Chapter 35 | College life

579 19 4
                                    

[Y/N'S POV]
Nandito kami ngayon ni kuya Jah kay Kinse. Pinagdr-drive nya ako papuntang school. Yup, first day of school na, ang bilis nga ng panahon eh.

"Parang kaka-graduate ko lang kahapon." Sabi ko kay kuya Jah at bahagya naman s'yang natawa.

"Why? Napr-pressure ka ba sa college life mo?" Tanong ni kuya Jah at napa-tingin nalang ako sa car window.

"Slight." Maikli kong tugon at sumandal sa upuan. Ayokong masayang lahat ng pinaghirapan ng mga kuya ko. Sila ang nagpa-aral sa'kin since kindergarten, ngayon pa ba ako susuko?

"Don't be. Kayang-kaya mo 'yan, ikaw pa." Ningitian ko si kuya Jah kahit naka-focus s'ya sa daan.

Kinuha ko nalang ang phone ko at isinalpak ang earphones sa tenga ko't nagpa-tugtog.

A whole new journey, a whole new chapter, a whole new road. Pero walang nagbago, nandito parin ang mga kuya ko sa tabi ko, I'm so blessed to have them by my side.

Siguro kaya gustong-gusto ko ring sa Aurum mag-aral, their uniform is sooooo pretty. The white polo shirt with the school's logo sa may bandang kaliwa, the blue silk pants and the blue-black checkered blazer, hindi ko naman sinasabing ang ganda ko sa suot ko pero parang ganun na nga. Ibang-iba sa uniform namin nung highschool ako since palda 'yun pero mas bet ko 'to.

Unti-unti akong naka-ramdam ng antok kaya't unti-unti ring pumikit ang mga mata ko.

"Bunso, we're here." Dahan-dahan akong tinapik ni kuya Jah sa balikat at agad akong napa-mulat. Itinanggal ko ang earphone sa tenga ko at nirolyo ito.

"Ga'no ako katagal naka-tulog kuya?" Tanong ko sakanya habang kinukusot ang mata ko.

"Ewan ko, hindi ko nga napansing naka-tulog ka pala eh." Napa-tawa nalang ako nang mahina sa sagot ni kuya at kinuha ang bag ko sa back seat.

Hinawakan ni kuya Jah ang dalawa kong balikat at hinarap ako sakanya.

"Huwag kang ma-pressure, ha? Lagi mo lang gawin best mo." Naka-ngiti akong tumango sakanya, ningitian naman ako ni kuya pabalik at hinalikan sa noo.

"Love you bunso, fighting!" Ani nya ng maka-labas ako sa kotse.

"I love you too, kuya. Ingat!" Kumaway muna ako ulit atsaka sinara na ang pinto.

Pina-kita ko sa guard sa entrance ang i.d ko at agad nya naman akong pinapasok. Tumigil muna ako saglit sa paglalakad para tignan ang relo ko, 7:15 pa naman, may usapan kaming apat na magkita-kita sa quadrangle bago ang first class.

Habang naglalakad ako ay nakita ang iba't-ibang estudyante na naglalakad rin. Syempre, alangang gumapang sila. May mga nagkw-kwentuhan, meron ding mga naka-earphones at payapang naglalakad, 'yung iba ay nasayaw pa.

"Ibon!" Napa-tingin ako sa paligid ng may sumigaw na pamilyar ang boses. Kita ko sa 'di kalayuan si Yuna na nakaway kaya't agad akong tumakbo kung saan sila naroon.

Umupo ako sa tabi ni Jayson. May bilog na lamesa gawa sa bato at ang inuupuan namin ngayon ay gawa rin sa bato.

"Anong oras kayo nakarating?" Tanong ko sakanilang tatlo at kumuha ng tsiktsiryang naka-patong sa lamesa.

"Huuy, hindi 'yan sa'min." Hinampas ni Jayson ang kamay ko at agad ko namang binitawan 'yung junk food. Yuck.

"Kanina-kanina lang." Sagot ni Yuna habang may hinahanap sa bag nya.

"Kakayanin ko ba med?" Napa-tingin kaming tatlo kay Michael na naka-tingin sa kalawakan.

"Kakayanin ko ba political science?" Si Yuna, habang naka-tulala rin na tila ginagaya si Mike na ikinatawa ko.

Salamat, kuyas [SB19 x Reader]Where stories live. Discover now