[Y/N'S POV]
Padabog kong sinara ang pintuan pagka-pasok na pagka-pasok ko."Okay ka lang?" Napa-tingin ako kay kuya Stell na tinatanggal ang coat nya, s'ya sumundo sa'kin ngayon eh.
Tumango lang ako at dumaretsong kwarto at tuluyang ibinagsak ang sarili sa kama.
Pa'no nangyari 'yun? Pa'no nya naging girlfriend bigla si Elys? Hala, baka na-arrange marriage sila? Or baka may hawak si Elys na kahinaan ni Mike? Tama! Kailangan ni Michael tulong ko!
Na-istorbo ang pag-iisip ko ng biglang kumatok si kuya Stell.
"Po?" Tanong ko dito at umupo ng ayos.
"May problema ba, bunso?" Tanong nya pabalik at umupo sa tabi ko, agad akong umiling.
"Weh?" Paninigurado n'ya pa at 'yung muka n'ya ay parang hindi s'ya naniniwala.
Bumugtong-hininga nalang ako at nag-dalawang isip kung sasabihin ba kay kuya.
"May girlfriend na si Mike." Ilang segundong katahimikan ang umaligid sa'min bago s'ya sumagot.
"So?" Pinanlakihan ko ng mata si kuya.
"Anong 'so'? Ang bata bata n'ya pa, bawal pa s'ya mag-girlfriend. Hindi pa nga s'ya legal age, eh! Pa'no kung hindi s'ya makapag-focus sa pag-aaral nya?" Napa-hilamos ako sa muka habang sinasabi ang lahat nang 'yon kay kuya.
"Bunso." Pag-tawag sa'kin ni kuya Stell sa malambing na boses kaya't napa-tingin ako sakanya.
"May gusto ka ba kay Mike?" Nanlaki ang mata ko. Ano daw?!?!
"Kuya, concern ako kay Mike bilang kaibigan. Pa'no kung saktan 'yun nung babae. At alam mo kung sino 'yung babae? Si Elys! That spoiled brat mean girl! Bilang bestfriend nya, syempre magiging concern ka 'diba?"
"Hindi eh, parang may gusto ka sakanya eh." Napa-sapo nalang ako sa muka. Anong gusto iparating ni kuya?
"Kuya, wala nga. Bestfriend nya ako, ano ba!"
"Ayun na nga, eh. Bunso, bestfriend ka lang n'ya, ba't ba super affected ka? Bilang kaibigan, ang dapat mong gawin is suportahan s'ya kesa kwestyunin mga ginagawa nya. Okay, hmmm?" Pampa-kalma ni kuya Stell sa'kin habang hinihimas likod ko.
Oo nga, 'noh? Ba't ba super affected ako, wala naman akong gusto sakanya. Pero kasi, ba't pabigla-bigla mga desisyon nya? Tapos si Elys pa? Ba't ako affected, bakit ko 'to prino-problema?
"Sige na, magbihis ka na muna. Mall daw tayo sabi nila Pau." Hinalikan ni kuya pisngi ko at ningitian ko s'ya bago lumabas ng kwarto.
Tama! Wala akong karapatan maging affected! Hindi ko dapat 'yun prino-problema. Erase ko nalang sa isip ko!
Tumayo na ako at kumuha ng pwedeng suotin. Kinuha ko lang ang white sleeveless shirt ko at tinuck-in iyon sa white skinny jeans ko. Sigurado akong papayagan ako nila kuya sa suot ko dahil hindi naman s'ya spaghetti strap.
_
"Y/N! Kuya Stell!" Tumakbo si kuya Jah sa gawi namin ng makita nya ako kasama si kuya Stell."Kanina ka pa nandito?" Tanong ni kuya Stell kay kuya Jah at agad itong tumabi sa'kin, naka-tambay kami ngayon sa foodcourt kahit wala naman kaming kakainin, hehe.
"Hindi, kakarating ko lang din." Niyakap ako ni kuya Jah kaya't niyakap nya ako pabalik.
Nang kumalas ako sa yakap ay kita kong malawak parin ni kuya Jah. Ang saya-saya naman nito.
"Anong meron, kuya? Naka-ngiti ka parin?" Tanong ko rito at mas lalong lumawak ngiti nya, buti nga hindi pa napupunit labi nya.
"Kasi, kilala ko na kung sino 'yung babae sa nakita natin sa museum!" Naka-ngiti sambit nito habang na-palakpak pa.
YOU ARE READING
Salamat, kuyas [SB19 x Reader]
FanfictionY/N grew up without parents but hey, her life is almost perfect with her five older loving brothers. In the road of life full of bumps, rocks, and obstacles, her brothers joined her inside the car. A SB19 fanfiction. [Aurum High Series #1]