[PABLO'S POV]
"Kamusta first day ng bunso namin?" Tanong ko kay Y/N habang nasa kotse. Nag-abang ako nang sagot nya pero wala akong narinig."Y/N?" Tawag ko ulit sakanya. Hininto ko muna ang kotse at tumingin sa back seat. At ayun, tulog nga.
Napa-iling-iling nalang ako habang natawa, nakaka-pagod talaga siguro pag first day.
Tanda ko pa nung collage ako, wala akong maka-usap sa paligid eh. Buti nga nandun parin mga kaibigan nya.
Bumaba muna ako saglit at inayos ang higa nya, pinang-kumot ko rin sakanya 'yung jacket na suot ko, anlamig ng katawan eh.
Sumakay na ulit ako at nagsimulang mag-drive, medyo hininaan ko rin 'yung aircon para hindi s'ya masyadong lamigin.
Nagd-drive lang ako nang may biglang tumawag, sinagot ko iyon dahil naka-bluetooth earphones naman ako.
"Yes?" Sagot ko dito.
{Omg Pau, I had a fun first day.}Sabi nya naman sa kabilang linya. Si Bea, kahit umalis ako sa school nila ay naging close parin kami.
"Really? That's nice. Hindi ko pa matanong si Y/N kung kamusta first day eh, she's sleeping." Ani ko sa telepono habang naka-ngiti.
{Napagod ata sa improv class.} Natatawa nya namang sabi.
"Improv class?" I asked. Never heard of that.
{Yuuuhh, parang on the spot acting ganun, for her minor subject theatre.} She explained, napa-tango naman ako at lumiko sa daanan.
{Anyways, nasa daan ka ata. Drive well.} Sabi nya at hindi na ako nakapag-paalam dahil binaba nya agad ang telepono. Nagkibit-balikat nalang ako sa sarili ko at pumunta munang drive-thru ng Jollibee.
Um-order ako ng float at fries para kay Y/N at hamburger naman para sa'kin, she has this weird food combination na isasawsaw sa ice cream ang fries which I admit it tastes nice.
Hindi nagtagal at naka-rating narin kami sa bahay, pinark ko si Kinse sa loob ng gate at lumabas dala-dala ang in-order ko, phone, at susi ng kotse.
"Bunso, wake up." Dahan-dahan kong tinapik si Y/N at nag-mulat naman agad s'ya ng mata.
"Nandito na agad tayo?" She asked while laughing.
"Yeah, naka-tulog ka sa byahe." Sagot ko naman. Kinuha nya ang backpack nya at ang jacket ko tsaka lumabas narin.
"Here. For you, and for your successful first day." Naka-ngiti kong sambit sakanya atsaka binigay ang float at fries, tinanggap n'ya naman ito ng halatang masaya since abot-tenga ang ngiti.
"Thank you kuya! Nakaka-pagod improv class at ice breaker namin, daming physical something na ganap." Sabi nya atsaka sumipsip sa float.
"Yea, I heard it from Bea." I said and opened the door.
"Talaga? Sinabi agad sa'yo ni ate Bea?"
"Yup. She called earlier sa car, while you were sleeping."
"Maganda 'yang k-drama na 'yan." Kumunot naman ang noo ko sa sinabi nya. Anong k-drama? I mean, I know it's a korean-novela haa, but what does she mean by magandang k-drama? Sinasabi nya bang parang k-drama 'yung kwinento ko dahil tumawag sa'kin si Bea?
"Sabi ko sa'yo, walang something sa'min ni Bea. K-drama ka d'yan." Napalatak kong sabi habang umupo sa sofa habang nasa kusina naman s'ya.
"Huh? May k-drama kasi na title while you were sleeping. Eto naman, defensive agad." Natatawa nyang sabi at agad akong nahiya. Shocks. Parang ang defensive ko ba?
YOU ARE READING
Salamat, kuyas [SB19 x Reader]
FanfictionY/N grew up without parents but hey, her life is almost perfect with her five older loving brothers. In the road of life full of bumps, rocks, and obstacles, her brothers joined her inside the car. A SB19 fanfiction. [Aurum High Series #1]