---/ Paul's POV /---"Sandali nga po Sir Paul, pwede po bang magtanong?" Tanong nito sa akin at nakakunot pa ang noo.
"What?"
"Yan po bang ka meeting natin ay walang asawa?"
"Why did you say that?" Nakakunot noong tanong ko.
"Kasi naman po Sir Paul, anong oras na po? 10 o'clock na po ng gabi. Yung iba po ay may luncheon meeting,tapos yung iba po ay dinner, ano po ang sa inyo? Midnight snack meeting? Aba Sir, masyado naman pong masipag yang kameeting natin. Kung ako po ang asawa niyan, iniwan ko na. Pakasalan na lang po niya yung kumpanya niya." Mahabang sabi nito.
Wait...
May point ito...
Bakit ko ba nasabi yun?...
Ahh basta...
Hindi ko sinagot ang tanong nito. Wala rin naman akong maisasagot. "Get in." Yun lang ang sinabi ko at mabuti na lang sumakay din ito. Tahimik kami sa buong biyahe. Habang nagmamaneho ako, ay nag-iisip ako kung saan kami pupunta. Saan? Saan?
Isa lang ang naiisip kong puntahan ngayon.
--/ /--
Pinark ko ang sasakyan ko sa may parking lot ng kumpanya. Pinagbuksan ko muna ito nang pinto at dumiretso na kami sa rooftop/helipad.
"Wow Sir Paul! Ang ganda naman po dito. Ang daming stars! Magstargazing po ba tayo?" Tuwang-tuwa na sabi ni Mean.
Uhmmm..."Yeah." Yan na lang ang nasabi ko. Tsk. Wala akong maisip na lugar at ito lang ang naisip ko kung saan wala ng tao ng mga oras na ito.
Agad kaming naupo sa isa sa mga bench na nandoon. Ang lamig ng simoy ng hangin. Nakita ko naman si Mean na nakayakap sa sarili nitong braso at bahagya pang hinihimas ang mga braso nito. Nakadress nga lang pala ito. Agad ko naman tinanggal ang coat ko at inilagay sa balikat nito. Tumanggi pa ito ngunit pinilit ko.
"Thank you po Sir Paul." Nahihiyang pasasalamat nito. Ngumiti lang ako dito. Nakatingin lang ito sa langit. Ginaya ko naman ito at tumingin lang din sa mga bituin. Bakit ko nga ba biglang ginawa yun? Ahhh...teka iisipin kong maigi...
*Tentenennenneeeeennn* FLASHBACK *bussshhhh*
Nang itanong ko kay Mean kung kailan pa ang huling beses ito huling nagpunta sa isang party ay napabuntong hininga ako. JS Prom? Seriously? High school pa yun ha! Ilang taon pa siya nun? 15? 16? Aba...21 years old na siya.
Nang makabalik itp sa desk nito ay agad kong tinawagan si Miss Olive. Kaibigan siya ng mama ko at personal stylist din ito. May sarili itong boutique at parlor. Tinanong ko ito kung pwede ba akong pumunta sa boutique niya. Agad naman pumayag ito. Nang nasa boutique na ako, ay pinakita nito sa akin lahat ng bago nitong gawang mga damit. Lahat ay talagang maganda pero may isa akong nakita na alam kong bagay kay Mean. Agad kong kinuha yun at nakiusap kay Ms. Olive na kung pwedeng siya ang mag-ayos dito. Um-oo naman agad ito.
Ayos na ang damit nito. Sapatos naman. Pumunta naman ako sa mall kinabukasanara mag-ikot ng konti. Madami namang maganda pero naghahanap ako ng bagay sa damit nito. At ng makuta ko ang sapatos na yun ay agad ko ng binili ng hindi tinitignan ang presyo. Pinadala oo na din yun kay Ms. Olive. Okay. Ayos na.
Sabado.
Pumunta ako kina Mean gaya ng usapan namin. Agad naman akong pinapasok ng tatay nito at binigyan pa ako ng kape ng nanay nito. At gaya ng kay Mean, masarap ang kapeng timpla nito. Tinawag na ni tita si Mean. At ng makita kong nakababa na ito ay agad na kaming umalis. Mahirap na at baka mahuli kami. Dinala ko agad siya sa room na pinareserve ko kung saan naghihintay si Ms. Olive. At ng makarating kami doon, agad din akong umalis para asikasuhin ang sarili ko. Bukod sa may mga dokumento pa akong dapat gawin ay magbibihis pa ako.
BINABASA MO ANG
Beyond the boundary (Complete)
General FictionThere is aLways a boundary in everything. A boundary between friends and foes. A boundary between truths and Lies. A boundary between Laughters and tears. A boundary between reality and dream. A boundary between hate and Love. This is an early 1970...