Chapter 09 | Confine

923 34 9
                                    

[JUSTIN'S POV]
Pagka-tapos kong i-presenta yung art ko ay napuno ang paligid nang malalakas na palakpakan at naririnig ko pang sumisigaw si Y/N nang "kuya ko 'yan" kaya naman napa-ngiti ako.

Nang pababa na ako sa stage ay yayakapin ko sana si Y/N ngunit nabigla ako nang nawalan s'ya nang malay. Mabuti nalang at nasalo kaagad ito nang lalaki nyang kaibigan.

Inuuga-uga s'ya nang dalawa nyang kaibigan at agad naman akong lumapit papunta sa kanila. Kinuha ko s'ya mula kay 'michael' at hinipo ang kanyang noo pero wala naman s'yang lagnat.

"Hala, ano nangyari?" Lumapit sa'min ang teacher nya. Alam kong teacher nya ito since minsan ako na-attend sa card giving nila.

"Bigla nalang po s'yang nahimatay." Sabi nang kaibigan nyang babae sa guro nila.

"Sa ospital natin s'ya dalhin, 'wag sa clinic." Nag-aalalang sabi nang teacher nya.

"Ako na po magdadala sakanya, kuya nya po ako." Tumango-tango lang si ma'am at agad kong binuhat si Y/N tsaka tumakbo, mabuti nalang at ilang lakad lang ang layo nang pinaka-malapit na ospital sa school nila kaya tinakbo ko nalang s'ya at baka mas matagalan pa pag magtawag nang ambulansya.

Nang maka-rating kami sa ospital ay agad inasikaso nang mga doctor si Y/N habang ako naman ay nanginginig sa kaba.

Agad kong chinat sila kuya na nasa ospital si Y/N para naman alam nila except kay kuya Josh. Tinanong ko kasi yung nurse kung asan si kuya Josh at may operation daw kaya pinaki-usapan ko nalang na after nang operation nya sabihin.
_
"Jah! Anong nangyari?" Sabay-sabay na sabi nila kuya Stell, kuya Ken, at kuya Pau pagka-pasok na pagka-pasok sa kwarto ni Y/N.

"Hindi ko rin alam. Bigla na lang s'yang nahimatay sa school." Pagpapa-liwanag ko sakanila habang hawak-hawak ang kamay ni Y/N.

"Nasa school ka nya?" Nagtatakang tanong ni kuya Ken at tumango lang ako. "May event kasi sa school nila, at may mga ilang students lang galing sa school namin ang invited. Wala pa nga palang sinasabi yung mga doctor kung bakit s'ya nahimatay."

Tumango-tango lang sila kuya sa sinabi ko nang may biglang kumatok sa kwarto at pinag-buksan ito ni kuya Pau.

"Hello po, pwede po naming makita si Y/N?" Tanong ng isang babae kasama ang isa pang lalaki at kumunot naman ang noo nang tatlo kong kuya.

"Kayo 'yung mga kaibigan ni Y/N, 'diba? Pasok kayo." Sabi ko sakanila ng naka-ngiti at agad naman silang nag-thank you.

Umupo yung babae sa kama ni Y/N habang yung kilala ko namang Michael kuno ay na-upo sa upuan katabi ng hospital bed.

"Ahh, kayo ba si Yuna at Michael?" Tanong ni kuya Stell at napa-tango naman silang dalawa.

"Andami sa'king kwento ni Y/N tungkol sainyo, lagi nyo raw s'yang binabantayan. Thank you ha?" Sabi nya pa at napa-ngiti naman sila.

"Ba't sa'yo lang sila kwinento ni Y/N?" Tampu-tampuhang tanong ni kuya Pau kaya't napa-tawa kaming lahat.

Bigla namang pumasok si kuya Josh na halatang nagmadali dahil naka-suot pa s'ya nang scrubs.

"Baby ko." Dahan-dahang lumapit si kuya Josh kay Y/N at agad na tumayo ang dalawa nyang kaibigan. Hindi ko naman mapigilang matawa. Pfftt, para namang sumakabilang-buhay si Y/N sa reaksyon ni kuya Josh.

"Wala pa bang result yung mga test nya? Sino yung doctor na nag-asikaso sakanya kanina para mahingi ko na." Sabi sa'min ni kuya Josh nang bigla kong nakita na nagmu-mulat na si Y/N ng mata.

"Bunso." Sabay-sabay kaming lima na lumapit kay Y/N at kita ko naman parang natatawa yung dalawa nyang kaibigan. I mean, sinong hindi matatawa, eh parang scripted sasabihin namin dahil sabay-sabay kami.

Salamat, kuyas [SB19 x Reader]Where stories live. Discover now