-------/ 34th Boundary /------

198 13 4
                                    

—-/ Mean's POV /—-



Nakatitig lang ako sa kawalan. Tulala for short. Hindi ko alam kung bakit. Bakit nga ba? Hindi ko alam.



Ahhh! Nung birthday ko! Napangiti ako ng malaki. Ang ganda ng birthday celebration ko. Nandoon ang pamilya ko, si Kurt,si Diane, si...Sir Paul.



*badump* *badump* *badump* *badump* *badump*



Ha? Ano yang badump na yan? At madami pa ha? Sinabi ko lang naman na Sir Paul.



*badump* *badump* *badump* *badump* *badump* *badump* *badump* *badump*



Hala! Mas dumami yung badump. Hindi ko na lang sasabihin ang pangalan ni—



"Good morning Mean."



"Ayy Sir Paul!" Sobrang gulat ko at napahawak pa ako sa dibdib ko. Kinabahan ako. At ng tumingin ako sa kanya ay dumoble ang kaba ko.



*badump* *badump* *badump* *badump* *badump* *badump* *badump* *badump* *badump* *badump* *badump* *badump* *badump* *badump* *badump* *badump*



Aba dumoble nga! Teka ano bang nangyayari sa akin?



"Are you okay? Are you not feeling well?" Nag-aalalang tanong ni Sir Paul. Umiling ako. Tapos ngumiti ako dito.



"Good morning Sir Paul. Okay lang po ako." Nakangiti kong sabi dito. Tinitigan pa ako. Mukhang sinisiguro kung okay lang ako. Pero Sir Paul, tama na titig. DI NA AKO MAKAHINGA!



"Okay. If you say so, my coffee please." Nakangiting sabi nito at pumasok na sa office nito. Pumunta naman ako sa pantry para magtimpla ng kape nito. Habang nagtitimpla ako ay napapngiti ako. Naalala ko na sabi ni Sir Paul na masarap daw ang kape ko. Gusto ni crush yung kape ko.




"Hindi na simpleng crush yan Bess." Biglang sumingit sa isipan ko. Hala! Ano bang nangyayari sa akin. Iling-iling.




Binigay ko na kay Sir Paul yung kape niya. Bumalik na din ako sa desk ko at nagsimula ng magtrabaho. As usual, pag lunch nagdala ako ng sandwich kay Sir. Kinuha ko naman ang baon ko at nagpunta sa rooftop para kumain. Simula ng makapunta ako dito ay gusto ko na dito. Tahimik at presko. Dito na ako maglulunch palagi.

Beyond the boundary (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon