Chapter 41 | Not so surprised

443 19 1
                                    

[Y/N'S POV]
Eto na ata ang pinaka-nakakapagod na linggo. Andaming surprises, andaming naganap.

May nililigawan si kuya Ken, nagkaron ng girlfriend si Mike- na si Elys na dati ko pa kina-iinisan, nakita na ni kuya Jah 'yung taong na-love at first sight s'ya.

Lord, when kaya?

Joke lang po, hehe.

Na-istorbo ang pag-iisip ko ng kung ano-ano nang may kumatok sa pinto ko, tinignan ko ito pero hindi naman bumukas.

"Pasok!" Sigaw ko. Nakakatamad kaya tumayo pa para lang pag-buksan 'yung pinto, sila na nga na-katok eh.

Nakita ko si kuya Stell at sumenyas na lumpait ako sakanya. In-off ko muna phone ko at sumunod sakanya.

"Padating na s'ya." Sabi ni kuya Stell at dali-daling inayos 'yung mga decoration sa salas. Napa-ngiti at napa-iling nalang ako sa sobrang pagmamadali nila.

"Ay gag-" Hindi natuloy ni kuya Josh sasabihin n'ya ng biglang bumukas 'yung pinto.

Wala na akong magawa at tumawa nalang ng pagka-lakas-lakas, kasabay ng tawa ni kuya Ken.

"Wala na!" Itinapon ni kuya Jah ang balloon na hawak-hawak n'ya at nag-pout. Patuloy parin ako sa pag-tawa habang si kuya Pau na nasa pinto ay naka-ngiti habang iiling-iling.

"Surprise surprise pa kayo, ha." Natatawang sabi ni kuya Pau at sinipa ang balloon na naka-kalat sa harap ng pinto.

"Kasi! Sabi mo twenty-minutes pa!" Pagmama-takol ni kuya Stell kay kuya Josh at pinutol sakanya 'yung party popper kaya't napa-takip din ako ng tenga.

"Ang kalat! Kayo maglilinis, ha!" Sigaw ni kuya Ken habang natawa.

"Okay... 1, 2, 3..." Pag-bilang ni kuya Stell at lagat kami ay pumila ng tuwid sa harap ni kuya Pau.

"Happy birthday kuya Pau!" Sabay-sabay naming sigaw dahilan para maging emosyonal si kuya.

"Hala, pina-iyak natin!" Sarkastiko kong sabi at nag-kunwari rin akong naiyak.

"'Wag ka nang umiyak~ sa mundong pabago-bago~" Pag-kanta ni kuya Stell kaya't lahat kami ay natawa.

"Happy birthday, bro! Ang tanda mo na." Bati naman ni kuya Josh habang natatawang tinapik balikat ni kuya Pau

"Hoy! Mas matanda ka parin." Tugon naman si kuya Pau habang natawa.

"Actually, hindi lang kayo ang may surprise." Napa-kunot ang noo namin sa sinambit ni kuya Pau at kita pa naming sumilip s'ya sa labas at parang may sine-senyasan na pumasok.

"Guys. Girlfriend ko."
_
"So anong nagustuhan mo sa bugnutin na 'yan?" Tanong ni kuya Stell kay ate Bea.

Yes, si ate Bea! 'Yung dating teacher ko! Kahit ako gulat na gulat kahit alam ko nanamang gusto nila isa't-isa.

Inirapan s'ya ni kuya Pau at kumagat sa hotdog-on-stick n'ya habang si ate Bea naman ay natawa.

Ang ganda ng suot n'ya! Naka-simpleng white na dress lang s'ya, para s'yang anghel!

"Pagiging bugnutin n'ya." Simpleng sagot ni ate Bea at nag-patuloy sa pag-kain habang kami namang lahat at napa-awanh ang labi.

Tinignan ko naman si kuya Pau at halatang-halata na kinikilig s'ya.

Smooth naman nun!

Bigla naman akong napa-seryoso ng maalala ko 'yung sinabi ko kila kuya Ken at kuya Jah noon.

"Ahhh, kung ganun... Edi uunahan ko nalang kayo mag-asawa."

Halos lahat ng mga kuya ko ay parang nahanap na love life nila.

Kailangan ko na bang mag-asawa?

Mabilis dumaloy ang oras at 9:00 PM na. Nasa kanya-kanyang kwarto na kami since kailangan naming maaga matulog dahil may mga pasok pa kami bukas.

Pero hindi pa ako dina-dapuan ng antok.

Lumabas muna ako sa kwarto ko at dahan-dahang sumilip sa kwarto nila kuya Stell, Pau, at Josh. Ang akala ko ay tulog na sila pero hising pa si kuya Pau kaya naman napa-tingin s'ya sa'kin.

Dahan-dahan akong pumasok since tulog na ang dalawa kong kuya, inalayan ako ni kuya Pau umakyat sa double-deck na kama nila since madilim.

"Yes? Ba't 'di ka pa natutulog?" Tanong n'ya sa'kin at isinara ang phone n'ya. Kesa sagutin ko s'ya ay niyakap ko na lamang s'ya.

"Happy birthday kuya." Sambit ko at sumandal sa dibdib n'ya, rinig ko namang bahagya s'yang natawa.

"Thank you bunso." Sabi n'ya at niyakap ako pabalik.

"Ako parin ba baby mo?" Hinimas ni kuya ang buhok ko at natawa.

Hindi ko maiwasang hindi 'yun maisip! Pa'no kung mawalan na s'ya ng time sa'kin.

"Syempre naman 'noh. Forever." Inangat n'ya ang ulo ko atsaka ako hinalikan sa noo. Hindi ko namang maiwang mapa-ngiti.

Salamat, kuyas [SB19 x Reader]Where stories live. Discover now