-------/ 30th Boundary /------

207 10 0
                                    


--/ Mean's POV /--


Tsk. Patay talaga ako nito. Pasimple akong lumingon sa mga tao. Lahat sila ay nag-aabang na. Tinignan ko din sina Stepmother at stepsisters. Nang-aasar ang mga tingin at ngiti ng mga ito. Kinakabahan na ako. At pasimple ulit ako lumingon, nakita ko si Sir Paul sa may harap. Nakita kong nag-aalala ito base sa expression ng gwapong mukha nito. Ngumiti ako dito at binigkas ko na 'okay lang ako.' Pagkasabi ko nun ay ngumiti ito sa akin at nagthumbs up pa. Bumilis ang tibok ng puso ko. Nagkaroon ako ng lakas ng loob ng dahilsa ngiti nkto. Ahhh...bahala na. Hingang malalim. Inexercise ko ng konti ang nga daliri ko. Nag-isip ng konti. At nang maikalma ko na ang sarili ko, ay huminga muna ako ng malalim at nagsimula ng magtipa ng keyboard. Naisip ko ang kanta ni Susan Maughan-"Little things mean a lot." Tinugtog ko ito noong nasa college pa ako. Sinabayan ko na din ng pagkanta.


" Give me your hand when I've left the way " simula ko.


At kumanta ako. Nang matapos ko ang pagpiano at pagkanta ay tumayo ako at yumuko sa harap nila. Nagpalakpakan ng malakas ang lahat. Humanga ang lahat sa ginawa ko. Napangiti ako sa kanila at yumuko ng konti at nagpasalamat. Nakita kong nagulat sina Stepmother at Stepsisters. At ng pababa na ako ay may kamay akong nakita sa harap ko. At ng pag-angat ng ulo ko ay nakit ko si Sir Paul. Nakangiti ito. Napangiti din ako at kinuha ang kamay nito para alalayan akong makababa. Pinupuri ako ng mga nadadaanan namin. Nang nasa tapat na kami nina 'Stepmother at Stepsisters' ay kitang kita ko ang pagkalaglag ng panga nila. Lumapit ako ng konti. Nilagay ko ang kamay ko sa baba nito at unti-unti kong sinara ang bibig nito na nakabukas.


"Sara natin 'Stepmother'. Baka kasi pasukin ng insekto. Sayang ang bayad mo sa dentista mo." Sabi ko dito sabay ngiti ng malaki. Namula ito sa pagkapahiya at nagsimulang maglakad palayo. Sumunod naman sina 'Stepsisters' dito.


"Ha! Ako pa ipapahiya niyo. Caviteña ito. Gabriella Silang ito. Hahahahahaha." Sabi ko at nakita ko napailing si Sir Paul pero nakangiti ito. Nilapitan naman ako ng mga magulang ni Sir Paul.


"Wow Mean. What a great performance. You were so good back there. And you have such a great voice." Puring puri na sabi ni Maam Grasy.


"Yeah. You sang like a pro. It was so good and so beautiful." Puno rin ng paghangang sabi ni Sir Pablo.


"Thank you po." Nasabi ko na lang. Syempre tinablan din naman ako ng hiya. Mga magulang kaya ni Sir Paul to.


At nagpatugtog ulit ang orchestra. This time ay humarap sa akin si Sir Paul. Inilahad nito ang kamay nito.


"May I have this dance with you?" Nakangiting tanong ni Sir Paul at medyo yumuko pa ito ng konti. Medyo nagulat ako. Medyo lang ha. De joke lang. Nagulat ako ng todo. Tinignan ko naman ang mga magulang ni Sir Paul. Nagsingitian at nagsitanguan ang mga ito. Tinanggap ko din ang kamay nito na nakalahad. Iginiya ako nito sa gitna.


"Sir Paul, hindi po ako magaling sumayaw. Baka matapakan ko lang po kayo." Nakatungo kong sabi dito.


Ngumiti naman ito. "It's okay. Don't worry. Just follow my lead. Relax and enjoy the dance." Sabi nito at nilagay ang left hand niya sa bewang at ang right hand nito sa left hand ko. Pinatong ko naman ang right hand ko sa left shoulder nito. Wow, Cinderella na talaga ang dating ko. At ang tugtog? Yung kinanta lang naman ni Sir Paul noong nasa Boracay kami.

Beyond the boundary (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon