hindi naman required mag-uniform kapag friday, nag-off shoulder lang ako na dirty white at maong na skinny jeans. Ni-half ponytail ko rin buhok ko.

"Hala, makikita ba tayo sa tv?" Natatawang tanong sa'min ni Mike habang naka-tingin sa mga camera na naka-set up sa quadrangle.

"Shoutout po kay Y/N na mahal na mahal ko pero 'di pa ako sinasagot. Kailan ka kaya magiging katulad ni ate Azir?" Dagdag n'ya pa na ikina-tawa nilang tatlo habang ako ay umirap lang at kinagatan ang burger na hawak-hawak ko.

"'Di pa nga kasi ready sa commitment." Ani ni Yuna habang na-iling-iling.

"Nagmamadali ka naman Mike, eh." Komento pa ni Jayson habang kunwaring napalatak.

Napa-halumbaba nalang ako at huminga nang malalim.

"Okay ka lang? Joke ko lang naman 'yun, eh. Kahit ilang taon pa 'yan, maghihintay ako" Nag-aalalang tanong ni Mike sa'kin at bahagya naman akong natawa.

"Inaantok lang. Buang ka naman." Sagot ko at naka-hinga naman s'ya ng maluwag, isinandal ko ang ulo ko sa balikat n'ya at mahinhin n'ya naman itong tinapik.

-

"Why miss a once in a lifetime opportunity, 'diba?" Tanong sa'min ng professor namin.

Dini-discuss ngayon ni Ma'am kung bakit may camera kaming nakitang pagala-gala sa school, ayun 'yung nakita naming apat kanina. Napili raw school namin to be featured sa isang reality show at ini-encourage n'ya kami, na kumuha ng music major, na mag-audition mamaya.

Gusto kong i-try, gustong-gusto.

Pero natatakot ako.

Nag-ring na ang bell kaya naman nag-tayuan na ang mga estudyante, kinuha ko na rin ang bag ko at lumabas na sa classroom namin.

Naka-tungo lang akong naglalakad sa coridor namin. Maga-audition ba ako? Kaya ko ba?

Bakit naman kasi biglaan? Hindi manlang kami binigyan ng heads up.

"Lalim nang iniisip natin, ah." Napa-tingin ako sa gilid ko nang may biglang nag-salita.

"Ate Bea." Inilingkis ko ang braso ko sa braso n'ya at sinandal ang ulo sa balikat n'ya habang naglalakad kami.

"May problema?" Tanong n'ya sa'kin at napa-pout nalang ako.

"'Diba may audition na magaganap mamaya? Audition kaya ako?" Sagot ko sakanya at seryoso lang ang muka n'ya.

"Go for it! Sasabihin ko pa nga lang sana sa'yo." Naka-ngiti n'yang sabi at hinawakan kamay ko na parang mas excited pa s'ya sa'kin

Ayaw ko na gusto ko, eh. Alam mo 'yun? Maga-audition ba ako?

Ah, alam ko na! Gawin ko nalang 'yung he loves me he loves me not method, or tao-ibon sa barya!

"Next!" Sa haba nang pag-iisip ko ay eto ako ngayon, naka-tayo sa harap nang madaming tao at camera. Nanonood din sa'kin sila Yuna at ate Bea. Bakit ba kasi sa quadrangle 'yung audition, eh?

Tinugtog na 'yung kantang napili ko at huminga naman ako nang malalim. Okay Y/N, kaya mo 'yan.

[I can light up the world, in the blink of an eye.
You'll see something you never dreamed. You won't believe your eyes]

Pag-simula ko nang kanta at para akong mannequin na naka-estatwa lang sa iisang pwesto.

[I'm holding stars in the palm of my hands, I'll make them fly, I'll make them dance. It's such a sight, if I just take a chance]

Sinabayan naman ng crowd ang palakpak ko at si Yuna ay panay cheer sa'kin kaya mas naganahan akong kumanta.

[So beautiful, so wonderful, so magical (2x)]

Tumingin ako sa isang sulok na walang tao at nag-imagine na andun ang lima kong kuya para mas ganahan pa ako.

[Look at the sky, the stars have finally aligned, we're lighting up the dark tonight. And it's so beautiful, beautiful, beautiful]

Dinama ko ang kanta kaya naman maganda kinalabasan ng boses ko, inii-sway ko narin ang katawan ko at hindi na ako parang statwa dito.

[I can paint the sky, flip it upside down. Make the planets come to life, lift the sun off the ground]

Mas dumami ang estudyanteng nanonood kaya naman mas na-pressure ako, pinikit ko nalang ang mga mata ko para 'di ko sila makita.

[I'm holding stars in the palm of my hands. I'll make them fly, I'll make them dancez It's such a sight, if I just take a chance]

Napa-ngiti ako ng malawak ng pumalakpak ang mga estudyanteng nanonood sa'kin. Nagugustuhan nila performance ko, 'diba?

[So beautiful, so wonderful, so magical (2x)]

"Ang ganda ng performance mo. Sino naman ang naging inspiration mo para maka-kanta nang ganung ka-ganda?" Naka-hinga naman ako ng maluwag sa komento ng host.

Ang ganda daw ng performance ko!!!

Nagustuhan nila performance ko!!!

Gustong mag-wala ng puso ko pero mas pinili kong kumalma.

"Wala po sila ngayon dito pero... 'yung mga kuya ko po inspiration ko. Sa lahat po ng ginagawa ko, sila po inspirasyon ko."

Salamat, kuyas [SB19 x Reader]Where stories live. Discover now