[Y/N'S POV]
"Kasi daw music naman talaga gusto nyang aralin pero pinag-educ s'ya ng papa nya, ngayon daw pinayagan na s'ya sa wakas." Kwento ko kila kuya.Nandito kami ngayon sa hapag-kainan para kumain ng hapunan. Wala si kuya Ken at kuya Stell dahil over-time.
"So dun na s'ya mag-aaral?" Tanong ni kuya Pau habang patuloy sa pagkain, kahit hindi s'ya naka-lingon sa'kin ay sinamaan ko s'ya ng tingin.
"Nakikinig ka ba, kuya? Dun na nga daw mag-aaral si Bea." Sagot ko naman sakanya at nagpa-tuloy na rin sa pagkain.
"Bea?" Naka-kunot-noong tanong ulit ni kuya Pau. Siguro ay nag-taka dahil 'Bea' lang ang tawag ko.
"Yup. 'Wag na daw kami mag ma'am since hindi na namin s'ya teacher."
Tumango nalang si kuya at uminom ng tubig.
Maganda rin si Ma'am Bea- I mean, Bea. Shocks, hindi pa talaga ako sanay na tawagin s'ya ng walang ma'am. May katangkaran at maikli ang buhok, mas kina-ganda nya pa ang kutis nyang morena.
Napalingon ulit ako kay kuya Pau.
"Crush mo 'noh?" Nabuga ni kuya Pau ang tubig na iniinom nya sa muka ni kuya Josh na nasa harap nya kaya't napa-ngiwi ako.
"Confirmed!" Natatawang sumigaw si kuya Jah habang tinuturo si kuya Pau na nasasamid ngayon.
"Kadiri naman Pau. Oo o hindi lang naman sagot sa tanong ni Y/N, binugahan mo pa ako ng tubig." Sabi naman ni kuya Josh habang pinupunasan ang muka nya habang ako na katabi lang ng kuya konh sinasamid ay hinihimas likod nya.
"Kasi naman, anong klaseng tanong 'yun, Y/N?"
"Chill, nagtatanong lang eh."
"Hindi 'yun tanong, assume 'yun."
"Kakasabi mo lang anong klaseng tanong."
"Ewan ko sa'yo." Huling tugon ni kuya Pau at umirap. Ayan nanaman po, nagiging ate chona nanaman.
"Pikon." Bulong ni kuya Josh pero sapat na para marinig namin kaya't natawa ako habang si kuya Pau naman ay sinamaan s'ya ng tingin.
"May gagawin pa ako." Tumayo na si kuya Pau at inilagay ang pinggan sa lababo tsaka dumaretso sa kwarto nila.
"Pikon nga." Sabi ni kuya Jah nang maka-pasok si kuya Pau sa kwarto.
_
[STELL'S POV]
Napa-sandal nalang ako sa upuan ko at napa-pikit.Nakaka-pagod, nakaka-stress. Andaming paper works, andaming gagawin.
"Okay lang po kayo sir?" Tanong sa'kin ng isa kong co-worker at naka-ngiti akong tumango dito.
"Uhmm, may dinner plan po ba kayo? I mean, kung wala, uhmm, sabay po tayo mag-dinner?" Napa-upo ako ng ayos at pinagpag ang suot-suot ko.
"May dinner plan ako kasama kapatid ko eh, sorry." Nanlaki naman ang mata nya, tumango nalang s'ya at dumaretso sa table nya.
Bumalik na ako sa mga gawain ko at gustong-gusto ko na talagang umuwi, niyaya pa kasi ako ni Ken kumain sa labas, hindi ko naman matanggihan.
"Uhmm, excuse me?" Bumuntong-hininga muna ako at lumingon sa nagsasalita ng naka-ngiti pero nagulat ako, pati na din s'ya.
Shooockss, 'yung naka-banggaan ko sa mall kanina!!!
"Yes?" Tanong ko sakanya atsaka isinara ang folder. Okay Stell, be professional, be professional, 'wag mo s'yang tanungin kung bakit ang sungit nya sa'yo kanina kahit nag-sorry ka na.
"Ikaw nanaman?" Walang emosyon nyang tanong na ikinawala ng ngiti ko.
"Oo nga eh." Sagot ko at ningitian s'ya ng peke.
"I'm just gonna ask kung nasa'n si Mr. Vester, I'm supposed to meet with the boss kanina kaso tinapunan mo ng coffee damit ko kaya kay Mr. Vester Santos nalang daw ako makipag-meet since s'ya available this eve." Mahaba nyang explanation at halos humikab na ako.
Nakalimutan ko, may sinabi nga pala si boss na kailangan kong interview-hin, buti nalang at dumating s'ya bago ako maka-uwi.
Pero, teka. S'ya 'yun?!?! S'ya 'yung i-interview-hin ko?!
"Siguro ako 'yung Vester na hinahanap mo." Nanlaki ang mata nya at napa-titig sa'kin.
"As ing, Stellvester Santos?" She asked once again, pumikit ako at huminga ng malalim.
"Yes. I'am Mr. Stellvester Santos so please take a seat para maka-uwi na ako." Agad s'yang umupo at inabot sa'kin ang folder which I assume is resumé nya.
Natapos rin kami sa madaling oras. Well, hindi naman ako ang magde-decide kung makaka-pasok s'ya o hindi pero ako pinag-interview ni boss so, anong magagawa ko?
Her name is Mianne, itim ang kanyang mga mata at maikli ang kulot nyang buhok. Honestly, she caught my attention.
"Hoy!" Nabalik ako sa sarili ng bigla akong tapikin ni Ken.
"Lalim ng iniisip natin ah." Naka-ngisi nyang sabi at nagpa-tuloy sa pagkain.
"Baliw." Sambit ko at napa-ngiwi sakanya.
"May girlfriend ka na 'no?" Pang-aasar nya sa'kin at agad akong napa-iling.
"Wala ah, ikaw ba. Mukang mauunahan mo pa si kuya ha?" Natatawa kong tanong sakanya habang pinupunasan bibig ko.
"Wala, pero may nagugustuhan." Napa-tigil ako sa ginagawa ko at napa-tingin sakanya na parang walang sinabi dahil patuloy parin s'ya sa pagkain.
"Pangalan?"
"Azir."
"Weird name."
"Mas weird ka."
"Weird name for weird guy."
"Maka-weird ka naman."
"Sa'n mo nakilala?"
"Sa tabi-tabi lang."
"Seryoso?"
"Hindi."
"Ken."
"Hehe, anak ng boss ko."
"Trabaho?"
"Doctor."
"Ay wala kang pag-asa."
Binato ako ng tissue ni Ken at natawa nalang ako.
"Joke lang. Ligawan mo na, baka maunahan ka pa." Pag-bawi ko sa sinabi ko, iniripan nalang ako ni Ken.
"Anong pasalubong kaya gusto ni Y/N?" Tanong ko kay Ken para maiba naman ang usapan.
"Donuts?"
"Hindi naman 'yun mahikig sa donuts."
"Sabi nya sa'kin favorite nya raw 'yun."
Naka-kunot ang noo kaming napa-tingin sa isa't-isa at maya-maya pa ay napag-pasyahan na donut nalang ang i-pasalubong kay Y/N.
YOU ARE READING
Salamat, kuyas [SB19 x Reader]
FanfictionY/N grew up without parents but hey, her life is almost perfect with her five older loving brothers. In the road of life full of bumps, rocks, and obstacles, her brothers joined her inside the car. A SB19 fanfiction. [Aurum High Series #1]