Chapter 15 | My fault

799 30 11
                                    

[Y/N'S POV]
Sabado. Kung saan madalas kami magsama-sama. Well, may pasok minsan si kuya Josh kahit weekend pero hindi raw s'ya on-call ngayon.

Tanghali na at tapos narin kami kumain, nandito lang ako ngayon sa kwarto ko nang maalala ko na hindi ko pa pala nababasa 'yung mga nakita ko habang nagli-linis ako nung isang araw.

Kukunin ko na sana ito sa drawer ko nang may biglang kumatok kaya agad ko itong isinara.

"Y/N, pwede ditong mag-drawing?" Tanong ni kuya Jah habang dala 'yung mga art materials niya.

"Sure kuya." Sagot ko atsaka ngumiti kaya ngumiti naman pabalik si kuya Jah.

Hinayaan ko lang si kuya Jah sa gagawin nya. Naisipan kong mamaya nalang basahin iyong dapat kong babasahin dahil nandito si kuya Jah.

"Kuya Jah, patugtog ako ha?" Paalam ko kay kuya Jah.

"Sige lang." Kinuha ko ang phone ko at shinuffle ang playlist ko. Nag-paalam muna ako kay kuya Jah baka kasi hi di s'ya komportableng may tugtog habang nagd-drawing s'ya at ma-distract pa s'ya.

[Well good for you, I guess you moved on really easily, you found a new girl and it only took a couple weeks]

Kumuha ako ng libro para magbasa. Actually, regalo 'to ni Yuna last Christmas, ngayon ko lang naisipang basahin hehe.

[Remember when you said that you wanted to give me the world]

"Anak, sorry. Hindi ko maibibigay sa'yo ang mundo." Sambit ni Lucia habang ibinigay sa madre ang anak nyang tulog.

Agad kong isinara ang libro. Tsk. First line na first line, ganyan agad? Yuna, ano ba 'tong binigay mo sa'king libro? Grrr.

[And good for you, I guess that you've been working on yourself]

Humiga nalang ako sa kama. Nasa'n na kaya sila mama't papa? Ano kayang itsura nila? Mayaman na kaya sila? Well, sana. I mean, iniwan nila kami so naging less na ang responsibilidad nila.

[I guess that therapist I found for you, she really helped. Now you can be a better man for your brand new girl]

Tinignan ko si kuya Jah at agad na tumayo para mag-cr. Kaso nung papalabas na ako ay biglang humarang si kuya.

"Kuya, magc-cr ako." Sabi ko sakanya havang pinapa-tabi s'ya.

"Mamaya ka na mag-cr!" Napa-lakas ang boses ni kuya Jah pero hindi naman yung tipong galit.

"Ah, eh, kase naglilinis sila kuya. 'Wag daw muna tayong mang-gulo." Dagdag nya pa habang kinakamot ulo nya gamit 'yung lapis.

"Ihhh, ihing-ihi na ako kuya."

"Mamaya na bunso, ha?"

"Ano?!" Parehas kaming napa-tingin ni kuya Jah sa pinto nang marinig namin si kuya Pau na sumigaw. At dun ako tyumempo at agarang binuksan ang pinto.

[Well good for you. You look happy and healthy, not me, if you ever cared to ask]

Pag-bukas ko nang pinto ay agad kong tinignan ang isang lalaking never ko pa nakita. Bata s'ya, siguro nasa mid-30's s'ya or what, well, gwapo rin.

"Kuya." Hinawakan ko ang kamay ni kuya Jah na nasa tabi ko ngayon para tanungin kung sino s'ya ngunit tinignan lang ako ni kuya Jah.

"Anak." Unti-unting lumapit sa'kin 'yung lalaki ngunit agad akong nag-tago sa likod ni kuya Jah kaya naman iniharang nya ang kamay nya sa'kin.

Salamat, kuyas [SB19 x Reader]Where stories live. Discover now