--/ Mean's POV /--
Mahigpit kong hawak ang kamay ni Nanay. Kasalukuyan naming inaantay matapos ang operasyon ni Tatay. Patuloy kami sa pagdadasal na maging maayos ang operasyon. Matapos ang mahabang sandali ay lumabas ang doktor. Agad naming nilapitan ito.
"Doc, ano pong lagay ng asawa ko? Naging maayos po ba ang operasyon?" Kinakabahan na tanong ni Nanay. Kumapit lang ako sa braso nito dahil nanginginig ang tuhod ko sa takot at kaba.
Tinanggal muna ng doktor ang mask nito. "Wag na po kayong mag-alala misis. Maayos ang naging operasyon namin. Ililipat ulit siya sa kwarto niya." Nakangiting sabi nito sa amin. Maluha luha si Nanay na tumingin sa akin at yumakap. Lumuluha na din akong yumakap dito.
"Salamat po Diyos ko. Salamat po Doc. Maraming salamat po." Umiiyak na sabi ni Nanay ko.
"Salamat po Doc." Naluluha kong pasasalamat dito. Ngumiti lang ulit ito sa amin at nagpaalam na.
Tumingin ako kay Nanay. Umiiyak na ako. Pero hindi na dahil sa kalungkutan kundi dahil sa sobrang saya. "Magaling na si Tatay. Magiging okay na siya, Nay." umiiyak kong sabi. Tumango tango naman si Nanay at kahit umiiyak din ay nakangiti ito.
"Tawagan mo ang mga kapatid mo at ipaalam mo agad sa kanila itong napakagandang balita." sabi nito sa akin at sinunod ko naman ito. Pumunta ako sa isang telephone booth at doon tumawag. Tinawagan ko lahat ng mga kapatid ko pati si Diane. Ipinaalam ko agad na matagumpay ang operasyon at lahat sila ay masayang masaya at sinabing dadalawin nila agad ang Tatay. Pero bago ako bumalik, naisipan kong tawagan ang isa pang tao. Kinuha ko ang numero ng telepono nito na binigay nito sa akin noon pa. Hindi ko na maalala kailan.
Kahit kinakabahan ako ay tinawagan ko pa din.
*ring* *ring* "Hello Good Morning. Agapito's residence. Who's this?" sabi ng isang babae.
Oh My Gosh. Oh My. English.
Tumikhim muna ako. "Uhmm...hello po. Good morning po. Pwede po bang makausap si Paul?" magalang kong sabi dito.
"Sino sila?"
"Pakisabi po si Mean. Yung--" teka anong sasabihin ko? Secretary? Wala na naman ako sa opisina. Kaibigan? Pero pag nalaman nila na secretary ako, baka isipin nila na masyado naman kaming close. Tsk. Secretary na nga lang. "Sec-" hindi ko na nagawang tapusin ang sinasabi ko ng may ibang boses na ang nagsalita.
![](https://img.wattpad.com/cover/28746242-288-k998056.jpg)
BINABASA MO ANG
Beyond the boundary (Complete)
Художественная прозаThere is aLways a boundary in everything. A boundary between friends and foes. A boundary between truths and Lies. A boundary between Laughters and tears. A boundary between reality and dream. A boundary between hate and Love. This is an early 1970...