[Y/N'S POV]
"Mayayare tayo nito kila kuya Josh eh." Natatawa kong sabi kila kuya Stell at kuya Pau.Nandito kami ngayon sa mall para manood ng movie, well, feeling ko isa na akong traydor ngayon dahil kaming tatlo lang ang manonood at hindi kasama ang tatlo kong kuya.
"Busy sila sa trabaho ehh, wala tayong magagawa." Sabi naman ni kuya Stell habang nanguya ng popcorn.
"Nga pala kuya Pau, close parin kayo ni teacher Bea 'diba? Sa'n na s'ya nagwo-work?" Biglaan kong tanong kay kuya Pau out of curiosity, si teacher Bea 'yung History teacher namin dati pero nung nag-grade 10 kami ay hindi na namin s'ya teacher.
"Don't know." Palihim nalang akong ngumiwi sa napaka-ikling sagot ni kuya Pau. Edi don't.
Nagsimula na ang movie kaya't shumat-up na ako at tinuon ang atensyon sa screen.
"Ano ba papanuorin natin?" Bulong ko kay kuya Pau na nasa tabi ko, bali pinagi-gitnaan ako nilang dalawa.
"IT 4." Sagot nya ng inilapit nya rin bibig nya sa tenga ko.
"Sabi ko Love in a romance panuorin, bakit it 4 'to." Pinanlakihan ng mata ni kuya Stell si kuya Pau at agad naman itong nag-peace sign.
"May time pa para mag-back out, kuya." Bulong ko sakanya at pinanlinsikan nya ulit ng mata si kuya Pau.
Nang matapos na ang movie ay lumabas kami ng yakap-yakap si kuya Stell. Well, kung akala nyong naka-ilang sigaw si kuya Stell, hindi na s'ya masyadong takot ngayon. Strong ata 'to.
"Kuya, wait lang ha. Cr lang ako." Paalam ko sakanilang dalawa.
"Ako rin." Dagdag pa ni kuya Pau.
"Sige lang, hintayin ko kayo dito." Ngumiti si kuya Stell at kinuha ang phone nya, agad akong tumakbo papuntang cr.
Pagtapos ko ay naghugas muna ako ng kamay bago lumabas. Syempre 'noh, hygiene.
Tinignan ko ang sarili ko sa salamin, naka-suot ako ng maong na skinny jeans at white na sando pero syempre nag-blazer ako na mint green, baka ma-yare tayo kila kuya. Dinala ko rin 'yung sling bag na regalo ni kuya Jah nung 13th birthday ko.
Lumabas na ako at tanaw sa malayo si kuya Stell, wala pa si kuya Pau pero may tatlong babaeng umaaligid kay kuya Stell. Naningkit ang mata ko nang kita kong hinahawakan nila si kuya Stell at halata namang hindi s'ya komportable kaya't agad akong tumakbo papunta sakanya.
"Excuse me?" Tawag ko sa tatlong babae at napa-tingin rin si kuya Stell.
"Sino ka ba?" Mataray na tanong ng isang babae na parang coloring book ang muka dahil sa kapal ng make-up, no offense.
"Kapatid nya kaya lubayan nyo kuya ko, chupi." Kung mataray s'ya, ako matapang. Kaya kayang-kaya ko sila bugawin papalayo sa kuya ko.
"Akala ko naman ate, mas matanda ka kase tignan." Natatawang sabi pa ng isa at nag-tawanan 'yung mga kasama nya, naaalala ko tuloy si Elys at 'yung nga minion nya.
"At kung ate nya ako mas gugustuhin nyong umalis bago ko pa apir-an 'yang muka nyo." Hahakbang sana ako papalapit sakanila pero agad akong hinila ni kuya Stell kaya't napa-stay lang ako sa kinatatayuan ko.
"Let's go na nga girls." Sabi ng isa habang naikot ang mata at peke ko naman silang ningitian.
"Yeah, yeah, good choice. Shooo, shoo." Pagta-taboy ko sakanila. Tinignan pa ako nung mukang coloring 'yung muka kaya't tinaasan ko s'ya ng kilay, inirapan nya muna ako bago umalis.
Huminga ako ng malalim ng bigla nalang sumulpot si kuya Stell sa harap ko.
"Para kang si Seo-yea-ji sa lawless lawyer, parehas na nga kayo ng buhok parehas pang matapang." Natatawang sabi ni kuya Stell habang ginugulo tuktok ng buhok ko.
"May bangs s'ya dun, ako wala." Mas lalong natawa si kuya Stell na ikina-ngiti ko.
"Thank you, bunso."
"Wala akong magagawa, gwapo kuya ko eh."
Tumawa s'ya at niyakap ako nang biglang naming narinig na nag-salita si kuya Pau.
"Anong meron?" Tanong nya habang pinapagpag ang kamay nya kahit tuyo na naman ito.
"Ang tagal mo, naka-panuod kami ng bagong movie." Sabi ni kuya Stell havang natawa at napa-singhal nalang ako habang naka-ngiti.
"Ngi. Ganun." Cute na reaksyon ni kuya Pau.
"Tara na nga, may orientation pa si Y/N." Dagdag ni kuya Pau habang inakbayan kaming dalawa ni kuya Stell.
Nga pala, ngayon na din orientation ko sa bago-sort of-kong school.
"Oh my Ghad." Napa-lingon kami ni kuya Pau nang marinig namin ang sigaw ng babae na malapit lang sa'min- at katabi ni kuya Stell.
"Hala, sorry. Sorry po." Pagpa-paumanhin ni kuya Stell. May mantsa ng coffee 'yung puting polo shirt ng babae so stating the obvious, nabangga s'ya ni kuya Stell at natapon coffee nung babae.
"Forget it!" Tinaas ni kuya Stell ang kamay nya na parang dumedepensa ng medyo napa-lakas ang sigaw ng babae at tuluyang umalis.
"Anyare sainyo?" Natatawang tanong ni kuya Pau kay kuya Stell at bumusangot lang s'ya.
Kinunotan ko naman ng noo si kuya at sa mga mata ko palang alam nya na na ang gusto kong itanong ay "Anong meron sa'yo at sa mga babae ngayong araw?" kaya't nag-kibit balikat lang ito.
_
"Bye mga kuya!" Paalam ko sakanila at parehas naman silang bumeso sa'kin."Sunduin ka namin mamaya ha?" Paalala ni kuya Pau at naka-ngiti naman akong tumango.
"Sige na, pasok na." Hinawakan ni kuya Stell ang braso ko at hinarap ako sa entrance. Kumaway muna muli ako sakanila bago tuluyang pumasok.
Unlike sa Aurum Elementary High at Aurum High Campus na mag-katabi lang, iba location ng Aurum High University. Kung tatanungin nyo kung bakit, hindi ko rin alam, okay? Siguro dahil iba na ang buhay college.
"Boo!" Napa-talon ako nang may biglang nang-gulat sa'kin. Tumingin ako sakanya na tumatawa ngayon habang naka-takip ang kamao sa bibig.
"Wow, I miss you too, Jayson." Sarkastiko kong sabi sakanya na simpleng naka-pants at puting shirt na may gray jacket at pabiro s'yang hinampas, yayakapin nya sana ako ng may biglang tumikhim sa likod namin.
Pagka-lingon ko ay kita ko si Michael na naka-polo-shirt-na-may-shirt sa loob looks nya as usual.
"I miss you too ren." Sarkastiko ko ring sabi sakanya at hinampas ng sling bag na ikinatawa nya.
Bigla nalang may bumato ng papel sa likod ko at pagka-lingon ko ay kita si Yuna na papunta sa'kin para salubungin ako ng yakap.
"Orientation palang, nagkakalat ka na." Natatawa kong sabi sakanya at kunalas s'ya sa pagkaka-yakap atsaka pinulot ang papel.
"Happy, happy?" Tanong nya habang pinapa-kita 'yung papel na mas ikinatawa ko.
"Wala ka na bang ibang damit sa aparador mo kundi dress?" Tanong ni Mike kay Yuna habang inaayos salamin nya.
"At wala ka na bang ibang fashion style kundi 'yang polo-shirt-na-may-tshirt-sa-loob looks mo?" Natatawa naman akong nakipag-apir sa sagot ni Yuna dahil ayun rin una kong naisip nung nakita s'ya.
"Jayson oh, pinagtu-tulungan nanaman nila ako." Pag-sumbong naman ni Mike kay Jayson na parang bata at napa-ngiwi nalang ako.
"Inaaway nyo si baby Mike." Ani ni Jayson habang nagbe-baby talk kaya't mas lalo akong natawa at hinampas naman s'ya ni Mike.
"Huwag mo 'yang kampihan, Jayson. Tandaan mo, minsan ka na nyan sinuntok." Hinampas naming tatlo si Yuna habang natawa.
"Good to see na magka-kaibigan parin kayong apat." Napa-lingon kami sa nag-salita at nakita 'yung dati naming teacher na si Ma'am Bea.
"Ma'am!" Niyakap nang mahigpit ni Yuna si ma'am dahil close na close sila nito.
"Dito na po kayo nagtuturo ma'am?" Tanong ko rito at niyakap din ito, kumaway naman sila Mike at Jayson kaya't ningitian sila ni Ma'am.
"Actually, nandito ako bilang estudyante."
YOU ARE READING
Salamat, kuyas [SB19 x Reader]
FanfictionY/N grew up without parents but hey, her life is almost perfect with her five older loving brothers. In the road of life full of bumps, rocks, and obstacles, her brothers joined her inside the car. A SB19 fanfiction. [Aurum High Series #1]