Chapter 48 | Greetings

465 20 0
                                    

[Y/N'S POV]
"Ang aga-aga, picnic grove." Reklamo ko kila kuya habang paakyat kami. Sa picnic grove daw kami mag-breakfast, huhu, 7 AM palang!

"Dami mong reklamo, kung 'di mo lang birthday bukas. Hmmmp!" Nanggigigil na sambit ni kuya Pau at pabirong akmang hahampasin sana ako kaya napa-tawa nalang ako.

Dahil sa biglaang aya nila kuya ay nag-ribbed top lang ako, ginawa kong blazer 'yung flannel shirt dahil ang lamig dito, at sweatpants.

"Ayun oh, walang tao." Turo ni kuya Stell sa isang cottage na parang kubo kaya tumakbo kaming lahat dahil baka maunahan pa kami.

Nag-settle muna kami at nilanghap ang sariwang hangin 'tas sila kuya naman inaayos 'yung kakainin namin.

"Bunso, smile!" Tawag sa'kin ni kuya Jah at agad akong napa-tingin sakanya, biglang nag-flash 'yung camera na hawak n'ya kaya napa-pikit ako.

"Hooyy, ang panget ko d'yan kuyaaa." Inaagaw ko kay kuya 'yung camera pero tawa lang s'ya ng tawa.

"Anlamig dito." Sabi ni kuya Josh habang yakap-yakap sarili kaya ayun, niyakap s'ya ni kuya Stell.

"Yuuuck, lumayo ka sa'kin." Dagdag n'ya pa kaya mas lalong hinigpitan ni kuya Stell yakap n'ya at napa-tawa nalang s'ya.

"Bunso, picture-an mo ako, bilis!" Agad na inabot ni kuya Ken phone n'ya sa'kin kaya hindi na ako naka-tanggi at tumayo nalang din.

Pumunta s'ya sa may magandang view at nag-pose pa na naka-pamulsa 'tas naka-look up, pero may na-isip ako na kalokohan, hehe.

"Gwapo mo kuya, oh." Inilahad ko ang phone kay kuya Ken at excited n'ya iyun kinuha pero napa-simangot din.

"Wow, ang panget." Sabi n'ya ng makita n'ya selfie ko, suminghal nalang ako at pabiro s'yang sinuntok sa dibdib.

"Eto na talaga." Kinuha ko ulit 'yung phone at pinicture-an na nang maayos si kuya.

"Tayong lahat, bilis." Yaya ko pa kila kuya, agad silang tumayo at dala-dala ni kuya Pau 'yung selfie stick.

"1... 2... 3..." Sabay click ni kuya Pau sa monopad.

Umupo na kami ng ayos at nag-simulang kumain ng breakfast, pancakes at cupcakes dala nila kuya, hindi ko alam kung sa'n nila 'to nabili.

Sa hapon naman, kung saan saan lang kami pumunta. Andaming magagandang tanawin dito sa tagaytay. Tapos muntikan pa kami maligaw! Buti medyo pamilyar si kuya Ken sa daan dahil minsan daw may project sila na ginagawa dito.

Nung dinner, nag-dinner lang kami sa isang kaininan. Hindi classy pero hindi rin naman madumi. Na-miss ko tuloy lutong-bahay ni kuya Stell, iba pa rin talaga feeling nang nasa sarili mong bahay, 'noh?

11 PM na dahil ang bilis ng agos ng oras, nasa iisang kwarto lang kami ngayon nila kuya habang nanonood ng movie, sasalubungin daw birthday ko. Si kuya Pau kausap girlfriend n'ya sa phone 'tas si kuya Ken as usual, naka-tutok sa phone habang naka-ngiti.

"Gagi! HAHAHAHAHAHAHAHAHHAA laugh trip!" Natatawang sabi ni kuya Ken habang pinagha-hampas ako kaya napa-tingin lahat ng kuya ko sakanya.

Hindi naman s'ya sa pinapanood namin natatawa eh, sa kung anong nasa phone n'ya.

Ngayon naman, kami natatawa sa movie 'tas si kuya Ken seryoso lang, may nabasa atang kung ano na naka-durog sa phone n'ya.

Nagulat ako ng bigla nalang mag-black 'yung tv.

"Halaa, nasira ba natin?" Nag-aalala kong tanong kila kuya na ikinatawa nila, pa'no ba naman, kanina pa naka-bukas 'yung tv.

Nagulat ako ng biglang may kumantang happy birthday sa screen pero black parin ito, tumingin ako kila kuya na naka-tingin rin sa'kin na parang inosente sila sa nangyayari.

Salamat, kuyas [SB19 x Reader]Where stories live. Discover now