Chapter 18 | Sermon & practice

707 29 5
                                    

[Y/N'S POV]
"Eh bakit hindi mo sinabunutan pabalik?" Tanong ni kuya Ken na medyo malakas ang boses pero hindi naman galit.

Pinag-uusapan namin 'yung nangyari kanina. Si kuya Pau kasi chismoso at sinabi pa sa iba kong kuya.

"Gusto mo ba akong ma-guidance kuya?" Pagbalik ko nang tanong habang naka-krus ang aking mga braso.

"Eh ba't mo hinayaang sampalin ka?" Sabat ni kuya Stell na nagbe-bake ngayon sa kusina.

"Kuyaaa, hindi ko nga alam na sasampalin ako. Kung alam ko lang edi sana napigilan ko agad s'ya 'diba???"

"Dapat sinampal mo pabalik 'yun eh." Pinanlakihan ko ng mata si kuya Josh na walang reaksyon sa sinabi nya, naka-tutok pa nga sa phone.

"Sabi nyo 'wag akong mamisikal kahit kailan."

"It's a prank!!!" Natatawang sabi ni kuya Jah kaya natawa nalang din kami ni kuya Ken.

"Kung nandun lang ako bilang kuya mo, baka kung ano magawa ko dun sa babaeng 'yun." Sabat pa ni kuya Pau na nasa kusina rin, nakain ng hotdog.

"Kumalma nga po kayo, buhay pa naman ako." Sabi ko sakanila at kinuha na ang phone ko't saktong may nag-message.

Tropang ewan???

Mike test mike check:
Hindi pumayag si sir makipag-palit ng partner:<

Y/N no.11 sa balota for pres:
Kawawang nilalang. Buti nalang si Jayson partner ko:))

Yuna mabangis:
Ayaw ko ng partner ko pero better narin kesa kay Elys, bleh 😛

Jayson Tangkad:
Tuwing recess at lunch practice 'no?

Y/N no.11 sa balota for pres:
May the best couple wins 😉

Mike test mike check:
Couple?!?! Couple?!??!! Kung couple kami ni Elys edi nasa toxic relationship ako!!

Yuna mabangis:
Sigurado namang aakalain na ni Elys na couple kayo after.

Jayson Tangkad:
Maagaw ka na nya kay y/n.

Y/N no.11 sa balota for pres:
Sige lang, hindi naman 'yan akin >___<

"Bunso!" Binitawan ko ang phone ko at pumunta kay kuya Stell.

"Yess, Mr. Sweet Baker?" Tumawa si kuya Stell at nilagyan ng icing muka ko.

"Kuya!"

"HAHAHA. Tikman mo binake ko." Kinuha ko 'yung cupcake atsaka isinalaksak sa bibig ko.

"Mmmm sharap." Sabi ko habang natango-tango at nag-thumbs up kay kuya Stell.

"Penge rin!" Lumapit si kuya Ken at kahit hindi pa umo-oo si kuya Stell ay kumuha na s'ya.

"Ang tabang naman." Sabi ni kuya Ken ng sinubo nya ang buong cupcake at sinamaan s'ya ng tingin ni kuya Stell kaya't natawa nalang ako.

"Huwang kang kumain." Inagaw ni kuya Stell 'yung isa pang cupcake na kinuha ni kuya Ken at nang tumingin s'ya sa'kin ay nag-pout lang ako.

"Kuya, ballroom dancing pala next activity namin sa p.e. Kami dapat gagawa ng choreo mag-partner. Turuan mo ako." Umupo ako sa may countertap na pinagbe-bake-an ni kuya Stell.

"Sino partner mo?" Tanong ni kuya Pau na naka-taas ang kilay.

"Si Jayson. Na-meet na 'yun ni kuya Jah."

"Ahh, oo. 'Yung kasama nyong tatlo 'diba? Approve ko 'yun." Nag-salubong ang kolay ko kay kuya Jah na nagsasalita at naka-ngiti pang naka-thumbs up.

"Anong approve ka d'yan?" Tumawa lang si kuya Jah at umiling-iling.

"Osige ganto una." Hinubad ni kuya Stell ang apron nya atsaka tinuruan ako nang mga pwede naming maging step.
_
"Diba tak tak tak 'tas ganun. Ganun ba? Pwede na ba 'yun?" Natawa lang si Jayson sa sinabi ko at sinamaan ko s'ya ng tingin.

Lunch na namin at nagpr-practice kaming lahat para sa activity namin sa p.e. Nakapili na rin kami ng kanta ni Jayson at ngayon ay gagawan nalang namin ng steps.

"Mas maganda kung ganto, 'tas ganyan." Sabi nya at hinawakan ang kamay ko tsaka ako inikot, napa-pikit ako nang muntik akong mahulog pero nasalo agad ako ni Jayson kaya idinilat ko ang isa kong mata bago umayos ng tayo.

"Ayos ba? Hindi ako marunong gumawa ng choreo ihh." Kamot-batok na sabi ni Jayson kaya napa-tawa ako nang mahina at ginulo ang buhok nya.

"Ayos na ayos. Pwede ka na maging choreographer." Parehas kaming tumawa at nag-pasya na mag-pahinga muna kaya pinatay muna namin ang tugtog na naka-connect sa speaker at umupo sa bench para uminom ng tubig.

"Y/N." Napa-ikot ang mata ko sa narinig kong tumawag ng pangalan ko. Humarap ako kay Elys na may pekeng ngiti at kitang naka-pulubot ang kamay nya sa braso ni Michael na halatang napilitan lang.

"Peram muna ng kaibigan mo ha." Naka-ngiti nyang sabi at in-emphasize pa nga 'yung word na 'kaibigan'.

"Huwang mong masyadong kawawain kaibigan ko ha, madami pa 'yang pangarap sa buhay." Tumayo ako at tinapik ang braso nya tsaka si sinenyasan si Jayson na tumatawa na mag-practice na kami.

Salamat, kuyas [SB19 x Reader]Where stories live. Discover now