Chapter 05 | Arcade with kuyas

1.1K 34 4
                                    

[Y/N'S POV]
"Kuya, du'n na tayo!!" Pang-aaya ko kila kuya Josh at Ken na naglalaro sa loob nang arcade nang baril-barilan.

"Last round nalang bunso." Sabi ni kuya Josh habang hinuhulugan nang barya yung laro.

"Wala ka pala sa'kin kuya Josh eh. Bwahahahaha." Sambit naman ni kuya Ken habang tumawa nang parang loko dahil natalo nya si kuya Josh.

Sinamaan ko silang dalawa nang tingin at kinuha yung isa pang baril na available tsaka hinulugan ito nang barya.

"Tingin-tingin nyo d'yan. Ano, kayo lang pwedeng mag-laro?" Sabi ko at kinasa yung baril na gagamitin ko pang-laro.

"Opo, kami lang po." Napa-kagat labi ako sa sinabi ni kuya Josh.

"Tss. Pag po ako ako nanalo sasakay po talaga tayong roller coaster ah." Nanlaki ang mata ni kuya Ken sa sinabi ko at maya-maya pa ay nagsimula na ang laro.

"Pa'no ba 'yan mga kuya ko." Sabi ko at binaba ang baril. Well, ako lang naman nanalo sa laban namin.

"Uhhh, biglang sumama pakiramdam ko." Magwo-walkout na sana si kuya Ken pero hinila ko silang dalawa sa braso at tumakbo kami papuntang roller coaster.

"Ako sa gitna ha." Sabi ni kuya Ken na halatang namumutla.

"Hoy! Si Y/N sa gitna." Pagma-matigas naman ni kuya Josh kaya't napa-tawa ako.

"Hayaan mo muna sa gitna si KEN, kuya Josh. Ako muna ate nyan." Ningitian ko si kuya Ken habang s'ya naman ay masama ang tingin sa'kin.

"Pa'no pag bigla tayong tumalsik?" Napatawa kaming pareho ni kuya Josh sa sinabi ni kuya Ken. Pffft, a-angas-angas pa 'tong si kuya Ken pero ang cute matakot.

"Boang." Napa-ngiwi lang si kuya Josh at napa-bugtong hininga si kuya Ken bago mag-simula yung ride.

[KEN'S POV]
Tapos na yung pag-sakay namin sa roller coaster. Thank God at hindi kami tumalsik. Cool naman yung mga roller coaster ride na napapanood ko sa fb pero nakaka-hilo talaga.

"Kuya Ken, okay ka lang?" Tanong sa'kin ni Y/N habang hinihipo ang noo ko at agad naman akong tumango nang biglang tumawag sila kuya Pau.

{Ken, asa'n kayo ni Y/N? Ba't wala kayo sa bahay?} Nag-aalalang tanong nito sa kabilang linya.

"Andito kami sa peryahan kasama si kuya Josh." Hinihingal kong sabi.

{Okay ka lang?}

"Nag-roller coaster lang naman kami. Okay lang." Narinig ata ni Y/N ang pag-uusap namin kaya't sumigaw s'ya.

"Kuya, punta kayo dito!!!" Natawa naman si kuya Pau sa kabilang linya.

"Pupunta na daw silang tatlo." Sabi ko kay Y/N at binaba ang telepono.

Habang naglalakad kami ay may nadaanan kaming nagbebenta nang cotton candy.

"Y/N, gusto mo?" Tanong ni kuya Josh kay Y/N. "Ako, gusto ko!" Sabi ko naman kay kuya.

"Libre ko nalang kayo mga kuya ko." Sabi naman ni Y/N habang nilalabas ang wallet nya.

"Aba, may pera ka?" Tumingin si kuya Josh sa wallet ni Y/N at kita nito ang mga bente-bente-daang pera na dala n'ya.

"May allowance mga top students sa school ko, remembrance? Kuya ko tumatanda na, ulyanin talaga."

"Baka naman hindi ka na nakain para lang makapag-ipon ha." Sabi ko habang nabili s'ya nang cotton candy nang makita na kami nila kuya Stell dahil malapit lang sa entrance binibilhan namin.

"Ako rin." Sabi ni Jah habang natakbo papalapit sa'min.

"Kuya Stell, kuya Pau, gusto nyo din?" Tanong ni Y/N kay kuya Stell at kuya Pau. Si kuya Stell ay tumango at si kuya Pau naman ay tumanggi.

Salamat, kuyas [SB19 x Reader]Where stories live. Discover now