-------/ 45th boundary /-------

216 12 0
                                    

---/ Mean's POV /---


Nandito kami ngayon sa sala. Nakaupo ako sa isang sulok katabi si Kurt. Hindi ko nga alam kung paano ako nakarating dito. Basta namalayan ko na lang na nakaupo ako at nag-uusap na sila.


"Pablo, don't tell me that you already forgot what we talked about before?" tanong  ni Sir Alfredo.


Umiling si Sir Pablo. "No. Its just that...it's been a long time. I mean, they were still kids, right?"


Tumango naman si Sir Alfredo at ngumiti. "Yeah. And my very beautiful Nika was still so cute and so pretty back then." puno ng pagmamalaki na sabi nito. "But they are all grown ups now. So I guess its better to do what we talked about before. I just waited that my beautiful daughter finished her school and settle down." nakangiting sabi nito. "And your son, Paul is now a successful businessman."


"But, Alfredo..."


"What? Don't tell me you're not gonna do this? I thought your motto is 'Honor your words?'" nakakunot noong sabi nito.



Mataman lang na nakikinig at naghihintay ang lahat sa sasabihin ni Sir Pablo.



Bumuntong hininga si Sir Pablo. "I'll talk about this with them privately. But for now, why don't we let the two of them know each other first?" suhestiyon nito.


Tumango naman ang mga magulang. Lumabas sina Sir Paul at Nika. Nakatanaw lang ako sa kanila. Tinapik naman ako ni Kurt. Di ako lumingon dito at nagsalita ito.


"Labas muna tayo saglit?" tanong nito. Pero nasa direksyon kung saan sila lumabas pa din ako naktingin. Tahimik akong hinatak ni Kurt at  lumabas. Nang nasa may bandang pool na kami ay umupo kami sa isang parte.


Tahimik lang kami pero maya-maya lang ay binasag din ni Kurt ang katahimikan na bumabalot sa amin.


"You're inlove with him." saad nito. Di yun isang tanong. Napatungo na lang ako. Hindi ko din naman ala kung paano kokontrahin ang katotohanan na sinabi nito. Bumuntong hininga na lang ako. Tumango-tango lang ito.  "Oh well. Mabuti naman at napansin mo na din. Aba ang tagal na nyan. Pero mukhang hindi pa napapansin ni Paul yan."


Nakayuko pa din ako. Wala pa rin akong masabi. Hindi pa din ako makapag-isip ng maayos dahil hindi ko pa natatanggap ang mga bagay.


"May plano ka bang sabihin yan sa kanya?" tanong nito. Tumingin ako dito.


May plano nga ba ako? Kaya ko bang magtapat? Pero kung magtatapat ba ako, may mababago ba? Gayong ikakasal na pala siya.


Umiling ako. "Hindi Kurt. Maganda ang relasyon namin ni Sir Paul bilang boss at sekretary. Maganda din ang  pagkakaibigan namin. Kung ang pagsasabi ko ang sisira noon, mas pipipliin kong hanggang wag na lang. Mas pipiliin ko na hanggang kaibigan na lang kami. Saka kung magtatapat naman ako, walang magbabago doon. Ikakasal pa din naman siya kay Nika." sabi ko at yumuko.

Beyond the boundary (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon