Chapter 21 | Bonding with kuyas

709 31 2
                                    

[JOSH'S POV]
"Eh, etong question number 4 kuya?" Tanong sa'kin ni Y/N, nagpapa-tulong kasi sa assignment nya sa science.

Sasagutin ko na sana s'ya ng biglang nagsalita si Pau. "Ang gulo ng buhok mo, Y/N."

"Kuya, messy bun nga eh. May messy bang maayos?" Tanong ni Y/N na ginagaya ang pananaray ni Pau kaya't natawa ako.

"Hala!" Pasigaw na sabi ni Jah kaya't napa-tingin naman kami sakanila ni Ken.

"Ken!!!" Nagsimula na silang mag-takbuhan sa buong sala, napa-sapo nalang ako sa noo ko habang si Y/N naman ay natatawa sakanilang dalawa at napa-iling nalang si Pau.

Minsan, parang mas bunso pa sila kay Y/N eh.

"Tigilan nyo nga kakatakbo!" Sigaw ni Stell sa dalawa pero sa tingin nyo ha makikinig sila? Hindi.

"Omayghaaad!" Sigaw ni Y/N kaya't agad nabaling ang atensyon ko sakanya. Napa-nganga nalang si Jah at si Ken naman ay pinipigilan ang mala-buang nyang tawa.

"Yare ka saken kuya Jah!" Tumayo si Y/N mula sa pagkaka-upo sa sahig at nakipag-habulan rin kila Ken at Jah. Natapunan ba naman ni Jah ng paint nya 'yung puting t-shirt at 'yung sinasagutan naming assignment nya.

Pinagmamasdan ko nalang sila habang gumagawa ng gulo sa loob ng bahay, masama na ang tingin sakanila ni Pau pero pa'no nila mapapansin kung busy sila magtaya-tayaan?

"Ay takte!" Ngayon naman ay si Stell ang sumigaw, nasagi ni Y/N 'yung bine-bake nya kaya't nanlaki naman ang mata ni Y/N at ayun, sumama s'ya sa habulan ng tatlo.

"Tumigil na nga kayo!" Napa-tigil sila sa sigaw ni Pau pero-

"Stell! Bwisit!" Hindi ko na napigilan at napahalakhak na ako nang malakas. Sino ang matapang na nilalang na naglagay ng icing sa muka ni Pau? Edi si Stell.

"Taya!" Tinapik ako ni Y/N sa balikat at binelatan tsaka tumakbo ulit.

"Ahh, ganun ha." Sinimulan kong habulin sila at eto kami ngayon, nagtataya-tayaan sa loob ng bahay.

"Taya, bleh." Pagka-tapik ko kay Ken ay binelatan ko s'ya atsaka bumelat gaya ng ginawa ni Y/N.

"Kuya Pau, baka mabangga mo!" Sigaw ni Ken kaya't agad na tumigil si Pau.

"Taya!" Pagka-tapik ni Ken kay Pau ay agad itong tumakbo at tumawa naman kaming lahat.

"Naisahan mo ako dun ha." Sabi ni Pau habang natakbo kaya't agad kaming lumalayo sa kanya.

Si Jah naman ay habang natakbo ay nakain ng cupcake na bine-bake ni Stell kaya napa-tigil ito at tinignan ng masama si Jah.

"Taya ka na Stell." Tumawa si Pau atsaka tumakbo ulit at ngayon ay si Stell naman ang nanghahabol.

"Taya, kala mo ha." Tinapik ni Stell si Jah at binelatan ito.

"Teka, taympers." Naka-simangot na sabi ni Jah habang pinupunasan ang icing sa gilid ng bibig nya.

"Masarap kuya?" Lumapit si Y/N at kumuha rin ng cupcake na binake kanina ni Stell, tumigil muna kami kakatakbo habang hinahabol ang hininga tsaka lumapit narin para kumain ng cupcake.

"Hoy! 'Wag nyo munang kainin! Pashnea naman eh!" Hindi nalang namin pinansin pagta-tantrums ni Stell at nagpa-tuloy kaming lima sa pagkain.

"Ang sarap kuya." Sabi ni Ken habang sinubo ang isang buong cupcake. Sayang, hindi nabulunan.

"Tss." Ang tanging nasabi ni Stell atsaka kumuha nalang din ng cupcake kaya't napa-tawa kaming lahat.

[PABLO'S POV]
"Sir Pau, pasabay ka po ng coffee?" Tanong ni Bea, isa sa mga co-teachers ko rito sa school ni Y/N.

"Hindi na, hehe, thanks." Tumango na lamang s'ya at lumabas na.

Andito ako ngayon sa faculty, nagawa ng lesson plan. Medyo natawa ako sa mga kalokohang pinag-gagagawa namin kahapon. Ang nangyari, ayun, sila Ken at Jah ang nag-linis dahil in the first place sila may gawa kung bakit parang bata kami kahapon na naghahabulan.

Lumabas muna ako at kita ang maraming estudyante sa labas, lunch time na rin kasi ng mga highschool.

Aurum High Campus, natuturingang isa sa pinaka-malaki at pinaka-mangandang school sa buong Pilipinas. Kahit pa public school, may sarili pa rin itong foundation, at kahit pa maraming estudyante, ay kaunti lang ang nakaka-pasok dito. Mababa nga tuition fee pero tanging ang may matataas lang na iq ang nakaka-pasok dito, kaya nga nagulat ako nun nang naka-pasa si Y/N sa entrance exam ng mga kinder at nung highdchool.

Habang papalakad ako papuntang cafeteria ay natanaw ko sila Y/N at ang mga kaibigan nya sa locker na naka-upo sa sahig.

Naka-sandal s'ya sa braso ni Michael na tulog yata at naka-share pa silang dalawa ng earphones. Tsk. Kaya napag-kakamalan na mag-jowa 'tong dalawang 'to eh, laging magka-dikit. Kung nandito lang ako bilang kuya nya at hindi bilang teacher ay matagal ko na silang sinaway pero syempre, hindi pwedeng maki-alam ang teacher sa closeness ng dalawang mag-kaibigan kaya bahala nalang.

Si Yuna naman, nagbabasa ng libro. Lagi rin s'yang kasama ni Y/N, actually, silang apat. At si Jayson, na nagph-phone.

Thankful ako sakanila, dahil alam kong may mabubuti at totoong kaibigan dito si Y/N. Habang pinagma-masdan ko silang apat ay hindi ko namamalayang naka-ngiti na pala ako. Sa buong buhay ko, ngayon ko lang nasubaybayan buhay dito ni Y/N sa school, minsan nga nasasabi kong mas masaya s'ya dito kesa kasama kaming lima eh.

Salamat, kuyas [SB19 x Reader]Where stories live. Discover now