Chapter 08 | Student guest

847 29 3
                                    

[Y/N'S POV]
"Omayghaaad, omayghaaad, omayghaaad. Kita nyo 'yun? Nung hindi ko ma-gets hinawakan nya kamay ko tapos ang lapit nang muka namin. Acccckkkk!!!" Kwento ni Yuna with action pa habang kami ni Mike ay naka-tingin lang sakanya.

Tekaaa, ang lakas-lakas ng boses nang babaeng 'to 'tas nasa hallway kami!!! Nakakahiya!!!

"Ang lakas nang boses mo. Syempre nasaksihan namin 'yung lahat kase nandun kame." Natawa ako nang mahina sa sinabi ni Mike 'tas si Yuna naman ay binigyan s'ya nang patay-ka-sa'kin looks.

"Pero hindi parin ako maka-paniwalang tropa s'ya ni Jayson. Baka pinaglalapit talaga kami nang tadhana." Napa aiiisshhh nalang kami ni Mike dahil may pa-cute pang nalalaman ang babaeng 'to.

Nag-aasaran lang ang dalawang 'to sa tabi ko at nakita kong nag-aayos na sa stage yung mga student guest para i-display yung art na ip-present nang may art na nakakuha nang atensyon ko.

3D art? Ba't parang kahawig nung art na ginagawa ni kuya Jah sa bahay?

"Guys, tignan natin yung mga art nung student guest oh." Hinila ko si Michael at Yuna papunta dun.

"Kuya?" Pag-lapit ko sa isang student guest na nag-aayos.

"Oo, ako nga." Tumungo si kuya Jah sa'kin.

"Weeeehhhh?? Student guest ka? Maniwala?" Sabi ko habang hindi parin maka-paniwala at na-iling-iling lang si kuya Jah

"K-kuya mo 'y-yan?" Nauutal na tanong sa'kin ni Mike at tumango lang ako.

" 'wag kang mag-alala, hindi ako nangangagat." Sabi ni kuya Jah habang ningingitian si Mike.

"Uhhh, si Mike at Yuna nga pala kuya, mga bestfriend ko." Nag-hi lang si Yuna at si Mike naman ay hindi maka-galaw.

"Y/N!" Rinig kong tawag sa'kin ni ma'am kaya't nag-paalam muna ako sa kanilang tatlo.
_
"Huyy, Mike. Okay ka lang ba? Kanina ka pa naninigas nung nakita mo kuya ko." Tanong ko rito habang nagli-libot-libot kami at umiling naman s'ya.

"Halaaa, bakit? Na-trauma ka ba nung naka-usap mo si kuya Josh?" Natawa kaming dalawa ni Yuna dahil na-kwento ko rin sakanya yung nangyari.

"Oo, traumang-trauma. Hindi na talaga ako makikipag-usap sa mga kuya mo." Napa-iling-iling nalang ako sa sinabi nya.

"Andito kuya mo Y/N?" Tanong sa'kin ni Jayson at tumango ako.

"Ang gwapo nang kuya nyan." Natatawang sabi ni Yuna kay Jayson nang biglang lumapit sa'min si Rj habang natakbo.

"Nagkakagulo sa room namin. Absent rep namin 'tas si ma'am lumabas saglit." Hinihingal nyang sabi sa'kin at agad akong tumakbo papuntang classroom nila.

Nang makarating ako ay nabigla ako sa nakita ko. Gulong-gulo na yung booth nila at may dalawang grupo nang lalaki na nagsu-suntukan.

Takte, mga grade 9 ba talaga 'tong mga 'to?!?! Parang mga grade 6 ehh.

"Mike tawagin mo muna si ma'am." Pakikisuyo ko kay Mike at agad naman s'yang tumakbo.

Nang inaawat ko yung mga nag-aaway, may isang tumulak sa'kin pero buti nalang nasalo ako ni Jayson, kung hindi baka wala na akong malay dito ngayon.

"What is happening here?" Rinig kong sigaw ni ma'am at lahat naman sila ay nagsi-tigil. Hayyy, salamat at natawag agad ni Mike si ma'am.
_
"Thank you pala Y/N ha." Pagpapa-salamat sa'kin ni Rj at ningitian ko naman ito.

"Pa'no pala yung booth nyo? Maayos nyo pa kaya 'yun para sa competition? Ilang minutes nalang oh." Tumingin ako sa orasan at nakitang 2:10 na.

"Wala, sabi ni ma'am tanggapin nalang daw namin yung pagka-talo namin since ang gulo namin. Sige na, maghanda na kayo sa booth nyo. Thank you ulit." Ngumiti sa'min si Rj at nagpaalam.

"Speaking of competition, accckkkk kinakabahan akoooo!!!" Sabi ni Yuna habang naka-hawak sa'min nila Mike at Jayson. Sinong hindi kakabahan 'noh? Eh s'ya lang naman magp-present nang booth namin.

"Ikaw speaker natin?" Napa-tingin kaming tatlo sa tinanong ni Jayson.

"Jayson, anong year ka galing?" Gulat na tanong ko sakanya. Seryoso? Hindi nya alam.

Ngumiti s'yang nagka-kamot nang batok.

"Shooocksss, ayan nangyayari pag hindi mo nakaka-halumbilo section mo. Kaya lagi ka na sa'ming sumama ha?" Sabi ni Yuna habang ginugulo ang buhok ni Jayson.

"Muntikan ka na pala dun Y/N, 'noh? Buti to the rescue si Jayson?" -Yuna

"Uy thank you nga pala Jayson, ha? Hindi pa ako nakapag-thank you eh." Ngumiti lang s'ya sa'kin nang biglang--

"Anong muntikan na?" Sulpot ni kuya Jah na nasa likod ko pala.

"Kuyaaaa, usong hindi manggulat." Naiinis kong sabi sakanya. Nag-hello naman s'ya sa mga kasama ko at nakita ko si Michael na parang natatakot.

"Hindi kita ginulat, oa ka lang." Tinignan ko s'ya nang masama at pinakita nya sa'kin gummy smile nya.

"Cute talaga nang kuya mo." Bulong sa'kin ni Yuna.

"Ano ngang nangyari sa'yo kanina?" Tanong ulit ni kuya Jah.

"Muntikan lang po akong maumpog."

"Tapos?"

"Tapos hindi ako naumpog." Ninigitian ko si kuya habang s'ya naman ay masama ang tingin sa'kin.

"Eh ba't ka nagte-thank you kay Jayson kanina?" Tinignan ko si Jayson at nagkibit-balikat lang. "Magkakilala kayo?"

"Hindi, narinig ko lang na Jason tawag mo sakanya." Napa-bugtong hininga ako. Self, relax, kuya mo 'yan.

"Kaso po sin--" Sasagot sana si Yuna pero tinakpan ko ang bibig nito.

"Kuya, hanap ka nang mga kasama mo oh." Sabi ko kay kuya Jah sabay turo sa likod nya.

"Huh, nasan?"

Agad kong sinenyasan sila Yuna, Michael, at Jayson na tumakbo.
_
"Go Yuna!!!"
"Kaya mo 'yan!!!"
"Fighting!"

Pagpapa-lakas namin nang loob kay Yuna dahil s'ya na ang naka-salang sa stage para i-explain ang booth namin.

"Galing mo ahh." Sabi ko kay Yuna nang bumaba na s'ya sa stage at nag 'che' lang ito.

Nang ibang grade level na ang nagp-present sa stage ay may tinanong si Mike sa'kin. "Anong nangyari kanina?"

"Ahhh, may nanulak kasi sa'kin pero nasalo agad ako ni Jayson." Ngumiti ako kay Mike habang s'ya ay tumango-tango lang.
_
"Kuya mo na magp-present nang art nya hoy." Kinikilig na sabi sa'kin ni Yuna.

"Tara, tayo. Para mas makita natin." Sabi ko at agad naman silang tumayo dalawa sa pagkaka-upo sa sahig. Pumunta kami sa may gilid na bababaan nang mga nasa stage. Tumingin sa'kin si kuya Jah at sinabihan ko ito nang 'fighting' tsaka nag-thumbs up sakanya bago s'ya mag-start.

Habang nage-explain si kuya Jah ay nakakaramdam ako nang hilo pero hindi ko nalang ito pinansin.

Nang matapos na s'ya ay pumalakpak ako nang malakas at sumigaw nang "kuya ko 'yan!" habang naka-ngiti sa kanya.

Ang huling nakita ko ay ang pagka-baba nya nang stage at sasalubungin nya sana ako nang yakap nang bigla nalang nandilim ang paningin ko.

Salamat, kuyas [SB19 x Reader]Where stories live. Discover now