-------/ 50th boundary /-------

302 15 4
                                    

Out of Boundaries.


---/ Paul's POV /---


Abala ako sa pagbabasa ng mga dokumento at napansin ko na may kailangan ako at baka na kay Mean yun. Nagkataon naman na wala na din akong kape at makikiusap na din ako ng isa pang tasa mula dito. Tumawag ako sa connecting line namin na meron din sa desk nito. Ngunit walang sumasagot kaya naisipan kong puntahan na lang. Ngunit nagulat ako ng makita kong wala ito doon. Mas ikinagulat ko na malinis ang lamesa nito.


Naisipan kong bumaba at pumunta sa HR dept. para magtanong. Baka isa isang pinuntahan ni Mean ang mga departments dahil malapit na ang monthly report. Papunta na ako ng makasalubong ko si ang sec. ng HR dept.


"Is Mean here?" tanong ko agad dito. 


"Sir Paul!" gulat na sabi nito. "Uhmm...tungkol sa tanong mo...Umalis na po si Mean. Nagresign na po siya." nakayukong sabi nito.


"What? Resign?" gulat at takan tanong ko dito.


Tumango ito. Ibinigay nito sa akin ang resignation ni Mean. Agad ko naman binasa ito. 



Personal reasons?



"Kagagaling lang ni Mean dito para magpaalam Sir Paul. Baka nasa labas pa siya." sabi nito at di na ako nagdalawang isip na tumakbo doon.


Tumakbo ako. Lumabas ako ng opisina. Lumingon lingon at nakita kong naghihintay ito ng masasakyan. Agad kong tinakbo ang pinaghihintayan nito.


Hingal na hingal ako ng makalapit ako. "Mean!" tawag ko dito.


Tumingin ito sa akin. "Sir Paul..." mahinang tawag nito.


"What's the meaning of this?" galit na tanong ko hawak ang resignation letter niya.


"Nagreresign na ako Sir Paul."


Nagulat ako. "But why? This is so sudden. Since when? I was right. There's something wrong. Tell me. Are you having hard time at work? Then I'll lessen the hour of you work. If it's about your salary, don't worry, I'll increase it." nagpapanic na sabi ko. Hinawakan ko ito sa magkabilang braso. "Tell me Mean! Tell me what's wrong so that I can help you!" desperadong sabi ko at niyuyugyog pa ito. 



Why? What's wrong? Don't leave...



Pumiksi ito at lumayo.


"What's wrong? Yung puso ko Sir Paul!" sigaw nito sa'kin. Napaiyak na din ito. Nagtataka naman ako.


Beyond the boundary (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon