---/ Mean's POV /---
Ha? Teka baka huminto saglit ang mundo ko. Sandali at papaikutin ko lang.
"I think I'll try falling in love with her."
"I think I'll try falling in love with her."
"I think I'll try falling in love with---
Tamaaaaaa naaaaaa!!!
Masakit na eh.
"B-b-bakit mo naman nasabi yan Sir Paul?" nahihirapan kong tanong dito.
"Well, you see...our parents already arranged this. And Nika is a nice woman. I'm sure she'll be a good wife too, right?" Tumango lang ako dito. "I can see that Mr. de Asis is serious about you, so why not give him... a second chance." mahinang sabi nito sa huling sinabi nito. Nakatingin lang ako dito. Di makapaniwala. Si Benedict? Second chance? Ni hindi naman talaga naging kami nun.
Hindi ako makapag-isip ng tama. Tinignan ko si Sir Paul. Nakita kong seryoso ito. Anong gagawin ko? Mukhang desidido na siya.
Tapos nag-isip pa ako na magtatapat sa kanya? Mukhang malabo na lalo.
Maya-maya lang ay dumating si Benedict. "Mean---" di na nito natapos ang sasabihin dahil hinatak ko ito papalayo.
"Benedict...pwede humingi ng pabor?" medyo alangan kong tanong dito.
"Sure. Ano ba yun?" walang pag-aalinlangan na sabi nito.
"Babalik ka na sa Maynila,di ba?" tanong ko. Tumango naman ito. "Pwedeng sumabay sa'yo? Gusto ko na din kasing bumalik."
"Oo naman. Yun naman pala eh. Akala ko gusto mo ng maging girlfriend ko eh. Okay lang din sa akin." tapos humalakhak pa. Agad ko naman na binatukan ito.
"Thank you ha." biglang sabi ko dito. Ngumiti lang ito sa akin at nagpat sa ulo ko.
"Sus. Wala yun. Saka magkaibigan na ulit tayo di ba? Saka sa paraan lang na ito ako makakabawi sa'yo mula sa kasalanan ko sa'yo." sabi nito at patuloy sa pagpat sa ulo ko. "Ang sarap pala sa pakiramdam na ipat ang ulo mo. Naaalala ko bigla si Ataska sa'yo." nakangiting sabi nito at patuloy pa din sa pagpat sa ulo ko.
"Ataska? Sino naman yun?" nakakunot noo kong tanong.
"Ahh. Yun ba. Si Ataska. Yung aso namin. Ganitong-ganito ang nararamdaman ko pag nagpapat din sa ulo yun eh."
BINABASA MO ANG
Beyond the boundary (Complete)
General FictionThere is aLways a boundary in everything. A boundary between friends and foes. A boundary between truths and Lies. A boundary between Laughters and tears. A boundary between reality and dream. A boundary between hate and Love. This is an early 1970...