Chapter 30 | 15th birthday

650 27 0
                                    

[Y/N'S POV]
Nagising ako sa isang hindi pamilyar na kwarto.

Teka, hoy!

Na-kidnap ba ako?

No, erase, erase!!!

Ano bang araw ngayon?

Tama! Birthday ko ngayon.

Tumingin muna ako sa paligid at kita si kuya Ken na nasa tabi ng kama kong nagph-phone, si kuya Pau na nagbabasa ng libro at si kuya Stell na naka-dungaw sa bintana.

Sinampal ko ang sarili ko at wala akong napala kundi 'aray' lang kaya't agad na napa-tingin sa'kin mga kuya ko.

"Happy birthday to you~ happy birthday to you~ Happy birthday, happy birthday~ happy birthday to you~" Napa-ngiti ako nang unang narinig ko ngaying umaga ay kanta ng mga kuya ko.

"Thank you mga kuya." Isa-isa nila akong niyakap at hinalikan sa noo.

"Nasa'n po pala tayo? Tsaka si kuya Josh at kuya Jah?" Taas-kilay kong tanong sakanila at lahat sila ngayon ay naka-ngiti lang.

"Nasa guest house tayo, bunso." Sabi ni kuya Stell nang naka-ngiti nang loko-loko.

"Guest house saan??"

"Beach." Tipid na sagot ni kuya Ken at sinamaan s'ya ng tingin ni kuya Pau.

"Beach. As in B-E-A-C-H." Tumango-tango naman si kuya Pau at naka-hingang maluwag si kuya Ken.

Nag-unat ako at tumingin ulit sakanila.

"Pa'no tayo naka-punta dito nang hindi nyo ako nagigising?" Nagtataka kong tanong sakanila. Nag-palitan lang sila ng tingin at nag-kibit balikat kaya't sinimangutan ko sila.

"Tsaka po mga gamit ko, mga damit?" Tumayo ako at binuksan ang cabinet.

"May nadala kami. Konti lang, isang araw lang naman ihh." Binuklat ko ang bag ko.

"Yung phone ko po?" Natahimik lang silang lahat.

"Kuya..."

"Hindi natin kailangan ng phone, bunso. Mage-enjoy tayo dito." Napa-ngiwi nalang ako sa sinabi ni kuya Pau.

"Eh sila kuya Jah at Josh po?"

"Para masagot lahat ng katanungan mo, birthday girl. Maligo ka muna. Pajama pa suot mo." Sabi ni kuya Stell at hinawakan ako sa magkabilang braso tsaka hinarap sa direksyon papuntang cr.

Tinignan ko ang sarili ko at kitang 'yung pajama pa na suot ko kagabi ang suot ko.

Pa'no naman kami naka-rating dito? Ng hindi man lang ako nagigising?

Nang matapos na akong mag-bihis ay lumabas na ako. Simpleng pa-white portrait neck shirt at maong shorts lang ang suot ko dahil konti lang din ang mga nadala ng mga kuya kong damit.

"Tara na?" Inilahad ni kuya Stell ang kamay nya at agad ko naman itong hinawakan.

Lumabas na kami sa guest house. Hawak-hawak ni kuya Stell ang kamay ko, naka-akbay sa'kin si kuya Pau at si kuya Ken naman ay medyo nauuna sa'ming mag-lakad habang naka-tingin sa phone. Wahhhh, mami-miss ko tuloy phone ko!!!

"Sabi ko naman po sainyo, gusto ko sa bahay lang tayo mag-celebrate." Sabi ko sakanila habang naglalakad kami kaya't napa-tingin ang tatlo kong kuya sa'kin.

"Ang boring naman ng buhay mo kung ganun." Binuhat ako ni kuya Pau kaya't nanlaki ang mata ko. Nagpupumiglas ako at natatawa nya akong binaba.

"Malaki na baby namin." Dagdag nya pa habang ginugulo buhok ko.

Salamat, kuyas [SB19 x Reader]Where stories live. Discover now