Note: Different timeline every time a sentence or phrase is italic and bold.
﹊﹊﹊﹊﹊﹊﹊﹊﹊﹊﹊﹊﹊﹊﹊﹊﹊﹊﹊﹊﹊﹊﹊
"Congratulations for surviving High School, Aurums!" Ang paligid ay napuno ng malalakas na hiyawan at palakpakan ang buong paligid, ang ilang estudyante pa nga ay mangiyak-iyak at nagyayakapan.
"Guys, hagis na naten cap naten!" Not totally in synch pero ang buong klase namin ay sabay-sabay na hinagis ang aming mortarboard hat at nagsigawan muli.
We made it.
I made it.
I survived.
I made my Kuyas proud.
Hindi sayang paghihirap ng mga Kuya ko.
"Guys!" Tawag sa'ming tatlo nila Yuna at agad kaming nagyakap apat.
"Omaygash, graduate na tayo!" Mangiyak-iyak n'yang sabi habang natili habang kami naman ay nakangiti lamang.
"Congrats saten gagi naka-graduate tayong lahat!" Pabiro namang sabi ni Mike kaya't pabiro rin namin s'yang inirapan.
"Proud ako sainyo." Komento ko naman habang pinipigilan ang mga luha ko magsipatak.
"Pang ilang bati na naten sa isa't-isa pero congrats muliiiiii." Masiglang bati naman ni Jayson.
High School phase is over.
Nilibot ng mga mata ko ang buong auditorium para hanapin sila kuya, at sa may bandang dulo ay kita ko silang nakangiti sakin at agad ko naman silang kinawayan.
"Guys, wait lang ha." Paalam ko sa mga kaibigan ko at humiwalay muna sakanila saglet, agad akong tumakbo sa kinaroroonan nila kuya at mahigpit silang niyakap.
"Yeheeeey graduate na bunso namin!" Nakangiting sambit ni Kuya Jah at niyakap ako tsaka kami nag group hug.
Pagkakalas namin sa yakap ay inabutan ako ni Kuya Josh ng isang bouquet ng bulaklak, nakangiti ko naman iyong tinanggap habang may luha pa na natulo mula sa mga mata ko.
"Proud na proud kami sa'yo!" Sabi ni Kuya at hinalikan ang ulo ko. Nakita ko namang papalapit dito ang mga kaibigan ko.
"Sir Pau, we miss you!" Halos sabay-sabay nilang bati ng makita kuya ko, saglit naman silang nagusap-usap. Hays, naging close na rin ang mga kaibigan ko kila kuya, nakakasaya ng puso.
Habang nagu-usap-usap sila ay napatingin naman ako sa iba na binabati ng kanilang mga magulang.
Hindi ko na ba 'yon mararanasan?
Ma, Pa, may college pa po, kahit paranas lang ng matatamis ninyong bati at yakap.
"Picture-an ko po kayo!" Pangaaya ni Yuna habang hinihila ako kaya naman naabala ang inisiisip ko. Pinagitnaan ako nila Kuya Ken at Kuya Josh habang ang tatlo ko namang kuya ay nakaluhod sa sahig. Sabi nila para araw parang katabi na rin nila ako, lugi naman daw kung nasa dulo sila.
"1... 2... 3... Smile!" Malawak akong ngumiti at pinakita ang bulaklak na bigay sa'kin nila Kuya.
Pinagmasdan ko ang litrato namin ilang buwan lang ang lumipas. Pina-frame na ito nila kuya at nakasabit ito sa dingding. Ang saya namin, sana ganito kami palagi, walang magbago.
"O bunso, kanina ka pa nakatingin d'yan." Sambit ni Kuya Pau, s'ya ang kasama ko ngayon dahil s'ya ang sumundo sa'kin.
Hindi ko parin alam kung pa'no sasabihin na nag audition ako kanina sa school! Hindi ba ang reckless ng desisyon ko at hindi ko muna pinaalam kila kuya mga pinaggagawa ko? I mean, kakasimula palang ng first year college ko, may bago nanaman akong sinubukan. Hindi kaya dapat muna akong mag-focus sa pagaaral.
YOU ARE READING
Salamat, kuyas [SB19 x Reader]
FanfictionY/N grew up without parents but hey, her life is almost perfect with her five older loving brothers. In the road of life full of bumps, rocks, and obstacles, her brothers joined her inside the car. A SB19 fanfiction. [Aurum High Series #1]