-------/ 33rd Boundary /------

206 14 0
                                    


--/ Mean's POV /--


"HOY! AT SINO KA NAMAN HA?"


"ANONG GINAGAWA MO DITO HA?"


"SINO KA NAMAN HA?"


"Hoy! Ano ba kayo? Kailangan talaga sa bawat dulo ng salita niyo puro ha!" Asar na sabi ko sa mga ito.


"Uhmm...Mean, may I ask you, who are they?" Mahinang tanong sa akin ni Sir Paul.


"Ahh...sila po ay-" di ko na natapos ang sasabihin ko ng sumingit sila.


"MGA KAPATID NIYA KAMI!" sabay-sabay na sabi ng mga ito.


"Kapatid?" guLat na sabi ni Sir Paul. Mukhang nagulat taLaga ito dahiL napatagaLog na ito. Nahilamos ko ang kanang palad ko sa mukha ko.


"OO. At sino ka ba?" sabi ng isang lalaki. Pero dahil matangkad si Sir Paul ay hanggang dibdib lamang ito. "Tsk. Totoy, ikuha mo nga ako ng upuan." utos nito sa isang lalaki. Agad naman tumalima ito. Nang makuha na ay agad itong kinuha at doon tumuntong. Ngayon ay halos pantay na sila. "At sino kang LaLaki ka at may pahatid hatid ka pa sa bunso namin?" Tanong pa nito. Tapos tumingin sa akin. "Baby, sa kanya ba galing yang mga bulaklak?"


"Ahh...oo Kuya Nonoy." Sagot ko dito. "Saka-" sasabihin ko sana na kay Kurt pa yung isa pero humarap agad ito kay Sir Paul. "Aba at may bulaklak pa. Sabihin mo nga, manliligaw ka ba ni Baby ha?"


"Sagot!" Sabi pa ni 'totoy'. Tumatango tango naman yung isa pa.



Tinignan ko si Sir Paul at nakita kong lumunok muna ito. Sasagot na sana ito ng biglang may bumatok kay Kuya Nonoy.



"Hoy Nonoy! Ano ba itong pinaggagawa mo dyan sa boss ng kapatid mo? Bumaba ka nga dyan at ang laki niyong harang sa daan." Biglang pakita ni Nanay. Humarap naman ito kay Sir Paul. "Naku Paul, pasensya ka na sa nga ito ha. Halika at tumukoy ka muna. Naghanda ako ngayon at kaarawan ng aming bunso." Anyaya naman ng Nanay ko kay Sir Paul. Inaya na rin namin si mang Cardo at nagpaunlak naman ito. Pumasok na kami sa loob. Katabi ko ngayon si Sir Paul sa sofa. Habang ang mga kapatid kong mga lalaki ay tinatapunan ng masamang tingin si Sir Paul.


"Siya nga pala Paul, ito ang mga anak ko. Sina Nonoy, Boy, Totoy. Yung isa ay nasa probinsya namin, si Rey." Pakilala naman ng Tatay ko sa mga kapatid ko kay Sir Paul. Nakipagkamayan naman ang mga ito pero masama pa rin ang tingin.



"Nice to meet you. I'm Paul. Paul Sergio Agapito. Your sister's boss." Pakilala lang ni Sir sa kanila. Nagsitanguan lang ang mga ito. Umupo na lang ulit si Sir Paul. Maya-maya lang ay bumulong ito sa akin.


"I never know that you have four big brothers." Bulong nito sa akin.


Beyond the boundary (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon