-------/ 26th Boundary /------

211 11 0
                                    

---/ Paul's POV /---

Matapos ng araw na yun ah hinanda ko na ang sarili. Tumitingin ako ng mga horror na pictures. Pero pagkatingin ko pa lang ay agad ko ng binabato ito sa basurahan. Sinubukan ko ding magbasa ng mga horror stories mula sa mga dyaryo o mga libro sa library pero nasa intro pa lang ay agad ko ng sinasara ito. Hindi ko talaga kaya. Hanggang sa dumating ang Sabado. Maaga akong nagising at naligo. Pumunta ako sa walk-in closet ko at pumili ng damit. Sandali, normal na mall ang pupuntahan ko at hindi tulad ng mga pinupuntahan ko kaya dapat yung normal lang. Namili ako ng long sleeves na polo. Pero agad ko ding binalik dahil hindi pwede. Mainit panigurado. Namili pa ako ng namili. Hanggang sa nakita ko yung puting polo shirt. Nagmaong lang ako at simpleng rubber shoes. Mukha na akong normal nito. Inayos ko na ang sarili ko at agad na kinuha ang wallet ko. Nang masiguro kong okay na ako ay naglagay na ako ng pabango at bumaba na. Pagkababa ko ay nag-aalmusal na sina Mom at Dad. Nagulat pa sila ng makita ako. Usually kasi tulog pa ako o kaya maaga akong aalis dahil may ka meeting ako.

"O Hijo, good morning. Ang aga mo ata. Saka may lakad ka ba ngayon?" Tanong agad sa akin ni Mom pagkahalik ko sa pisngi. Si Dad naman ay busy sa pagbabasa ng dyaryo.

"Good morning Mom. Yes, I'll go out to watch movie." Sabi ko at kumain agad.

"Oh. With whom son? Your girlfriend?" Excited na tanong nito.

"No Mom. With Kurt and Ms. Rogacion and her bestfriend. So it's gonna be the four of us."

"Ohhh...is her bestfriend a girl?" Tanong ulit nito at well Diane ang name so surely na girl yun. Tumango lang ako dito. "Really, then it's like a  double date, am I right?" Nangnining pa ang mga mata nito.

"No Mom. Just hanging out."

Nagpout ito. "Son, get yourself a girl now. So that you can get marry and we'll have our grandchildren. You see, I'm so excited to be a grandmother. And besides, you're not getting any younger." Mahabang sabi nito. Napabuntong hininga lang ako.

"Mom, I'm still young. Besides I want to take my time in my bachelorhood. I still don't meet her. If she ever came,then be it."

"You don't meet her yet or maybe she's just around you and your just being oblivious?" Tanong sa akin  nito. Napakunot ang noo. Hindi ko alam ang isasagot ko kaya ng makita ko ang orasan ay agad ako inubos ang kape ko at tumayo na.

"I'll go ahead. Bye Mom. Bye Dad." Paalam ko sa kanila. Nasa labas na si Mang Kardo at hinihintay ako. Nang nasa parking lot na kami ay saka naman dumating si Kurt. Tama nga ang sinabi ni Ms. Rogacion na nakaferrari si Kurt. Maganda ang sasakyan ng kumag.

"O Pare. Kanina ka pa? Tara na. Medyo late na tayo. Ayaw pa naman ni Diane ang late. " sabi ni Kurt at pumasok na kami sa mall. Napag-usapan naman namin kung saan kami mahkikita. At dahil ito ang unang beses ko dito, mabuti na lang at nagkasabay kami ni Kurt.

Hinahanap na namin ngayon sila. Ang dami ding tao marahil dahil Sabado ngayon. Maya-maya lang ay nakita na din ni Kurt sina Ms. Rogacion. Agad namin nilapitan ito. Nagkamustahan agad sila pero yung isang babae ay agad na tinarayan si Kurt. Ohhh...this is new. Lahat ng babae na lumalapit kay Kurt ay todo pacute. Pero dito parang wala lang. At mukhang talo si Kurt dito. Ehhhh... Mukhang nakalimutan nila na nandito ako kaya pasimple akong tumikhim. Agad naman napansin ito ni Ms. Rogacion. Ipinakilala niya ako sa bestfriend niya na si Diane.

Beyond the boundary (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon