-------/ 42nd Boundary /------

204 10 4
                                    

--/ Mean's POV /--




Ilang araw na din ang lumipas matapos ang meeting namin.




Balik trabaho. Inaayos namin ang mga documents at sinosort namin ang mga napag-usapan. Pero mas madami akong trabaho ngayon dahil bukod sa nakaraan meeting ay monthly report na naman.




"Ate April, okay na po ba ang report para sa department niyo? Sa friday na po kasi yun." tanong ko kay Ate April. Nasa HR department ako ngayon at kasalukuyan akong nag-iikot para ipaalala sa bawat department ang tungkol sa monthly report.




"Ay inaayos na namin yan Mean. Baka sa Huwebes maibigay na din namin sa'yo." nakangiting sabi nito. Tumango naman ako at nagpasalamat. Palabas na sana ako para pumunta sa accounting department ng biglang magtanong si Ate April.




"Anong feeling, Mean?" kinikilig na tanong nito.







Ha? Feeling? Panong 'Anong feeling?'






Napanganga ako. Di kaya alam na nito na crush ko si Sir Paul? Ganun na ba kaobvious?




"Medyo nakakakaba. Hindi mo alam kung anong gagawin mo. Lalo na pag kayong dalawa lang. Tapos minsan nakakabulol pa pag magkausap kayo." pagtatapat ko dito.




"Talaga?" nakangiting tanong nito.





Tumango ako. "Ang hirap nga minsan. Hindi ko na talaga minsan alam ang gagawin ko. Tapos minsan pa, pakiramdam ko sasabog na yung dibdib ko sa kaba."





Tumango tango ito. "Normal naman siguro yan. LaLo na pag unang beses mo. Siguro pag nasanay ka na parang wala na lang sa'yo."




Pag nasanay ako? Kailan pa? E habang tumatagal nga ay palala ng palala ang nararamdaman ko.

Beyond the boundary (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon