Chapter 11 | Random question

770 31 0
                                    

[Y/N'S POV]
Kahit papano na-miss ko rin namang umuwi nang mga 4:30, haaaayy, mahaba-habang pahinga.

Nag-bihis muna ako bago ako pumuntang salas para makapag-relax, naghanda rin ako nang meryenda ko.

Grabe, ang boring pag wala sila kuya.

Teka, what?!?! Ubos ko na agad 'tong meryenda ko?!?! Nang hindi ko namamalayan?!?!

Bumugtong-hininga na lang ako. Halaaa, ganun pala ako katakaw? Ngayon ko lang na-realize!

Ano bang pwedeng gawin?? Aaaaaa, ang boring talaga.

Lumabas kaya muna ako? Kaso baka pagalitan ako nila kuya eh.

Tumingin-tingin ako sa paligid at nakitang napaka-dumi nang paligid.

I think I knoww whut to doo~

Agad kong kinuha yung speaker nila kuya Ken, hehe, pasensya na kuya Ken ha, at agad na cinonnect ang phone ko para magpa-tugtog.

[Cheonjinnanman cheongsungalyeon
Saechimhan cheok ijen jichyeo na
Gwichanha]

Pagsi-simula nang kanta, agad kong kinuha ang walis at nag-simula nang maglinis.

[Maeil mwo hae eodiya babeun jal ja
Baby, jagi yeobo bogo sipeo
Da bujireopseo]

Tamang-tama pala yung kanta na napili ko, 'no? Since solo ako ngayon sa bahay.

[You got me like (Oh, oh, oh)
Igeon amu gamdong eopsneun
Love story (Oh, oh, oh)]

Pakanta-kanta pa ako pero you got me like at love story lang naman natatatas ko nang maayos.

[Eotteon seollemdo eotteon uimido (Oh, oh, oh)]

Yes naman, feeling jennie ngayon ate girl nyo

[Negen mianhajiman, I'm not sorry (Oh, oh, oh)]

Nakaka-gana ngayong sumaway lalo na't mag-isa lang ako sa bahay omggg

[Oneulbuteo nan nan nan, Bichi naneun solo]

Binitawan ko muna ang walis at sumayaw. Pwede ako ngayong sumayaw nang hindi nahihiya since mag-isa lang ako!!!

[Bichi naneun solo
I'm going solo-lo-lo-lo-lo-lo
I'm going solo-lo-lo-lo-lo-lo]

Alam nyo ba? Dati, akala ko mura 'yung chorus hehe sorry na jennie huh?

[Used to be your girl, now I'm used to being the GOAT. You're sittin' on your feelings, I'm sittin' on my throne]

Wala kayo sa'kin, saulo ko rap part nito.

Masaya lang akong nasabay sa kanta nang biglang nawala yung music. Agad akong lumapit at chineck-

Ba't ngayon pa walang wifi?!?!

Wala na akong magawa at nagpa-tuloy nalang sa paglilinis. Tsk, ang boring nanaman tuloy.

At dahil tapos na akong mag-walis, kinuha ko naman 'yung pag-tanggal sa mga alikabok. Hindi ko alam tawag, ang mahalaga naglilinis.

Habang nagta-tanggal ako nang mga alikabok sa kusina, nakita kong may naka-suksok na papel sa mga lagayan nang mga lumang plato na hindi na namin ginagamit nila kuya kasi sabi nila natatandaan daw nila sila mama at papa pag ginagamit ito.

Ako naman 'tong si curiosity-will-reign, ay agad itong kinuha at nilagay sa kwarto ko.

Sa kwarto naman ko naman ako naglinis, tinatanggal ko rin ang mga alikabok sa may book shelf ko na may nakita akong notebook sa ibabaw nito.

Halaaa, ilang years ko na itong kwarto 'tas ngayon ko lang nakita??

Agad ko itong nakita at may naka-sulat sa pinaka-unang pahina.

Tala-arawan nang pagmamahalan ni Joshuel at Paula.

Joshuel? Paula?

Kuya Josh? Kuya Pau?

Diary ba 'to nang relationship nila mama't papa?

'Wag nyo 'ko i-judge! Hanggang ngayon 'di ko parin alam pangalan nang mga magulang ko kasi ayaw sa'king sabihin nila kuya dahil hindi rin naman daw sila babalik kahit malaman ko.

Gets ko naman kung bakit may hinanakit sila kuya sa nga nagulang namin. Imagine, kaka-trese anyos palang ni kuya Josh at 4 months palang ako nung iniwan nila kami.

Actually, gusto ko lang talaga lokohin sarili ko na nawala si mama, ang paniniwala nila kuya Josh ay iniwan nya kami pero ayaw ko 'yung paniwalaan.

Basta.

Babasahin ko na sana nang biglang bumalik yung music, siguro ay may wifi na. Narinig ko ring bumukas ang pinto kaya't agad kong tinago yung mga nakita ko habang naglilinis.

"Oh, kuya, aga nyo atang umuwi?" Tanong ko kila kuya Ken at Jah habang pinapatay yung music.

"Hiii, bunso." Sabi ni kuya Jah na nagku-kuskos nang mata tsaka umupo sa sofa.

"Hoy! Speaker namin 'yan ha?" Sinamaan ko nang tingin si kuya Ken pero ngumiti s'ya.

"Hehe, joke lang. Pwede mo 'yan gamitin anytime." Natawa ako nang kunti't pumunta na sa kwarto nila kuya para ibalik yung speaker.

Umupo ako sa gitna nila at nag-tipa rin sa cellphone. Bali, nagce-cellphone lang kaming tatlo.

Sasabihin ko ba sakanila yung nakita ko?

Pero, baka ayaw nila munang pag-usapan sila mama't papa lalo na't kita ko sa mga muka nila na pagod sila.

"Yesss, may gusto ka ba sabihin sa mga kuya mo?" Tanong sa'kin ni kuya Jah nang mapansin nyang kanina pa ako tingin nang tingin sakanila.

"Mga kuya ko." Binitawan ko muna ang cellphone ko at ganun rin sila tsaka umupo sa sahig para harapin silang dalawa.

"Ba't wala pa kayong mga girlfriend?" Tanong ko nang may nacu-curious-kasi-talaga-ako looks sa muka ko at parehas naman silang natawa.

"Napaka-random naman nang tanong mo bunso." Natatawang sabi ni kuya Ken habang pina-pat ang ulo.

Totoo nga. Napaka-random nga. Hindi siguro ito yung tamang timing para i-bring up ko yung topic na 'yon.

"I mean, may stable na namang trabaho sila kuya Josh, Pau, at Stell. Ta's ikaw kuya, graduating na. Si kuya Jah rin, ga-graduate na rin. So bakit?" Well, oo ng 'noh? Kung ano-ano lang lumabas sa bibig ko pero ngayon nacu-curious na talaga ako.

"Kasi, ikaw pa yung gusto naming alagaan." Napa-ngiti ako sa sinabi ni kuya Jah na tumungo at naka-halumbaba ngayon.

"Eh! Baka naman pag may mga asawa na kayo, hindi nyo na ako alagaan." Napa-tawa lang sila sa sinabi ko.

"Posible. Kasi syempre, magkaka-pamilya na kami at pag dumating na 'yung araw na 'yun, siguro naman kaya mo nang alagaan sarili mo." Nawala yung mga ngiti ko sa sinabi ni kuya Ken habang hinampas naman s'ya ni kuya Jah.

"Ahhhh, kung ganun," Tumingin ako kay kuya Ken.

"Edi uunahan ko nalang kayo mag-asawa." Sinamaan ko nang tingin si kuya Ken atsaka tumayo sa sahig para pumuntang kwarto.

"Hoy, bunso! Joke lang ehh! Huy!" Sigaw pa ni kuya Ken pero dumaretso na ako sa kwarto atsaka sinarado ang pinto. Rinig ko ring pinapagalitan s'ya ni kuya Jah.

Dahil sa sagot ni kuya Ken, napa-isip ako.

Sabagay, tama rin naman s'ya. Hindi ko sila kasama habang buhay. Darating yung time na magkakaron na silang sariling pamilya. Hindi dapat ako nagre-rely sakanila lagi. Dapat hindi ako masanay na andito sila parati, da't open na ako sa fact na darating talaga yung time na 'yun.

Haaays, ewan. Napaka-random lang nang tinanong ko kanina pero anlalim na ngayon nang iniisip ko, andami ko nang na-realize.

Salamat, kuyas [SB19 x Reader]Where stories live. Discover now