[Y/N'S POV]
Nagising ako na si kuya Josh ang nagd-drive. Tulog na si kuya Pau, Stell at Jah 'tas si kuya Ken naman ay nagp-phone."Ba't n'yo ako hindi ginising?" Tanong ko kay kuya Josh habang nagku-kuskos ng mata. Ang sakit ng leeg ko!
"Ayaw ka pagising ni Pau, eh." Sagot ni kuya Josh habang naka-focus parin sa daan.
"Goodmorning bunso!" Napa-tingin ako sa likod at kita si kuya Ken na naka-tutok parin sa nilalaro n'ya sa phone.
"Morning na ba, kuya?" Tanong ko ulit. Ang alam ko hindi naman ganun katagal byahe papuntang tagaytay, eh.
"10 palang, baliw 'yan si Ken." Natatawag sambit ni kuya.
Napa-tango nalang ako at kita kong may potato chips sa harap kaya agad ko itonh binuksan.
"'Wag kang magka-kalat, ha." Paalala sa'kin ni kuya Josh na ikinatawa ko.
Binuksan ko ang phone ko habang nakain.
Teka!
"Kuya, nasa'n 'yung mga paper bag?" Agad kong tanong kay kuya Josh nang maalala ko mga dala ko.
Please, hindi n'yo iniwan. Sana hindi n'yo iniwan.
"Iniwan ni Pau sa bahay." Napa-pikit ako ng maraan sa sagot ni kuya.
"Ehhhh, ba't n'yo iniwan?" Halos mangiyak-iyak kong sabi.
"Bakit? Ano bang laman nun?" Tanong ni kuya at agad akong napa-iwas ng tingin.
"G-gift lang naman nila Yuna." Sagot ko dito.
Speaking of, wala talaga sa'king regalo si Mike! Tampo ako ha, I mean, disappointed. Joke lang, hindi n'ya naman obligasyong regaluhan 'yung bestfriend n'ya since kinder sa 18th birthday n'ya. Oo, oo, tama!
"'Yun naman pala, eh." Sambit ni kuya Josh.
"Hindi ko pa nabubuksan!" Medyo napa-lalas boses ko kaya napa-irap nalang si kuya Josh.
"Ingay n'yo." Napa-tigin ako sa likod ng marinig si kuya Pau at kita ko ngang gising na s'ya. Si kuya Ken naman ay tulog na. Luh, kanina lang nagla-laro 'yun, ah?
"Kuya, iniwan n'yo 'yung paper bag?" Agad komg tanong kay kuya Pau.
"Oo." Napa-bugtong hininga nalang ako at napa-simangot. Ano ba 'yan, eh!
Ilang oras pa kami byumahe at malapit na kami sa tagaytay and medyo may nararamdaman narin akong kakaiba.
"Kuya." Tinapik ko si kuya Stell na nagd-drive ngayon. Kanina pa sila nag-palit ni kuya Josh dahil antok na raw s'ya 'tas si kuya Pau naka-tulog ulit, kami lang ngayon ni kuya Stell gising.
"Yes baby?" Tugon n'ya sa'kin at nilingon ako since naka-red naman 'yung stop light.
"Naiihi ako." Binigyan ko s'ya ng alinlangang ngiti at napa-sapo naman s'ya sa noo.
Luh, kasalanan ko bang hindi nila ako ginising kanina?
"Sige, sige. May malapit na gas station dito." Sambit n'ya at pina-andar ulit ang sasakyan, tumango nalang ako at lumingon sa bintana.
Naka-bukas 'yung car window since pinatay ni kuya Stell 'yung aircon para raw hindi sayang sa gas. Okay na din, ang lamig ng hangin, eto pala 'yung vibe na late night ride.
Nang-mag-stop si kuya Stell sa isang gas station ay agad akong bumaba.
"Hintayin kita dito bunso, ha?" Rinig ko pang sabi ni kuya Stell bago ako maka-pasok ng cr.
Bago ako lumabas ay nag-hugas muna ako ng kamay, agad kong nakita si kuya Stell na naka-sandal kay Kinse habang nagce-cellphone.
"Okay na?" Tanong n'ya sa'kin at tumango ako bago pa pumasok ulit ng kotse.
YOU ARE READING
Salamat, kuyas [SB19 x Reader]
FanfictionY/N grew up without parents but hey, her life is almost perfect with her five older loving brothers. In the road of life full of bumps, rocks, and obstacles, her brothers joined her inside the car. A SB19 fanfiction. [Aurum High Series #1]