Chapter 54 | Courting Y/N

507 21 0
                                    

[Y/N'S POV]
"Liligawan kita, Y/N. Sa ayaw at gusto mo." Napa-kurap-kurap ako sa sinabi ni Michael.

"Ha? Seryoso ka ba? Pinagloloko mo ako eh!" Sabi ko atsaka tumayo dahil naka-upo kami ngayon sa fountain, kita ko namang tumawa lang s'ya.

"Tinatawa-tawa mo d'yan? Hindi magandang biro Michael Gueverra haa." Dagdag ko pa, hinila n'ya naman pulsuhan ko para ma-upo ulit sa tabi n'ya.

"'Diba tinanong na kita nung birthday mo? Sa video greet?" Tanong n'ya at inayos salamin n'ya.

"Jino-joke time mo ba ako?"

"'Diba sinabi ko na sa'yo na gusto kita?"

"Hindi ka dun nagbibiro?"

"Seryoso ako, lalo na sa'yo." Napa-kunot naman ang noo ko atsaka s'ya hinampas.

"Baduy. Yuck. Bahala ka nga d'yan." Ani ko at tuluyan nang umalis.

"Uy! Teka! Y/N!" Rinig ko pang tawag n'ya sa'kin pero tumakbo na ako papuntang cr.

Pagka-pasok ko sa isang cubicle ay huminga ako ng malalim tsaka hinawakan dibdib ko.

So totoo 'yung sinabi nila kuya kagabi? Na pag-pasok ko baka may magtanong sa'kin kung pwede ba akong ligawan.

Pero hindi n'ya ako tinanong! Desisyon s'ya sa buhay! Manliligaw daw sa ayaw at sa gusto ko!

Nag-tarot reading daw sila kuya kagabi kaya nila nalaman. Maniwala, never naman sila naniwala sa mga ganun.

"Sinong may manliligaw?" Tanong ko kila kuya nang maka-pasok ako sa kwarto nila.

Iinom sana ako ng tubig pero kwentuhan nila naririnig ko. Lalo na ni kuya Stell, akala ko naiyak s'ya.

"May manliligaw ako?" Tanong ko ulit sakanila atsaka tinabihan sila sa kama ni kuya Josh.

"Ba't gising ka pa? May pasok ka na bukas bunso 'diba?" Pag-balik ni kuya Stell nang tanong sa'kin.

"Ahhh, naririnig ko po kayong nagk-kwentuhan, eh. So may manliligaw talaga ako?" Nag-palitan naman silang lahat ng tingin.

"Ahhh, nag-tarot reading kasi kami. Oo." Sagot ni kuya Josh at lahat naman sila ay awkward na tumawa.

"Nasa'n 'yung cards?" Naka-kunot noo kong tanong sakanila.

Ang weird nila ha!!!

"Kahapon! Oo, nung gumala kayo nila Yuna!" Ani ni kuya Jah at pumalakpak.

Dahan-dahan nalang akong tumango. "O...kay"

Umiling nalang ako para mawala sa isip ko 'yung gumugulo sa'kin. Okay, Y/N, focus! Act cool, act normal.

Nag-hugas na ako ng kamay at nang maka-labas ako ay kita kong nag-aantay si Mike sa gilid habang naka-sandal sa pader kaya sa ibang direksyon nalang ako dumaan.

Pero naabutan n'ya parin ako.

"Uy, kase." Hinila n'ya ang braso ko at tumingin sa'kin.

Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko?!?!?!

"Please?" Bahagya naman akong napa-ngiti ng mag-pout s'ya.

Shems.

Umiwas nalang ako ng tingin at bumugtong-hininga. "Sige na. Bwisit." Saad ko at tuluyang tumakbo.

Ano bang nangyayare sa'kin?!?!
_
"Balita ko may manliligaw ka na, ah." Halos mabuga ko 'yung tubig na iniinom ko sa sinabi ni Jayson.

"Yieeee. Sino kaya 'yun?" Pang-aasar pa ni Yuna habang inuuga braso ko.

Salamat, kuyas [SB19 x Reader]Where stories live. Discover now