--/ Mean's POV /--
Lumabas agad ako ng opisina pagkatapos kong magpalit. Agad ko naman nakita si Sir Paul na nahihintay sa akin. Lumapit naman ako dito.
"Done?" Tanong nito. Tumango lang ako dito. "Let's go." Tapos naglakad na. Agad ko naman sinundan ito at nakita kong nakapark malapit ang sasakyan nito. Pinagbuksan ako ng pinto at ng makasakay na ako ay agad na lumipat ito at sumakay sa driver's seat.
"Did you have your dinner or not yet?"
Umiling ako. "Hindi pa." Sagot ko at tumango lang ito. Nagmaneho lang ito at tahimik lang kami pareho. Hindi ako makapagsalita. Para akong bata na napagalitan ng Nanay. Mukhang galit si Sir Paul. Paano ako magpapaliwanag dito? At dahil sa kakaisip ko ay hindi ko na napansin na nasa may Agapito Hotel na kami. Bumaba si Sir Paul at bumaba na rin ako. Agad na binigay nito ang susi sa bell boy at naglakad. Sinundan ko naman ito. Sumakay kami sa elevator at tumigil sa isang floor. May isang staff doon na naghihintay at agad kaming pinagbuksan ng pinto. Nagbatian lang kami. Pumasok naman kami. Aba teka lang, kanina pa ako sunod ng sunod ha. Explanation lang ba ang speech ko? Napailing ako.
Iginiya naman ako nito sa dinning table at napanganga ako sa mga nakita ko. Whoooaaaa...MAY FIESTA! Ang sasarap ng mga pagkain.
"You said that you haven't yet eaten your dinner, that's why I called the hotel staff to prepare this. Sit down now and eat." Anyaya ni Sir Paul.
Wow. Nagawa agad ni Sir Paul yun sa maikling panahon. Ang galing.
Nakatulala lang ako dito. Hindi pa rin ako makapaniwala. Syempre,inaasahan ko na galit siya. Pero heto, pinaghanda pa ako ng mga pagkain. Mga pagkain! Teka teka...hindi ba pag may kasalanan ka tapos pakakainin ka ng marami... Napanganga ako. Isa lang ibig sabihin nun...
"Bibitayin na ba ako Sir Paul?" Takot kong sabi dito. Sukat sa sinabi ko ay ito naman ang napanganga.
"Where did you get that idea? I haven't eat my dinner too. So please come and join me here." Sabi nito at napailing pa. Ahh...akala ko lang pala. Nakahinga naman ako doon at umupo na rin sa bakanteng upuan. Nagsimula na kaming kumain. At tulad ng dati, tahimik si Sir Paul, samantalang ako ay kumakain ng parang walang bukas. Tuloy-tuloy ang subo ko. Nakakilang pinggan na nga ako eh. Ang sarap ng mga pagkain. Ang sarap kumain. Kailan ba yung huling beses akong kumain ng marami? Halos isang Linggo na din pala. Nakakalimutan ko na kasi simula ng magtrabaho ako ng umaga hanggang madaling araw. Kain lang ako ng kain at pagtingin ko kay Sir Paul ay nakita kong nakatingin ito sa akin. Mali. Nakatitig pala. Nabitin yung pagsubo ko. Nahinto ang pag nguya ko. Napatitig din ako dito. Nagtitigan lang kami pero sa huli ako din ang unang sumuko. Sasabog na ata ang puso ko sa sobrang pagtibok.

BINABASA MO ANG
Beyond the boundary (Complete)
Ficción GeneralThere is aLways a boundary in everything. A boundary between friends and foes. A boundary between truths and Lies. A boundary between Laughters and tears. A boundary between reality and dream. A boundary between hate and Love. This is an early 1970...